Chapter Two

1K 12 0
                                    

Chapter Two

Pangalawang linggo na namin! Swerte naman ako at nakaraos ako ng isang linggo dito.

          Hindi ko akalain na makakahalo ako sa mga estudyante dito. Nadag-dagan ang friends ko. Akala ko yung mga tao dito, sa sobrang gaganda at ka gugwapo, mga mean at snob na. Yun pala, meron ding mababait. Yung mga totoong mababait talaga. Hindi plastic.

          Isang panibagong araw nanaman. Patapos na ang break time namin. Paakyat na kami pabalik ng classroom. Hinihintay na lang namin yung mga kaklase naming napasarap ang pagkain.

          Nung papunta kami sa pila, lumapit si Miguel sa akin. Si Miguel ang classmate namin na minsan ay bully, minsan mabait at laging hyper na anak ng teacher sa gradeschool department ng school.

          "Kita mo yung maputing tao dun?" sabi niya.

          Tiningnan ko kung sino yung tinuturo niya. Dun sa direksyon yata ng grupo ng mga lalaki siya tumuturo eh. Isa lang naman ang maputi dun. Teka muna. Kilala ko yun ah! Sino uli yun? Si Bryan? Si Kyle? Sino uli?

          "Nasaan? Di ko naman makita eh. Sino ba yun? Madaming kayang maputi dito." sabi ng Xandra. Lingon siya ng lingon. Yan tuloy nakatingin na samin yung mga lalaki.

          "Si Adrian Cruz yun. Yung nanalo sa cooking show sa TV," sabi ni Miguel.

          "Siya ba yun? Si Adrian yan? Ang laki ng pinagbago niya sa itsura nya!" sabi ko. Siya yun?

          "Nasaan ba?" tanong uli ni Xandra.

          "Ayun oh! Nakita mo yung mga lalaki dun sa gilid. Siya yung pinaka-maputi sa kanilang lahat," pag-explain ko kay Xandra na may simpleng turo sa direksyon nila.

          "Ahh. Yun pala," sabi ni Xandra na sabay tango.

          Grabe! Hindi ako makapaniwala na siya yun. Totoo. Ang dami nang nagbago sa itsura nya. Pumuti lalo siya. Tumangkad syempre. Pumayat. At lalong pumogi! Nakakakilig naman!

Dati, pinapanood ko lang siya sa TV. Tapos ngayon, nasa harap ko na. Pwede ko na lang siyang kalabitin at kausapin. Na- love at first sight ako! Ay hindi pala. Nakita ko na siya dati! Haha! Sa TV nga lang. Tapos bata pa siya nun.

          Alam mo yung feeling na pag nakita mo yung crush mo, bumibilis yung tibok ng puso mo? Ganun yung feeling! Yung parang nasa Cloud 9 ka. Nakalutang sa hangin. Hinihintay ko na lang na dalhin ako ng hangin papunta kay Adrian eh. Kaso lang, walang dumating na malakas na hangin.

          Well, paakyat na kami. At paakyat na rin sina Adrian. Gusto kong itigil yung oras. Gusto kong makita siya uli. Kasabay lang pala namin sila. Yun oh!     

          Nasa likod ko. Hinintay talaga namin. Bahala na yung sasabihin ng teacher namin kapag late kami sa pagpasok sa classroom. Sacrifice! Palilipasin ko muna itong feeling na to. Back Babalik nanaman sa klase. Wag munang isipin si Adrian! Bilisan lang yung lakad. Malapit na sa classroom!

*~*~*~*~*

          Seryoso. Hindi ako maka-concentrate sa mga subjects namin ngayon! Naka-tatoo yung mukha niya sa isip ko. Hindi ko mabura! Grabe siya! Kapag nagpatuloy yung ganitong feeling sa system ko, baka bumagsak ako! Ayoko ang pakiramdam na binibigay niya sa akin!. Yung tipong kilig na kilig ka habang nag kaklase kayo. Parang hinahatak ka papunta sa lugar kung nasan siya.

          Natapos na ang mga klase namin. Wala akong na-absorb kahit isa sa mga huling classes namin. Tulala lang ako sa hangin. Ganyan talaga ako kapag may ibang iniisip. Di ko na napansin yung mga nangyayari sa kapaligiran ko! Papunta na pala kami sa labas ng school. Di ko napansin na naglalakad na pala ako kasama si Xandra. Well, sana makita ko uli siya bukas.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon