Chapter Twenty-Five

103 4 5
                                    

HEEY!! Merry Christmas mga dr3! HAHA!


Update for a Wonderful Christmas. May nag-balik daw. Sorry naman kapag maikli. Pagbigyan. Pasko naman eh, diba? Namamasko po! Pengeng pamasko. Bawal patawad ah! Jk.

Tingnan niyo na lang yung multimedia kung gusto niyong makita si poging-poging Sir John. Hindi ko kayo inuutusan ah. Kung gusto nyo lang naman eh. Pagbigyan niyo na rin si Ateng katabi niya. HAHA!

Yun lang. I wish every single one of you a glorious Christmas!


YAY!






*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*





Chapter Twenty-Five












Yasmin's Point of View




Katulad nga ng sabi ko, may plano nga kami ni Xandra. Well, hindi lang naman kaming dalawa ni Xandra ang involved dito. Marami pa sila. Sina Maisha, Fiona, PJ, Nick at si Kier.

Foundation day ngayon. Sobrang daming tao! Ang dami ring booths. Busy halos lahat ng tao rito. Katulad namin.

Ayos nga dito eh. Merong roller coaster, ferriswheel, carousel, food bazaar, tindahan ng mga abubot, marriage booth at marami pang iba! Sa mga nag-daan naman na foundation day namin, wala namang mga ganitong pakulo eh. Ngayon lang yata.

Hindi pa rin namin nakikita si Sir. Nasaan na kaya yun? Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Wala. Tapos biglang may nag-takip sa mata't bibig ko. Nilagay yata ako sa sako tapos binuhat ako.

Pag-dilat ko, naka-upo ako sa lugar na puro puti. Puting mga flowers, puting mga pang-design, basta! Nung tiningnan ko yung katabi ko, si Sir na pala yun.

"Nagulat ka no!" sabi ni Sir. "Alam ko yung plano mo," sabay tawa.

Nakita ko naman yung nasa paligid ko. Sina Xandra! Grabe! Tapos bigla namang lumabas ang kunwaring pari, si PJ. Di bagay ah!

Nag-simula na ang ceremony. May ceremony talaga?!  Tapos me na para mag-exchange ng vows. May ganun?! Nang biglang nag-ring ang phone ni Xandra.

"Sorry ah. Sasagutin ko lang, " sabi ni Xandra tapos nag-lakad papalayo.

Nagpatuloy naman kami sa "ceremony" at di nagtagal ay natapos din,  Sina Maisha, Fiona at Nick naman ang mga flower girls/boy. Nag-hagis sila ng mga flower petals habang naglalakad kami sa aisle. Dun ko na lang naalaman na nasa flower garden pala ng school itong marriage booth kaya medyo may privacy.

Bakit kaya ang tagal ni Xandra? Babalik pa ba yun?




*~*~*~*~*



Xandra's Point of View






Nasa kalagitnaan na ng ceremony nung may tumawag sa akin. In-excuse ko muna ang sarili ko at lumayo muna sa marriage booth.

Incoming call...

<Chris>

[Hello?]

"Uy, Chris! Bakit ka napatawag?" masaya kong tanong.

[Xandra, nawawala si Adrian!]

"Ha?! Paano mo naman nasabi?"

[Dalawang araw na kasi siyang hindi umuuwi ng condo eh.]

"Saan naman pupunta yun?"

[Hindi ko na~]

Natigil si Chris sa pag-sasalita nung bigla akong sumigaw. May kumalabit kasi sa akin. Pag-lingon ko naman, nagulat ako sa nakita ko!

"ADRIAN!!" sigaw ko. Hindi naman sobrang lakas na sigaw. Basta sigaw lang. Bigla ko naman siyang niyakap.

"Easy lang," sabi niya sabay kuha ng phone ko. Kinausap naman niya si Chris. Hindi ko na pinakinggan yung sinasabi ni Adrian. Tininnan ko lang uli yung marriage booth. Hindi ba nila kami nakikita dito?

Binalik naman ni Adrian sa akin yung phone ko tapos hinatak ako palayo sa booth at papunta sa parking area. Ano nanaman ba ang balak netong gawin sa buhay?

Nag-drive kami papunta sa mall. Bakit naman kami nandito? Gusto kong tanungin pero mas gugustuhin ko na lang manahimik. Pero curious lang talaga ako. Bakit kaya umuwi si Adrian dito ng walang pasabi kay Chris?

"Bakit ka nga pala umuwi dito?" tanong ko.

"Wala lang," sagot naman niya.

"Alam kong may malalim kang dahilan, pero hindi na kita aabalahin pang mag-explain kung bakit," sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Salamat ah," sabi ni Adrian. "Wag mo na lang sasabihin sa kanila na umuwi ako dito."

"Sure!"

Bumaba na kami sa kotse as soon na nakarating na kami sa mall.

"Tulungan mo akong mamili ah," sabi niya sa akin.

"Para kaynino naman?" 

"Sa pinakamamahal ko."

Ngumiti naman ako tsaka tumango.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon