Chapter 9- Protectors

52 23 0
                                    


Adreana's POV

"Seryoso?" Sabi ni Guia. Tumango naman si Alicia.

"Sige, isama mo ako dahil may extra ticket ka naman 'di ba?" Excited na sabi ni Guia sa kanya.

May ticket na agad sila ng para sa Battle Of The Bands. Superfan e.

"Ikaw Hannah? May ticket ka na ba?" Tanong ni Alicia.

"Hmm wala pa. I think hindi ako manonood." Sabi niya. Nagkaroon naman ako ng idea.

"I have a ticket, gusto mo sa'yo nalang?" Alok ko sa kanya.

"Hindi na, it's yours. I'll just buy later." Sabi niya.

"No, I'm sure sold out na later," sabi ko. Hindi ko naman kasi magagamit 'yung ticket e.

"E, paano ka?" Natigilan ako. Argh! Nawala sa isip ko 'yun ah.

"H-ha? M-meron akong ticket na extra. Kunin mo na nga 'to," kinuha ko 'yung ticket sa bag ko at iniabot sa kanya.

"Are you sure? Ipakita mo muna 'yung extra ticket mo." Sabi niya.

So hindi ko alam 'yung gagawin ko, pa'no ba 'to?

"Tsk basta okay na 'yan."

"Well, okay. Basta dapat nando'n ka rin ha? Malapit na 'yun" Naalala kong may practice kami mamaya. "Thank you nga pala," dagdag niya.

"Waaah guys makikita ko na uli sila magperform!" Excited na sabi ni Guia. Ang kulit talaga ni Guia HAHAHAH.

"Oo nga, uy G punta ako sa inyo mamaya ha? Gawa tayo ng posters and banners!" Tumango naman ng excited si Guia.

Naglakad na kami ni Hannah dahil same class kami. Nakakapagtaka nga e, ba't 'yung dalawa hindi naman namin laging kaklase. Isang beses lang siguro.

"Adi, may extra ka ba talagang ticket?" Sabi ni Hannah.

"Huwag mo nang alalahanin 'yun please," sabi ko sa kanya.

Lalo kasi akong naguguluhan, wala na akong palusot. Habang naglalakad naman kami ay nakasalubong ko ang naka-hoodie na si Brix. Nagkatinginan kami at nakita ko sa may wrist niya ang tattoo na katulad sa banda ng Dark Shadows. In-ignore ko nalang siya para maiwas na rin siya sa gulo.

 In-ignore ko nalang siya para maiwas na rin siya sa gulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat sila ay pareho ng tattoo sa may wrist. Hindi ko nga lang alam kung bakit orasan 'yon at vintage ang datingan.

Pumasok na kami sa klase at maaga pa naman so yeah wala kaming ginawa. Nagtabi na kami ni Hannah.

"Hey, Hannah may itatanong ako. Curious much lang," naalala ko kasi 'yung tinginan nila ni Ryuu nung sa library dati... Why not try to ask diba?

"Osige, ano 'yon?" Kayyy baka magbago isip ko so now na.

"May something ba sa inyo ni Ryuuki? Kasi-" napatigil ako nang makita ko ang mukha niyang gusto mambasag ng ibang mukha. Pero bumalik din naman sa pagka-seryoso.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon