Chapter Thirty

234 6 0
                                    

Hey! Isang update uli. One week na lang, pasukan na!

Bakit hindi ko feel? Malalakas na rin yung ulan. Sign na malapit na talaga yung pasukan.

Kapag may pasok na, every weekends na lang ako makakapag-update! :)

Eto na yung update! :)

#SiPJ

#GalitSiChris

#CommutePa

Basahin Nyo! :)

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter Thirty

Chris’ Point of View

Isang linggo na ang nakaraan simula nung nagka-away sina Adrian at Yasmin. Isang linggo na rin pagkatapos akong imbitahin ni Francine kumain sa labas. Nung una, I said yes, pero nakapag-isip-isip din ako kaya I told her that I can’t go because I have something to do.

Back to Adrian and Yasmin. Kapag nasa school, humihiwalay sina Xandra at Yasmin sa amin. Hindi naman kami nag-aaway ni Xandra. Sinasamahan lang niya si Yasmin. Maagang umuuwi sina  Yasmin at Adrian. Kami naman ni Xandra, tumatambay lang sa may 7-eleven or sa may labas ng school.

Isang araw, pumunta kami ni Xandra sa 7-eleven pagkatapos naming mag research. Napag-kuwentuhan lang namin tungkol sa issue nina Adrian at Yasmin.

“Totoo ba yun?” tanong ni Xandra.

“Totoo yung alin?”

“Sina Adrian at Divine,” sabi niya habang kumakain ng sundae cone.

“Wala rin akong idea. Basta ang alam ko lang, dead na dead si Divine kay Adrian,” sabi ko.

“Kaya naman pala! Baliw na baliw na yun!,” sabi niya. “Pero bakit nung nakita ka niya, parang hindi kayo magkakilala? Hindi ka man lang binati.”

“Ewan ko dun. Hindi ko rin alam yung tumatakbo sa isip nun. Kahit naging kaklase ko yun, hindi naman kami masyadong close ni Divine.”

“Ahhh... In short term, flirt with slight mental problems,” natatawa niyang banggit.

Kinuha ko yung mga papel ng mga na-research na namin. Tumulong naman sa amin sina Nick, Maisha at Fiona. Yung dalawa lang talaga yung malabo. Hindi nga sila sumasama sa amin. Pareho lang sila ng sinasabi. Mag-reresearch na lang sila sa bahay. Kaya binigay na lang ni Xandra sa dalawa yung mga topics na i-sesearch nila. Mahirap yung ganitong set-up. Hiwa-hiwalay kami.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon