Chapter Three

855 9 0
                                    

Chapter Three

Simula nung pinakita ni Miguel si Adrian sa akin, hindi ko na siya maalis sa isip ko. Ang pogi na niya!

          Aaminin ko. Marami na akong naging crush, pero siya yung pinakamatagal. Siya ang aking one true love. Ang aking San Marino. Siya ang aking Adrian. Love of my life.

          Pang commercial lang ang peg! Ok Kasama ko si Xandra, Maisha at si Fiona. Susundan namin siya. Buntot ni Adrian mode, ON!

          Di pa rin ako makapaniwala sa kanya. Siya ba talaga iyon? Parang nananaginip lang ako. Well, naiba yung katawan niya, Ang taba taba niya dati. Pero ngayon, ang payat na niya. Ano kaya ugali niya? Mabait kaya siya?

          Sabi ng iba, panget daw ang ugali niya. Mayabang daw siya, tpos yung iba sabi naman bully raw. Pero hindi ako naniniwala.

          Gusto ko, ako ang makakita. Gusto ko, ako yung makakatuklas ng kanyang tunay na ugali. Kasi, malay mo, mali pala sila.

          Nag paprint si Xandra ng papel na puro interview ni Adrian yung laman. Mula sapatos hangang gadgets niya, nandoon. Lahat ng mga gusto kong malaman, nandun.

          Well, hindi naman lahat. Yung mga fun facts lang. Ang saya ko nun. At sobra din akong na touch! Natatawa din ako sa nga pinag sasasabi niya sa interview. Laugh out loud lang.

          Alam mo ba na yung jogging pants niya, bitin sa kanya. Pati na yung medyas niya, bitin. Ano ba iyan. Tapos may alamat yung bag niyang orange! Tapos marami siyang alagang rabbit. Tapos nagmula siya ng angkan ng mga national treasures!

          Ganung ka-bongga ang pamilya niya! Kami naman, parang mga timang. Sunod kami ng sunod. Kung saan siya pumunta, naandon rin kami. Sa sobrang baliw namin, wala lang, walang magawa.

          Pagbigyan! Kusa kaming naglalakad kung saan siya pumupunta, nandun kami.

          Non sense na tuloy yung mga pinag sasasabi ko ngayon. So, ikot lang kami. Ganyan kami araw araw. Full force kami kapag Monday at Friday, dahil alam naming kasabay namin siya kapag break at lunch. Baliw na baliw na ako! Totally stalkers. #FullForceMonday at #AllOutFriday

*~*~*~*~*

Hindi ako makapaniwalang October na!

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon