Hindi alam ni Zac kung saan siya pupunta. Hindi na rin siya nag abala na magpalit o mag-ayos ng lumabas siya sa condo niya at wala na siyang pakialam kung puro dugo na ang kanyang damit pati na ang kanyang mukha. All he need to right now is to get out of his place.
Nang makasakay siya sa kotse niya ay agad niya ito pinaharurot. Napamura pa siya ng makita niya ang sarili sa salamin na may dugo sa mukha. Napatigil siya sa pagmamaneho saka pinakalma ang sarili.
Ano ba tong nangyayari sa kanya? Bakit parang gumugulo ang buhay niya ng makilala niya si Red Girl?
"Arrrrrrghhhhhh!" pinalo niya ang manibela dahil sa inis. Naiinis siya dahil sa unang pagkakataon may babaeng kayang kalabanin siya. May babaeng kayang guluhin ang buhay niya.
Pinaandar ulit niya ang kanyang sasakyan at kinabig ang manibela.
His mind is thinking about something. Something that would end his misery from Red Girl's radar. Kahit pa magmukha siyang desperado ay wala na siyang pakialam. Isa lang ang kakilala niya na kasing galing ni Red Girl at kailangan niya humingi ng tulong mula rito. Kahit nakakahiya. Kahit nakakasakit ng ego.
~
Ipinarada ni Zac ang kotse niya hindi kalayuan sa bahay ng kakambal na kababata niya. Kinuha niya ang cell phone niya at dinial ang numbero na matagal ng nakasave sa phone niya. Alam niya na hindi niya makokontak ang may-ari ng number na iyon pero nagbabakasali siya na baka buhay parin ang numbero na iyon.
Nagulat siya ng marinig na tumunog ang kabilang linya. Tiningnan niya pa ulit ang screen ng phone niya para makompira kung totoo ngang nagri-ring ang sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay naconnect na ang tawag.
"Hello?" napalunok siya ng marinig ang isang boses na medyo kinatatakutan niya. "Helllooooooooo?! Sino ba to?!!!!!!!!!!!!" parang nataranta naman si Zac hagilapin ang tamang salita na sasabihin niya.
Magsasalita na sana siya ng may narinig pa siyang isang boses sa kabilang linya.
"Who's calling twin?" agad niya napindot ang end button dahil sa kaba na nararamdaman niya. Hindi siya nagkakamali. Siya iyon. Bumalik na siya.
Bumalik na ang babaeng matagal na niyang hindi nakikita.
~
"Who's calling twin?" napalingon si Lorele ng marinig ang boses ng kakambal niya. Hindi naman siya nagdalawang isip na ibigay ang cellphone niya sa kanyang kapatid.
"I think you know who's calling." sagot lang nito saka iniwan ang kanyang kakambal.
Hindi nakasave ang number ng tumatawag sa cell phone niya pero alam na alam niya kung sino iyon. Hindi naman siya ganoon katanga para hindi malaman kung sino iyon. Cell phone naman talaga ng kakambal ang ginagamit niya. Ginamit niya ito simula noong umalis ang kakambal niya sa bansa.
"It's Zigzaaw." napailing lang si Lorele bago siya lumabas sa kanilang kwarto.
~
It's Lucile. He knows that he heard Lucile's voice. Kilalang kilala niya ang boses nito.
*beep* napatingin siya sa cell phone niya ng tumunog ito.
Para siyang nanlamig ng makita ang pangalan ni Lucile.
Nanginginig naman niyang binuksan ang text ng babaeng matagal na niyang hindi nakakausap o nakikita.
Lucile: Zigzaaaw? Is this really you?
*dug dug dug dug*
Is this for real? Bumalik na ba talaga si Lucile? tanong niya sa kanyang isipan. Hindi pwede! Baka pinagt-tripan lang siya ni Lorele.
Nagtipa siya ng kanyang isasagot pero natigilan din siya sa pagtitipa ng mensahe ng makitang bumukas ang gate ng bahay ng kakambal sa di kalayuan.
Ilang sandali pa ay lumabas ang isang babae na may mahabang kulot na kulot na buhok na nakasuot ng spongebob pajama. Lumilinga linga ito tila may hinahanap.
At ng mapatingin ito sa direksyon niya, parang tumigil saglit ang mundo ni Zac.
Mas lalo dinng bumilis ang tibok ng puso nito.
She's really back. Bumalik na talaga si Lucile.
BINABASA MO ANG
It Started With SPG Text
Historia CortaMakikilandi ka ba kahit sa text lang? Number 1, in #Textserye Textserye: SPG SESSION