Chapter Sixteen

137 5 4
                                    

Hey!

Update uli!! Yieee! Kilergs ka naman.

Oo nga pala, Hi dun sa babaeng baliw! Lagi mong tatandaan si maggots ah. Este, Si Sir John mo. Haha!!

Tsaka dun sa mga silent readers (chos, baka meron), sana po mag-comment kayo dito. Haha! Parang hindi kasi kami naniniwala na may nagbabasa neto eh. Haha

Konting ipon na lang ni author, baka magkaroon na ng paperback copy ng Stalker. Yehey! (mataas po ako mangarap, haha)



★★ Stalker Team ★★


Basahin Nyo! :D




*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*





Chapter Sixteen









Yasmin's Point of View






Nasa rooftop ako. Kaya naman pala malamig eh.


Punong puno ng balloons ang rooftop. Namdun si Sir. Naka-tayo siya na may hawak na bouquet ng red roses.


"Yasmin," sabi ni Sir.


Lumapit siya sa akin. Ano ba nanaman to? Kailangan pa talagang ipa-kidnap ako?


Lumuhod siya sa harap ko. Parang proposal lang ang dating. Adik lang eh,

"Yasmin Nicole Fernandez. Kahit na isipin nang iba na hindi tayo bagay, na iba ang tingin nila kapag tayo ang magkasama. Na hindi raw tayo bagay dahil teacher ako tapos naging estudyante kita, hindi ko sila pinakikinggan. Dahil mahal kita. Kaya, wil you be my girl, Yasmin?"

Ano raw?! Is this real? Is this real? Nesfrutaaaa!!! Omaigee!

Napailing na lang ako. Hindi kasi ako makapaniwala. Like, sino ba naman ang makakasagot agad kung na-traumatize ka dahil sa kidnap na trip ni Sir.

Ang masayang mukha ni Sir ay napalitan ng sadness. Akala nya siguro, busted uli siya. Haha!


"Sure, Sir!" sabi ko. "Payag na ako!"


Napatalon naman si Sir sa saya nung sinagot ko siya. At last! Hindi na rin siya ni-reject.

Hindi ko kasi sinasagot si Sir dati dahil medyo nangangamba ako. Kaya napag-isip-isipan ko na siguro okay na rin na sagutin ko siya, diba?


"Teka lang Sir, sabi mo dati, Single but not available ka. May girlfriend ka?" tanong ko.

"Wala no! Hinihintay lang kita. Ayieee!" sabi ni Sir.


Ang presko!! Grabe ang confidence ni Sir! Bumabaha na!


"Kasi kapag hindi ko sinabi yun, baka may mga manligaw sa akin. Paano ka na? Baka mag-selos ka pa."

"Bakit yung babae yung manliligaw?" tanong ko.

"Ang pogi kasi ng boyfriend mo."



Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Sir. Ayieeee! Mayabamg man ang pag-kakasabi, totoo naman yun!


Bumaba naman kami pagkatapos nun. Pina-una na ako ni Sir sa classroom ko. Tumakbo naman ako pabalik. Excited na kasi akong i-kwento kay Xandra!



We are officially dating!




*~*~*~*~*




Xandra's Point of View






Nung hinahanap ko si Yasmin, napa-upo na lang ako sa may staircase. Sakaling dumaan si Yasmin, mas madali ko siyang makikita.

Ang tahimik ng hallway. Para bang walang pasok ngayon. Ilang sandali pa ay biglang nag-babaan sa hagdan na inuupuan ko yung mga faculty members galing sa taas. Pero syempre, dahil hindi naman ako interesado, hinayaan ko na lang. Besides, hinihingal pa rin ako sa kakatakbo.

Matutulog na sana ako nung biglang may babaeng kumakaripas sa pagbaba ng hagdan habang may dala-dalang bouquet. Para ngang si Yasmin eh. Ang ingay-ingay kasi.


Pag-lingon ko sa likod ko, naka-upo si Sir na para bang gugulatin ako. Baliw lang?


"Ay, gising ka na pala," sabi ni Sir.

"Ano na nangyari, Sir?" tanong ko.

"Kami na!" sigaw niya.


Nanlaki naman ang mata ko. Yun ba ang nag-eexplain ng mga teachers na kumakaripas ang takbo at yung babaeng tumatakbo pababa ng may dalang bulaklak?


"Eh? Bakit hindi mo ako inimbita, Sir? Nagpakahirap pa naman akong libutin yung buong campus para hanapin si Yasmin, pina-kidnap mo na pala."


"Basta! Maaaaaraaaamiiiing saaaalaaaamaaaat, Xaaaaandraaaa!" sigaw ni Sir. Kamag-abak ba to ni Budoy? May sayad na rin kasi eh.


"Welcome, Sir!"



Kung nagtataka man kayo sa mga nangyayari, eto talaga yun.


Isang araw, nilapitan ako ni Sir nung nag-lu-lunch kami nina Yasmin at ang friends namin (kilala niyo na kung sinu-sino sila ah). Syempre, dinala niya ako sa faculty nun.


Nagpapatulong siya sa akin para ligawan si Yasmin. Syempre, dahil isa ako dakilang kaibigan, tinulungan ko si Sir. Ang kuwento kasi niya, limang beses na siya binusted ni Yasmin at ayaw na niyang magpa-ulit ulit pa.

Ang sabi ko sa kanya, "Naku Sir. Akala mo sasagutin ka na ni Yasmin dahil baliw yun sayo. Sir. Pakipot pa yun. Pinagti-tripan ka palabg nun. Tsaka baka malay niyo, pinag-iisipan pa niya kung kailang oras ka niya sasagutin."


Kaya nag-plano kami ng kami first attempt with the master. Ako si master. Haha. Ang first attempt ay ang dinner date, pero hindi sinagot ni Yasmin si Sir.


Yung second attempt naman, isang araw sila sa perya. Pero uli, hindi nanaman sinagot ni Yasmin si Sir.


Halos nawalan na kami ng pag-asa ni Sir nun. Wala na talaga kaming maisip na ibang paraan ng panliligaw.


"Ipa-kidnap mo kaya, Sir. Tapos dalhin mo sa lugar na parang nasa My Little Pony. Yung makulay, puro balloons. Isip bata naman yun eh. Magugustuhan niya yun!" biro ko kay Sir.

At yung birong iyon, hindi ko naman akalain na totoohanin ni Sir! Tsaka alam ng ibang teachers na manliligaw siya? Wadaheck?



"Sir, alam ba ng ibang teachers na nililigawan mo si Yasmin?" tanong ko.

"Hindi. Akala lang nila, birthday ni Yasmin. Haha!"


Baliw man si Sir, idol ko naman to! Ang talino oh!


"Grabe Sir! Tinotoo mo yung pag-kidnap kay Yasmin!"

"Oo naman! Idol kita eh," sabi ni Sir sabag kutos sa ulo ko.

"Ako pa!" sabi ko. "Congrats!"

"Salamat, master!"

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon