Chapter Twenty-Three

348 5 3
                                    

 Hey! Isang SUUUUPPPEEERRRRR habang update uli.

Isang POV lang! #XanDrisDayOut!

Promise! Susunod na update, #AdriMin na! Same day!

Suuuuuuppppeeeerrrr init! KYAAAHHH!!!!!

Ang yaman talaga ni Chris! X5 na BMW for a ride? Bwahahahaha!

By the way, nasa side yung Supra shoes na pinagiipunan ni Xandra na suot-suot ni Chris ngayon.

Eto na nga! Basahin Nyo! ;) <3

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter Twenty-Three

Xandra's Point of View

It's almost been a week after nung dinner namin kasama yung parents ni Adrian. Mabait naman si Tita Andrea at Tito Kean. Sobrang awkward yung dinner na yun. As in SUPER! Tapos biglang sasabihin nina Tito at Tita na dapat daw may relationship relationship na kami. Sus. Fourteen and a half pa lang ako! 

May good news nga pala ao ngayon. Pwede raw mag-exam yung mga nasa Grade Eight ngayon para sa mga gustong mag accelerate ng Grade Ten sa susunod na pasukan. Kaso nga lang, may summer classes kami para sa Grade Nine subjects. In short, Grade Nine kami sa summer kung makakapasa kami sa exam.

Sa November pa naman yung exam kaya pwede pa akong makapag aral ng matagal tagal. Interesado rin si Yasmin doon. Saturday ngayon at nandito ako sa bahay ni Chris. Nung una, hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta dito sa bahay nila, yun pala gusto lang niya kaming mag 'hangout' together.

-- earlier --

10:42 am. Current status: sleeping.

Biglang nag-ring ang  phone ko. Nakapikit pa yung mga mata ko nung kinakapa ko yung phone ko sa may side table ko. Nung nahawakan ko na, dinilat ko yung mga mata ko at umupo habang nakasandal sa may ulo ng kama.

Incoming call...

<Chris>

Ang aga-aga naman tumawag neto! Ay! 10:43 na pala. Tanghali na. Ganyan kasi ako kapag weekends at bakasyon. Lazy Daisy lang ang peg. Sarap kasing matulog kapag walang pasok. Kaya yun! Napapadami yung oras na natutulog ako. Sagutin ko n nga yung call niya!

"Hello?" sabi ko.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon