Adreana's POVKumakain kaming tatlo nila kuya at ate ngayon na sobrang seryoso ang mga mukha. Ano bang problema nila? Nagkaganyan kasi sila simula nung may biglang dumating kahapon at nag-stay sa bahay namin. Aalis na si dad mga 2-3 days nalang.
"Mauna na ako." Matipid na sabi ni kuya Jash sa amin ni ate sabay tayo sa kinauupuan niya.
Hindi man lang niya kami nilingon uli? Basta nalang siyang umalis.
"Ate," sabi ko. "May problema ba si kuya? Or ikaw? Parang sobrang cold n'yo kasi."
Hindi ako sinagot ni ate instead ay uminom nalang siya ng tubig at nagpaalam na sa akin na nand'yan na daw 'yung bestfriend niya.
Hala ano daw.
Naiwan akong mag-isang kumakain at nilapitan naman ako ni mom.
"Adi, nasaan na ang ate at kuya mo?" I shrugged my shoulders dahil nga hindi ko alam kung sa school na ba sila didiretso or no.
Kinuha ko ang phone ko para mag-browse ng onti sa twitter. Napa-straight nalang ako ng upo at napakunot ang noo nang makitang may nagtext sa akin.
Hindi ko naman binibigay 'yung number ko sa kung kani-kanino lang ah?
From: +63927*******
Hi Adreana! Kita tayo mamaya sa school, Love lots :*
What the hedge. Sino 'yun?
"Ma, alis na po ako," sambit ko at humalik sa pisngi niya.
Naglakad na ako papunta sa garahe namin. Sumakay ako sa black Porsche Panamera at siyempre nag-drive papunta sa school.
Pagdating ko sa school ay nagpark agad ako sa bakante at nakita ko ang kotse ni kuya.
Okay so nandito na siya.
Kinuha ko na ang gamit ko at naglakad na papunta sa first subject ko.
"Hmm, room 139" hinahanap ko ang room na iyon at pagtingin ko sa kaliwa ko ay nandon 'yun. Pumasok agad ako sa loob at naghanap ng pwestong nasa gilid pero wala sa front or back row.
Wala pa 'yung prof namin so aral aral muna ako ngayon. Medyo dumadami na ang mga tao ngayon at may tumabi na rin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Nung una wala talaga akong maggets pero naglaon din nagugustuhan ko na.
"Oi guys, wala daw prof natin ngayon!" Narinig kong sigaw ng isa kong kaklase, napatingin ako sa sumigaw at nagsalubong ang mga mata namin. Umiwas siya bigla ng tingin at naupo.
Hala bakit? May nagawa ba ako?
Naglabasan na lahat ng mga kaklase namin pero nag-stay 'yung kaninang sumigaw. Hinihintay ko siyang lumabas pero parang hinihintay din niya akong lumabas dahil patingin-tingin siya ng pasikreto sa direksyon ko kaya lumabas nalang ako.
"Adreana!" Hyper na sabi niya. Kilala ko na 'to.
"Oh Guia," humarap ako sa kanya.
"Natanggap mo text ko kanina?" Makulit niyang sabi.
"Ah, ikaw pala 'yon," tumango siya at naglakad na kami. "Pa'no mo nalaman na number ko 'yon?"
"Uhm, I have ways?" Sabi niya.
"Ooh, ano naman 'yang ways na 'yan aber?"
"Uhm, my brother is working with Ryuuki for a project."
Ahh, kaya naman pala e, hindi ko na tinanong kung paano kinuha at nagpatuloy nalang uli sa paglalakad.
Sa hallway, nakasalubong ko si kuya Jash na may kausap sa telepono. Babatiin ko na sana siya pero nagmamadali siya at nilagpasan lang ako. Nakakalungkot.
BINABASA MO ANG
The One
VampireIsang bampirang sinasabi nilang magliligtas sa kanilang lahi at sa lahat ng tao sa paligid nito. Bampirang namumuhay kasama ang mga tao ngunit maraming hindi alam tungkol sa paligid nito. Adreana Ventura, kilala siya sa pangalang ito, sinasabing ka...