Chapter Twenty

333 7 0
                                    

Hey! Another update!

Twentieth chapter na pala! Ano na kaya ang ginagawa ng mga boys?

Well, here it is. And once again, no POV's of the girls.

Have a warm summer!

Basahin Nyo!! <3

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter Twenty

Chris' Point of View

Ang hirap talagang maghanda! Kanta talaga ang pinaka mahirap sa lahat! Feeling ko, halos lahat na ng bintana dito sa subdivision namin nasira na dahil sa akin. Ganito rin pala yung problema ni Adrian. Gusto rin pala ni Yasmin na kumanta siya. Mga babae nga naman ngayon, kung hindi sila yung manliligaw, pakakantahin yung manliligaw! Umagang umaga ng Saturday, namomroblema na ako.

Kaya napag isip isipan namin na magpeperform kami bilang isang banda. Isasama na rin namin si Nick since na naging kaibigan na rin namin siya in the making at magaling din siyang kumanta. Sa kanya na lang kami magpapaturong kumanta, since hindi ko matuturuan ang sarili ko. Pero at least, alam ko na yung chords ng mga kakantahin namin.

Boys Next Door. Ayos ba? At imbes na sumali kami sa August contest as contestants, we decided na maging special number na lang. Marami ring naiba sa mga plano ko katulad nung dinner date namin. Balak kong ganapin na lang sa Vikings. Since hindi pa nakakakain dun si BabyLuvs ko.

Kakanta rin kami ni Adrian ng individual songs namin pero magpeperform kami as a group. Ako I Like That, si Adrian naman, Crazy For U. Si Nick naman, base guitar lang and back up singing.Ako sa lead guitar and si Adrian naman sa drums. Talentado talaga itong si Adrian! Magaling na nga mag luto, magaling pa sa instruments. Kaya lang kapag kanta na yung pinag uusapan, nga nga kami pareho.

Kanta lang ako ng kanta dito sa kwarto ko nung tawagin ako ng mommy ko.

"Chris! May naghahanap sa iyo! BIlisan mo ang pagbaba mo rito!" sigaw ni mommy.

"Nandyan na!" dali dali akong bumaba sa hagdan. Si Adrian nga pala. Pinapunta ko sila ni Nick para makapag practice na kami.

"Dude! Namomroblema ka ba?" tanong nito sa akin.

"Ako? Nope. Settle na ang lahat para sa akin. Nakapag pareserve na ako  sa Vikings."

"Ayos ka no! Yaman mo talaga!"

"Mas mayaman ka naman, Baliw! Eh ano naman ang mangyayari sa date ninyo?"

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon