"Nagbibiro ka ba? Red talaga?"
[Yes, my second name is Red. Bakit ayaw mo maniwala? Sinasabi ko na nga diba?]
Zac's snorted. Parang nagsisi siya na tanungin ang kausap niya. Of course, she wouldn't tell her complete name and will definitely lie to him.
But at least he tried. Pero wala pa rin kahit sinubukan niyang magtanong.
[Tumatawag din ako sa'yo ngayon. So bakit hindi ka parin naniniwala? If sa text ko lang sinabi, I would never tell you my second name.]
"Oo nalang!"
[So gagawin mo na ba? You're safe to go outside.]
Zac muttered a curse. Wala siyang nagawa kundi gawin na lang ang favor na hinihingi ng dalaga. Kahit sobrang kinakabahan siya ay tumayo siya mula sa kanyang kinahihigaan.
[You have an airpod, right? Use it. I'll guide you. I'll be your eyes.]
Kinuha naman ni Zac ang airpod mula sa kanyang bag. Sinuot niya ito sa kanyang tenga. The call immediately connected to his airpod kaya binaba niya agad ang kanyang phone at binuksan ang flashlight.
[Turn off your flashlight. You don't need that. I will be your eyes diba?]
"Fine!" He hissed as he tried to hide his nervousness. "Remind me again why I am doing this?" tanong niya habang dahan dahan siyang naglakad palapit sa pinto ng kwarto.
[Dahil gusto mo mamuhay ng payapa kasama ang babaeng mahal mo na natutulog ngayon sa kabilang kwarto. Is that enough?]
Napabuga ng hangin si Zac at walang nagawa. Pinatay niya ang kanyang cellphone saka dahan dahang binuksan ang pintuan. Huminto siya sa labas ng pintuan at dahan-dahan ding sinara ang pinto. Pero hindi niya tuluyang sinara ang pinto.
He just left the door ajar.
Ang lakas ng tibok ng puso niya. Para itong sasabog sa sobrang kaba dahil sa takot.
[Go. You're safe to go.]
Zac took a step forward pero agad din siyang huminto na parang may narinig na kung ano. Naalala niya tuloy iyong nangyari sa condo kaya parang gusto niya umatras kaso narinig niya ang mahinang pagmumura ng babae sa kabilang linya.
[There's no one around, Monasteryo. You can safely walk to the end of the hallway]
He hesitated but he continued walking after a couple of seconds.
Dalawang kwarto lang naman ang pagitan bago niya marating ang office na sinasabi ni Red. Madilim ang buong paligid kaya wala siyang nakikita pero dahil nasa kabilang linya si Red ay nagawa niyang makapasok sa opisina ng walang kahirap-hirap.
[Wag muna buksan ang ilaw. Just walk straight in your direction. Just stop when I told you so.]
Sinunod ni Zac ang sinabi ng babae. Mas lalo siyang kinabahan sa ginagawa lalo na wala siyang nakikita sa paligid. Nanlamig din ang kanyang katawan at nanginginig.
[Stop]
Agad napahinto sa paglalakad si Zac nang marinig si Red.
[Turn on your flashlights]
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at binuksan ang flashlight.
He found himself standing in front of a wooden table. May mga documents na nakalagay sa mesa. Agad din niyang nakita ang itim na folder na nasa pinakataas ng mga nakapatong mga folder.
[Kunin mo ang itim na folder.]
Kinuha niya ang itim na folder saka binuklat ito.
Project Symphony is written on the first page of the documents.
[Took a photo of all the papers inside that folder.]
Huminga muna ng malalim si Zac bago sinunod ang utos ng babae sa kabilang linya.
While taking pictures of all the documents, may napansin siya sa mga nakasulat but he was too nervous to think about it. Pagkatapos niyang mapiktyuran lahat ay mabilis din siyang umalis sa opisina. Sinugurado muna niya na binalik niya ang folder sa dating posisyon.
Pagkabalik niya sa kwarto ay napahiga siya sa kama.
Hindi parin namamatay ang tawag kaso hindi na niya naririnig si Red sa kabilang linya.
Kaya tumayo ulit siya sa pagkakahiga at umupo sa kama.
Kinuha niya ang cellphone saka tiningnan ang gallery para basahin ang mga nakasulat sa documents na kinunan niya ng pictures kaso nagulat na lang siya na nawala na ang mga litrato sa kanyang photo gallery.
"Paanong?"
He tried to check his phone again but it was gone. Ang natira na lang ay ang mga pictures na nakasaved sa kanyang phone.
Just like what happened when he was called in the disciplinary office, no traces were found in his phone about what he did. Parang may nagbura ng mga pictures ng hindi niya alam.
"Did you delete it?" tanong ni Zac.
[Yes. I need to delete all the evidence, Zac.]
"Why?"
[For safety purposes.]
"And do you think I'm safe after what I did? Paano kong makita nila sa CCTV nila iyong ginawa ko?"
[They wouldn't.]
"How sure you are?" Zac's voice sounds frustrated.
[200% sure. I deleted everything, Monasteryo. Don't worry. Hindi nila malalaman. Unless, sasabihin mo sa kanila.]
Napasapo siya sa kanyang mukha saka bumuga ng hangin. Gusto niyang sugurin ang babae at suntukin kaso hindi niya magawa. At hindi rin naman niya magagawa dahil babae ito. He wouldn't punch a girl. Ever.
[So, this is the last time I will contact you. Is this goodbye then?]
Nagulat si Zac sa narinig. "You would really stop bothering me?"
[Of course. But do you want to have phone sex first?]
"What?! No! The hell!"
Tumawa ang babae sa kabilang linya na kinagulat niya ulit.
Parang may pumitik sa kanyang isipan. It's like he remembered something.
It's like he heard that kind of laugh before. It sounds familiar. Kaso hindi rin niya maalala kung sinong babae ang narinig na tumawa ng ganyan.
[Okay then, Monasteryo. Thank you for the memories.] Saad ng babae sa kabilang linya bago naputol ang tawag.
Halos mapamura siya ng maalala niya kung sino ang babaeng iyon. The same girl who said those exact words to him.
He tried to call the number again but the number was now deleted on his phone. Mula sa kanyang inbox at call logs ay hindi na niya makita ang number.
"Fuck, Ifor Delos Reyes!
BINABASA MO ANG
It Started With SPG Text
Short StoryMakikilandi ka ba kahit sa text lang? Number 1, in #Textserye Textserye: SPG SESSION