NINETEEN

367 2 0
                                    

AN: I know, I promised everyone to update this story but something happened. A lot of things happened and still happening. Keep safe everyone!

MASS RELEASE!

+++++

Nakaligo at bihis na si Zac. Maaliwalas na ang kanyang hitsura hindi katulad kanina na para siyang bagong bangkay na kakamatay lang.

Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa sala. Pagkababa niya ay agad na tumayo ang dalawang magkapatid. Ngumiti si Lucile sa kanya habang si Lorele ay nakakunot lang ang noo.

Lumapit siya sa dalawa at umupo sa isang upuan sa harap ng kambal. Napapalunok siya sa klase ng tingin na pinukol ni Lorele sa kanya habang nakangiti namang nakatingin si Lucile sa kanya. 

Tahimik silang pareho at ni isa sa kanila ay walang gusto magsalita. Natatakot siya na kapag nagsalita ay magmukha siyang baliw sa harap ng dalawang babae. Natatakot din siya na baka hindi siya mat

"Ugh..." nahihiyang panimula ni Zac. Hindi niya alam kung paano magsimula. Kailangan niya nga ng tulong pero hindi niya alam kung paano. Lalo na nalilito siya sa mga sinasabi ni Red Girl sa kanya. 

"Kamusta ka na pala Zac?" tanong ni Lucile. 

His heart skipped a beat. Not because his feelings for her grow stronger but because she doesn't know if she can answer the question honestly. Dahil sa totoo lang, hindi siya okay. 

His phone beeped kaya agad niya binasa ang text.

Unknown: One help from you, and I'll stop bothering you.

"Zac?" pagtawag ni Lucile sa kanya.

Kaso hindi agad siya makasagot nang tumunog ulit ang kanyang phone.

Unknown: Promise, I'll stop bothering you. Just one favor, and I'm gone in your life forever.

Agad nagreply si Zac at hindi pinansin si Lucile na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sa kanya.

Zac: Fine, just tell what you favor it is and I'll do it. Basta i-promise mo na hindi mo na ako guguluhin after ko magawa ang favor mo.

He hit the button send at marahas na bumuga ng hangin. Pero agad siya naestatwa na makitang nakakrus na ang braso ni Lucile at Lorele sa kanyang harapan. 

Tipid siyang ngumiti. 

"May problema ka ba Zac?" 

Napatingin siya kay Lorele na nagtanong ito. Nakataas ang kilay nito at hinihintay siyang makasagot.

Naramdaman niya na magbeep ang phone niya pero hindi niya agad matingnan ang message ng biglang tumayo si Lucile at nilapitan siya. 

Nagulat na lang siya ng biglang hinawakan ni Lucile ang kanyang magkabilang pisnge. Nanlaki ang kanyang mga mata at napalunok.

She wrinkled her nose and her lips pouted. "Bakit mas lalo kang gumwapo?" 

Umawang ang labi ni Zac sa narinig. Bigla ring namula ang kanyang pisnge kaya agad siya napaiwas ng tingin. 

Tumawa ng mapakla si Lorele at tumayo. "Aalis na nga..." she stopped nang tumingin si Zac at Lucile sa kanya. "Whatever!" Nagmartsa paalis si Lorele para iwan ang kakamal nito kay Zac.

Tinanggal naman ni Lucile ang pagkakahawak niya sa pisnge ni Zac saka nahihiyang tumabi sa kinauupuan nito. 

Dumaan ang mahabang katahimikan. 

Si Zac nahihirapang tingnan ang text na natanggap niya dahil nasa tabi niya si Lucile.

Habang si Lucile ay hindi alam kong paano magsimula. She wanted to tell him something. Something she never had the guts to tell him before. Takot siyang magsalita dahil baka hindi ito tugunan ni Zac. 

Of course, naririnig niya ang mga balita tungkol sa lalaki. She knows Zac's history with the girls in town. Alam niya ang mga kapilyohang ginagawa nito. Na kahit masakit ay pilit niya paring pinapakinggan ang mga balita tungkol sa kanya mula sa kakambal nito. 

"I..."

"Can..." 

Nagulat silang dalawa nang magkasabay silang magsalita.

"Ikaw na." 

Umiling si Lucile.

"Ikaw na. Wala rin naman akong sasabihin." pekeng ngiti ni Lucile. Sasabihin na sana niya pero nagkasabay sila magsalita kaya naduduwag na naman siya ngayon.

Napahawak sa batok si Zac. "Pwede dito muna ako for a couple of days?"

Tumaas ang kilay ni Lucile sa narinig pero napangiti rin siya kaagad. 

"Why not? Matagal din tayong hindi nagkita. You can stay here as long as you want." masigla niyang sagot kahit alam niyang aawayin siya ng kakambal niya kapag nalaman niyang sa bahay nila titira si Zachary Monasteryo.



Hinatid ni Lucile si Zac sa guest room. Katabi ito sa room ni Lucile. 

"Salamat Luci ah. Promise, aalis din ako kapag okay na ang condo ko."

Lucile just waved her hands. "Ano ka ba, Zigzaw. Okay lang talaga. Mas okay nga dito ka muna sa bahay para naman makapagcatch up tayo."

Napangiti si Zac pero may halo ring kaba ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi na dito siya matutulog kahit pwede naman siyang umuwi sa kanilang mansion para doon muna tumira habang ipapaayos niya ang kalat sa kanyang condo. Pero nandito na siya, hindi na niya mababawi ang nasabi niya.

"Namiss kita." napasinghap si Zac sa sinabi ni Lucile. 

Tama ba ang narinig niya. Namiss siya ni Lucile? Namiss siya ng babaeng gusto niya?

He smiled then answered. "Namiss din kita, Lucile." lumapit siya sa dalaga saka hinalikan ito sa noo. 

"Good night." saad ni Zac saka pumasok sa kwarto. 

"Good night." nakangiti namang tugon ni Lucile bago tuluyang sumara ang pinto. 

She went back to her room feeling giddy. 


While Zac just stared at the message he received from Red Girl. Hindi makapaniwala sa favor na hinihingi ng babae.


Unknown: I need you to take a picture of an important document inside Samifranca's office. Once done, I'll leave you alone. 







It Started With SPG TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon