Chapter 6- Band Practice

74 41 4
                                    


Jashua's POV

"One...Two...Three..." The band started to play the song. Adi is now singing 'til Kevin instructed our band to stop.

"Adi, what's happening to you?" Tinignan ko naman si Adreana.

"Nothing, I'm fine." Tumingin siya kay Khrio at sa bintana. Tinignan ko naman si Khrio na busy sa music sheets.

"Kev, break na muna. One hour na din naman tayong nag-pa-practice e." Sambit ko at mukhang gets naman ni Kevin 'yung point ko.

"Okay break muna Thirty Minutes," ani Kevin.

Lumabas na si Kevin at Brix. Lalapitan ko na sana si Adreana pero nakita kong kasama niya si Ryuuki. I think tama na si Ryuu muna ang kumausap kay Adi. Lumabas na muna ako para kausapin si Drew.

Saktong paglabas ko ay napadaan siya sa music room.

"Andrew," sambit ko sa seryosong tono.

"Bakit kuya?" Iginagalang naman ako nito ni Drew e kaso maangas lang.

"Anong naging problema ninyo ni Khrio?"

"Ahh 'yun ba?" Umiling-iling siya habang nakayuko at naka-smirk pa.

Angas talaga neto.

"Sagutin mo nalang 'yung tanong ko hindi 'yung puro angas ka diyan!"

"Nabangga ko lang naman si Adreana sa mall at natapunan ng kape. Nag-sorry naman ako kaya hindi ko alam kung ba't galit pa sa akin si Khrio." Sambit niya.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo dati pa na hangga't maaari kapag magkasama silang dalawa, 'wag mong i-ti-trigger si Khrio," sambit ko at huminga ng malalim. "Sinabi ko na sa'yo 'to bago kayo tumuloy dito sa bahay."

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako. "Bakit? Meron bang namamagitan sa kanilang dalawa? Bakit sila ba?"

"Andrew! Walang relasyon 'yung dalawa pero sinabi ko na nga sa'yo na over protective si Khrio kay Adi dahil-" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Khrio.

"Pwede ba, manahimik ka nalang?" Sambit niya habang nakatingin kay Andrew. Bumaling siya ng tingin sa akin. "At ikaw, pumasok ka na. Baka kung ano pa ang masabi mo diyan." Sabi niya at pumasok nalang ako sa music room. Alam ko kapag seryoso si Khrio at hindi.

Tinignan ako bigla ni Ryuuki.

"Bakit?" Sabi ko.

Nilapitan niya ako at bumulong, "Bakit kausap ni Khrio si Andrew? Baka kung anong mangyari." Alam kong nakakarinig siya kahit na mahinang pag-uusap lang dahil bampira siya.

"Anong sinasabi niya?" Gusto kong malaman.

"Binabantaan niya si Andrew na kapag hindi niya tinigilan si Adi e siya na ang magpapalayas sa kanya dito. Pero hindi pumapayag si Andrew at-" pinutol ko na ang sasabihin niya. It's better for me to ask KC about this later. Mas maganda kung sa kanya na mismo manggagaling.

"Uy, nakita ko si KC at si Drew na nag-uusap sa labas, sobrang seryoso nga e. Anong meron?" Tanong ni Brix once makapasok sila ni Kevin.

"Oo bro, konti nalang siguro bubugbugin na ni KC si Drew." Si Kev.

Napansin kong napatingin si Adreana. Narinig niya malamang.

"Ano?" Naka-kunot ang noo niya.

Tinignan ko ang dalawa at naggets naman nila.

"Ha? Wala. Sabi ko lang nakita ko 'yung dati naming kaklase nung bumili kami ng foods. 'Yung mga naghahamon sa'min dati ng bugbugan." Pagkukunyari ni Brix.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon