Adreana's POVI walked out of my car and made my way to my first class. When I was on my way, someone grabbed my arm which made me face that person.
"Where did you come from? We were worried sick!" Malakas na sabi ng kaibigan kong si Alicia.
"I was sick, I'm sorry how many days was I gone?" pagtatanong ko sa kanila.
"You missed one school year."
My eyes widened with what they said. Was that even possible?
'Yes it is possible, for vampires.'
Who was that? "Seriously?"
"Nah, we're just kidding. You were gone for like 3 to 4 days. What happened to you?" bulalas ni Guia. Kahit kailan talaga ang daldal eh!
"Ugh. I had a... cold..." pagsisinungaling ko sa kanila. What? Wala naman akong ibang option e.
"Tara na, marami kang hahabulin, sumama ka na sa akin para matulungan kita," pag-aalok ni Alicia sa akin pero umiling lang ako.
"Uh- actually... Nilapitan ko na ang mga professor ko kahapon and they just gave me what I've missed. I would like to answer it myself, besides kung kailangan ko man ng tulong, kasama ko naman ang mga kuya ko. I can do this!" ngumiti ako sa kanila at mukhang nakumbinsi naman sila kaya nagpaalam na sila at naglakad na palayo.
Agad rin akong naglakad papunta sa X13 habang walang pumapansin sa akin.
Pagdating ko sa harap ng pintuan ay hinawakan ko kaagad ang doorknob.
"Ang hirap mawala ng matagal sa school no?" napalingon ako sa likuran ko upang malaman kung sino ang nagsalita.
Natagpuan ko ang isang lalaking nasa tabi ng isang poste. Naka-smirk ito at nataranta ako nang unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Kinilabutan ako nang titigan niya ako sa mga mata ko kaya't napabitaw ako sa doorknob.
"What do you need?" pagtatanong ko at bigla na lamang siyang napunta sa isa pang poste na mas malapit sa kinatatayuan ko. Ang bilis nun, para siyang kidlat. "Huwag kang lalapit!" nakaramdam ako ng pagkaalerto.
"At lalong lalo na ang magtago," sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang titig niya sa mga mata ko.
"Kung ako sa iyo, tumakas ka. Magpakalayo-layo sa mga mahal mo sa buhay. Maybe go back to Switzerland," suhestyon niya sa akin. Napataas naman ang kanang kilay ko.
"Sino ka para diktahan ako? At hindi ko sila lalayuan nang walang dahilan! Kaya nagsasayang ka lang ng oras mo, umalis ka na, okay?" bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ko. Malapit sa mukha ko. Mas matangkad siya pero yumuko pa siya para lang takutin ako.
"I'm trying to help you," sabi nito. Lumabas si kuya Brix dahilan upang mapatingin ako sa kanya at biglang napakunot ang noo niya.
"What's going on here? Sinong kausap mo?" pagiintriga niya sa akin. Tumingin ako sa harapan ko at itinuro ang- n-nawala 'yung nanakot sa akin!
"At sinong tinuturo mo?" napa-crossed arms nalang siya.
"Listen to me and promise me, you'll believe me," itinaas ko ang dalawang kamay ko at nahulog ang mga gamit ko. I don't care! Basta ma-explain ko kay kuya.
"There's a guy w-who's telling me to leave you guys. He said that it is hard to hide. At... At habang kinakausap niya ako, nakatitig lang siya sa mga mata ko the whole time!" I don't want to panic but ugh!
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni kuya Brix at hinatak niya ako kaagad papasok sa loob ng X13 at maya-maya'y isinara ang pinto.
"What's the matter, Brix? And... Adrean?" nakakunot-noong tanong ni Khrio. Tinignan ko naman si Brix habang inilalapag niya ang mga gamit kong naihulog kanina sa labas.
BINABASA MO ANG
The One
WampiryIsang bampirang sinasabi nilang magliligtas sa kanilang lahi at sa lahat ng tao sa paligid nito. Bampirang namumuhay kasama ang mga tao ngunit maraming hindi alam tungkol sa paligid nito. Adreana Ventura, kilala siya sa pangalang ito, sinasabing ka...