Chapter 11- Being Ready

25 9 0
                                    


Adreana's POV

"Adi? Adi- oh nandito ka lang pala! Ba't hindi ka pa kumikilos? May problema ba?" Sambit ni Mom na nagpabalik sa akin sa katotohanan.

"H-ha?" Lumapit naman si mom sa akin.

"Ba't nag-iisa ka dito sa balcony? Hindi ba dapat, nag-aayos ka na?" Napangiwi naman ako sa sinabi ni mom. I don't feel comfortable.

"Wala ma, sige pupunta na po ako sa kwarto ko. Maghahanda na ng mga gamit." Binigyan ko siya ng ngiti. Ngiting mahahalata mong tipid.

"Okay, galingan mo ha?" Tumango ako at lumayo na sa lugar na 'yun.

Naiisip ko pa rin na isa pala talaga akong bampira. At iyon ang dahilan kung bakit nag-iisa nanaman ako kanina sa balcony. Hindi ko kasi inaakalang nag-eexist pala ang mga gano'n.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit sa bag ko. Nagdala lang ako ng extra shirt at ang damit ng grupo namin, isinama ko na rin ang hoodie-dahil sa takot akong hindi makatagal sa araw kahit na sinabi ni kuya Ryuu na okay na okay ako sa araw kahit kailan.

Naligo na ako at tsaka nag-ayos ng sarili. Naglagay ako ng dark make-up kahit na ayoko-napilitan lang ako.

Nag-text na ako kay Ryuuki na okay na ako at nag-reply naman siyang sumabay na lang ako kay Jash. Isinukbit ko na ang backpack ko sa balikat ko at lumabas ng kwarto para dumiretso sa kwarto ni kuya Jash.

Sakto naman kakatok ako at binuksan niya ang pintuan.

"Oh, himala. Aga mo ah?" Sambit niya habang inaayos ang polo niyang nakabukas at nakapatong sa t-shirt.

"Duh, hindi ah. Kung hindi pa ako nakita ni mommy, hindi pa ako kikilos." Sambit ko. "Bilisan mo na, gusto ko nang umalis."

"Okay sandali!" Pumasok uli siya sa loob para kunin ang bag niya. Paglabas niya ay dumiretso kami sa baba.

"Guys, kumain na kayo." Sabi ni mom. Hanggang ngayon wala pa rin dito ang daddy, hindi ko alam kung nandoon pa rin siya sa 'business trip' niya.

"Ma, sa labas nalang po kami kakain. Kinakabahan ata itong si Adreana eh," saad ni kuya at pumayag naman si mom.

"Ate Anna! Manood ka sa amin ha!" Sigaw ko habang papalabas na kami ng bahay.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni kuya. Ay! Dapat pala doon ako sa sasakyan ko, saglit lang.

"Oh, ba't ka bumaba?" Sambit ni kuya matapos niyang isilid ang mga instrument na gagamitin namin sa compartment ng kanyang sasakyan.

"Dadalhin ko 'yong sasakyan ko." Saad ko.

"Ahh gano'n ba? Oh sige. Mauna ka na," aniya at inilagay ang kanyang bag sa backseat ng kanyang sasakyan.

"Teka, meet tayo sa Starbucks malapit sa campus," Tumango naman siya bilang tugon at binuksan ko na ang gate namin. Wala na kasi 'yung guard namin, pinauwi na nila mom sa probinsya nila.

Pumasok na ako sa kotse ko at i-ni-start ito. Nang mailabas ko na ito at padiretso na ako papunta sa school ay saktong pagbukas ni Jeremy ng gate nila. Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko dahil 'di niya ako makikita-tinted kasi ang mga bintana ng mga sasakyan namin.

"Jer!" Agad naman siyang napatingin. "Nakapag-breakfast ka na ba?"

"Yeah, why?"

"Ahh, yayayain sana kita sa Starbucks kasama ko si kuya."

"No, sorry. May gagawin pa ako sa school." Matipid niyang sabi. Mukha ngang walang gana eh, anong problema nito?

Itinaas ko na uli ang bintana at umalis na doon.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon