Chapter Nine

138 5 3
                                    

Hey!


Very short update. Churri po!

Sunud-sunod na ang updates ko ah. I mean, may kasunod na akong update. Pero syempre, mamaya ko pa yun ipo-post. Harhar.

Stay safe ebribadi! Always pray! :)



Basahin Nyo!


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*


Chapter Nine





Nick's Point of View



"Maisha, Fiona, meron kayong dapat malaman," sabi ni PJ.



Nandito kami sa park. Pagkatapos kasi nilang mamili ng sobrang daming damit at sapatos, idineretso namin yun sa hotel tapos bumaba naman kami papunta sa park. Si Xandra naman, dinala si Yasmin sa mall, ulet. Para raw hindi niya marinig yung mga pag-uusapan namin.



"Ano naman yun?" tanong ni Maisha.


"Chris, ikaw na ang mag-sabi," sabi ni PJ.


"Anong ako? Nick, ikaw na lang. Ikaw yung nakakita eh," sagot naman ni Chris.


"Eto na nga po," sabi ko. "Nagka-relasyon nina Adrian at Divine nung nasa Amerika sila."


"ANO?!" sabay na sigaw nina Maisha at Fiona.


"Narinig niyo na yun," sabi ni PJ.


"Totoo ba yan?" tanong ni Fiona.


"Oo naman," sagot ko.


"Kaya namin ito sinabi sa inyo dahil kailangan namin kayo sa plano namin," sabi ni PJ.


"Teka lang. Alam na ba ni Xandra to?" tanong ni Maisha.


"Oo naman. Siya yung una naming pinagsabihan," sagot ni Chris.


"So, si Yasmin na lang ang hindi nakaka-alam?" 


"Oo. But not for long," sagot ko.




Sinabi namin sa kanila ang plano namin. Ganito kasi yun. Tatawagan namin si Adrian ngayon at sasabihin namin sa kanya na pumunta dito sa park. Tapos may pagagawa kami sa kanya.



"Ngayon na ba natin tatawagan?" tanong ni Fiona.


"Ay hindi. Bukas pa natin tatawagan," sabi naman ni PJ.


"PJ naman eh. Ang sama-sama mo," sabi ni Fiona habang hinahampas si PJ.


"Oy! Tumigil nga kayo dyan, nag-ri-ring na oh," saway ni Maisha sa dalawa.

Tingnan mo nga naman oh, kailangan pa talaga naka-loudspeaker.


---ring---ring---ring---




[H-hello?]


"Adrian?" tanong ni Chris.


[C-chris?]


"Adrian, we need to talk," sabi ni Chris.



[When and where?]



"Ngayon mismo, sa park ng hotel."


[S-sige. Papunta na ako.]




---call ended---





Nag-hintay kami ng ilang minuto. Siguro mga thirty minutes din bago dumating si Adrian.


Dumating siya sa park ng may dala-dalang isang bouquet ng flowers at chocolates. Haynaku, Adrian. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sayo.


"Alam na ni Yasmin?" tanong ni Adrian.


"Nope. Ikaw ang magsasabi sa kanya," sabi ni Chris.


"Nasan siya?"


"Wala kaming idea kung saan na dinala si Yasmin ni Xandra," sagot ni Maisha.



Napaupo si Adrian sa bench. Mukhag worried na worried sa kng ano ang sasabihin niya.



"Ano na ang gagawin ko?" tanong ni Adrian habang napatakip sa kanyang mukha.


"Ang kailangan mong gawin ay sabihin sa kanya ang totoong nangyari," sabi ko.





"Ano na ang mangyayari saamin?"

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon