ELEVEN
Zac is online
Kirk: Uy, online na si Papa Zac.
Kirk: Hi Papa Zac. Pansinin mo ako please.
Harold: Guys, bar tayo mamaya! Namiss ko na uminum! Sht! Ilang araw na akong hindi nakakainum ng alak.
Yuki: Game!
Kirk: Saan tayo later? Ayoko na sa dating tambayan. Bago naman.
Allen: Sa Haze tayo mamaya.
Kirk: O.o
Yuki: Seryoso Allen?
Harold: May sakit ka ba Allen?
Zac: May kilala ba kayong babae na naging kaclose ko noon aside sa mga Samifranca?
Kirk: Whoah whoah! Hindi pa nga ako nakakaget over kay Allen, bigla ka namang susulpot Zac na parang kabute. At anong ibig mong sabihin?
Yuki: Wala pare! Halos ata lahat ng babae na kilala namin o pinakilala mo, nilalandi mo lang.
Harold: Mommy at kapatid mo pre?
Zac: Seryoso ako guys.
Yuki: Nagseseryoso ka pala Zac.
Zac: Fck you.
Kirk: Wait. May naalala ako.
Zac: Sino? Siguraduhin mo lang na seryoso yan Kirk kundi malilintikan ka talaga sa akin.
Kirk: Seryoso nga ako sa'yo Zac. Ikaw lang tong hindi nagseseryoso sa ating dalawa. Nasasaktan na ako Papa Zac.
Yuki: Haahahahaha. Havey Kirk! Pwede kana talagang maging bakla! Hahahaha.
Allen: Sagwa mo Kirk
Zac: Mga ulol! Kita nalang tayo mamaya sa Haze!
~
Pumunta ng Haze ang magbabarkada na sina Zac, Kirk, Harold, Yuki at Allen. Pagpasok palang nila sa bar ay pinagtitinginan na agad sila ng mga tao. Naunang naglakad si Zac. Nakasunod ang mga kaibigan niya.
Zac is walking towards the crowd with too much confidence and with oozing sex appeal. Lahat ata ng babae ay napapasinghap sa kanyang presensya.
Pero hindi rin nagpapahuli ang kanyang mga kaibigan. Lahat naman sila may histura. Magaganda ang hubog ng katawan, gwapo, mayaman at malakas ang hatak pagdating sa mga babae.
Their group called as ZEUS. Zeus dahil pang greek gods daw ang kagwapuhan especially Zac. Yan ang pangalan ng grupo nila. But those 5 guys didn't even have an idea na pinangalanan na ang grupo nila. They were too naive about all of their fan girls. Ang tanging iniisip lang nila ay makipaglandian sa mga babae, got drunk and have fun while they are still young and while they're not tied yet to a special girl.
Lumakas ang hiwayan ng mga tao ng biglang pinalitan ang music. Napatingin din ang limang lalaki sa bagong DJ na pumalit sa unang DJ na naabutan nila. Nakatungo lang ito habang busy sa ginagawa nito.
Zac was stunned to see a girl to be a disc jockey. Nakakita na si Zac na isang babae na DJ but the girl who's enjoying playing with the music beautifully amused her.
"Guys, I found a table for us." tumango si Zac saka sumunod sa mga kaibigan niya.
Binigay sa kanila ang isang VIP table sa itaas. Agad na may nagserve ng alak sa kanila pagkaupo. Kinuha ni Zac ang isang baso na may laman ng alak saka inilagok ito.
"Whoaaah! That's my Zac." umiling si Zac sa naging reaksyon ni Kirk. Tumayo ulit siya saka tumabi kay Kirk. "I know you want me too Papa Zac." hinaplos ni Kirk si Zac sa may dibdib. Nagtawanan naman si Harold at Yuki sa ginawa ni Kirk.
"Gee! Bagay pala kayo!" panunuksong saad ni Yuki.
"Fuck you!" nagtawanan ang magkakaibigan dahil sa nakikitang inis sa mukha ni Zac. Tahimik naman si Allen na umiinum.
Nagtawanan at nag inuman silang lima. Nakikisali si Allen pero tipid lang ang kanyang tawa. Hinayaan nalang din nila si Allen dahil alam nilang hindi rin nila ito makakausap ng seryosohan.
May mga babae na lumalapit sa table nila kaso hindi nila ito pinapansin ng limang lalaki. Walang plano mambabae ang limang lalaki. They were enjoying catching up with each other dahil iilang buwan din silang hindi nagkita dahil busy sa school.
Si Zac naman ay pasimpleng tumitingin sa cell phone niya kung nagtext ba si Red Girl.
Isang buong araw na itong hindi nagparamdam. Naninibago siya. Kasi noon, araw araw halos may text or chat si Red Girl sa kanya. Minsan, kahit ano ano lang.
Naiinis man siya, hindi parin niya mapigilang basahin ang mensahe mula sa misteryosong katext or kachat.
Nagulat ang lahat na parang may sumabog. Napatigil ang lahat. May tumili pero natahimik rin ito saglit. Namatay ang mga ilaw.
Naalerto si Zac at binulsa ang cell phone nito pero natigilan siya ng makita na tumatawag si Red Girl. sasagutin na sana niya ito peo naputol naman agad ang tawag.
Hindi parin bumabalik ang ilaw. Nakarinig na siya ng ilang bulong bulungan at pagmumura. May nagrereklamo kung bakit nawalan ng kuryente.
Wala namang nagsalita o nagreklamo sa kanilang lima. Kita niya ang pagkaamuse sa mukha ni Allen habang nakamasid sa paligid. Nakaon lahat ng ilaw ng mga cell phone nila kaya nakikita niya ang mga hitsura ng mga kasama niya at katulad niya, tahimik lang din sina Kirk, Harold at Yuki na nagmamasid.
Nagvibrate ulit ang cell phone ni Zac kaya binuksan niya agad ito para basahin ang mensahe.
Muntikan na niyang mabitawan ang cell phone niya sa nabasa at nakita niyang picture na nakaattach sa message.
Red Girl: Clue number 2. I'm at Haze at the moment.
BINABASA MO ANG
It Started With SPG Text
Short StoryMakikilandi ka ba kahit sa text lang? Number 1, in #Textserye Textserye: SPG SESSION