Kunot noo na naglakad si Zachary Monasteryo papunta sa Computer Science and IT Building. Ang departamento kung nasaan ang pakay niya.
Lahat naman ng babae na nadadaraanan niya ay napapatingin sa kanya. Kung nasa mood palang siya ay baka pinansin na niya ang mga ito at nilandi. Kaso wala siya sa mood. Ilang araw na busangot ang kanyang mukha. Naiinis siya sa sarili niya at sa babaeng Red Girl na iyon.
Naalala niya ang mga mensahe niya mula kay Red Girl ng umagang iyon.
Red Girl: Magaling ba ako mag moan?
Red Girl: Your moan is good. Nilabasan din ako.
Red Girl: Ang sarap mo pala talaga.
Red Girl: Parang gusto na ata kita matikman ng personal.
Red Girl: HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Red Girl: JOKE LANG! HAHAHAHA WAG KANG UMASA! HAHAHAHA
Sobrang naiinis siya habang binabasa ang mga mensahe ng babae. Ngayon lang siya napaglaruan ng ganun-ganun. Sa tinatagal niya ng paglalaro sa mga babae ay hindi pa siya nakakaranas ng ganitong panlalaro. Nalalamangan siya ng misteryosang babae! At hindi siya makakapayag na mas lalo siyang lamangan ng Red Girl na iyun!
Umakyat papuntang third floor si Zac. Pupuntahan niya ang kakamabal ng babaeng mahal niya. Kahit magkamukhang magkamukha sila, may palatandaan naman si Zac kung sino ang babaeng mahal niya at kung sino ang hindi.
Pagdating niya sa ikatatlong palapag niya ay napatigil siya sa paglalakad ng makita ang babaeng hinahanap niya. Napatingin din ang babae sa kanya na nakakunot ang noo.
Napalunok siya sa klase ng tingin na binigay sa kanya ng babae. Alam naman niya na ayaw ng babae sa kanya pero everytime na nagkakaharap sila ay masama palage ang timpla ng mukha ng babae.
"Ohmyghad mare! Totoo ba tong nakikita natin ngayon?" tanong ng katabi ni Lorele na best friend niya na si Claire! Kunot noo lang nakatingin si Lorele sa lalaking hindi niya inaasahan na makikita niya ngayon sa mismong harapan niya.
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong ni Lorele sa lalaking kaharap.
Napalunok naman si Zac na marinig ang boses ni Lorele. Ngayon lang ulit niya ito narinig magsalita. Tahimik lang kasi ito noon paman. Kung narinig man niya ito magsalita, hindi naman ang binata ang kausap nito kundi ang kakambal.
Inayos ni Zac ang sarili nito saka nagsalita. Kailangan niya makausap ang dalaga para matapos na ang pagdududa niya. Alam niya na si Lorele lang may kakayahan na paglaruan siya dahil siya lang ang babaeng may alam ng buhay niya aside sa babaeng mahal niya.
"I need to talk to you....... in private."
~
Pumunta sina Zac at Lorele sa likod ng ComSci and IT buidling. Doon nila napagpasyahan mag usap. Kahit ayaw ni Lorele na makausap ang binata ay wala siyang nagawa dahil sa bigla nitong pagmamakaawa.
Bakit magmamakaawa sa kanya ang lalaking pinakamamahal ng kapatid niya?
Ang alam ng dalaga, hindi alam ng binata na mahal din siya ng ng kanyang kakambal. Pareho nilang mahal ang isa't isa kaso may problema. Hindi niya maipapaliwanag ng mabuti pero may hindi alam si Zac sa kakambal nito. Hindi niya rin pwedeng sabihin dahil baka mabuko ang lahat ng tinatago ng magkambal.
"What do you want us to talk about?" malamig na pasimulang tanong ng dalaga. Napakamot sa batok si Zac.
Malakas ang kompyansa ni Zac sa halos lahat ng babae except nga lang sa magkambal na si Lorele at lalong lalo na kay Lucile.
Paano niya ba sisimulan na magtanong tungkol sa mga hinala niya?
Una, pwedeng malaman ni Lorele ang personal number ni Zac. Malaking posibilidad iyon.
Pangalawa, alam ni Lorele ang nakaraan niya at alam niya na Zigzaaaw ang tawag ni Lucile sa binata.
Pangatlo, kilalang hacker ang dalaga at magaling na IT technician kahit hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral.
So malaki ang posibilidad na siya si Red Girl lalo na't panghuli, she has a dark red hair.
Lumunok ang binata at bumuga ng hangin.
"Are you that Red Girl who keeps on bugging me?
BINABASA MO ANG
It Started With SPG Text
Short StoryMakikilandi ka ba kahit sa text lang? Number 1, in #Textserye Textserye: SPG SESSION