Chapter Thirty-Four

228 6 12
                                    

Hey! Musta na kayo? Chapter Thirty-four na pala tayo! Nakakamiss yung times na sinisimulan ko pa lang itong story na ito. Na miss ko yung time na may kumukulit sa akin na gawan ko raw ng story yung adventures namin (Hey Sissie!).

Kung pwede lang talagang ibalik ang past, matagal ko nang ginawa yun. Minsan kasi, natatakot ako sa mga mangyayari sa hinaharap. Pero wala rin tayong magagawa dahil dadating at dadating rin ang araw na ma-e-encounter natin ang ating kinatatakutan.

Panoorin nyo ang video sa gilid. Bawal maging emo, ok? Soldier yan by Before You Exit. Riley is hart hart. Sabi ni Ate Yasmin, si Toby raw si Adrian. Hehehe.

Eto na ang update ko! Yehey!

Basahin Nyo! :)

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter Thirty-Four

Yasmin’s Point of View

“Yasmin, sure ka ba na hindi na itutuloy yung party mo?” tanong ni Adrian sa akin.

“Wala kasi si Xandra eh,” sagot ko.

“Everything is set. Get ready for later, Yasmin. This will be grand,” sabi ni Chris upon entering his room.

Nandito kasi kami sa bahay ni Chris. Nandito din sina Maisha, Fiona at Nick. They planned the party that will be held tonight. Dalawang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ang aksidente ni Xandra. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Miss na miss na namin siya. Sana magising ka na, Xandra. Yan ang lagi kong binubulong araw-araw.

Mas gugustuhin ko pa na i-celebrate yung party ko sa room ni Xandra sa ospital kaysa magkaroon ng engrandeng party habang si Xandra, nasa ospital. Pero malakas talaga ang kutob ko na si Francine yung may gawa lahat neto. Kung pwede lang talagang sabunutan yang si Francine, matagal ko nang ginawa eh. Na-coma na nga si Xandra, nilalandi pa si Chris. Grabe talaga ang level ng kalandian ni Ms. De Voux. Walang kamatayan.

Bigla na lang akong natauhan nung tinanong ako ni Adrian. “Bakit parang hindi ka excited?”

“Thanks talaga sa party, kaso lang, parang hindi kumpleto yung party kapag wala si Xandra. Namimiss ko na siya ng sobra-sobra. Na yung feeling ko na walang kwenta lahat ng mangyayari mamaya kasi alam kong may kulang,” I sadly told them.

“Yasmin, si Xandra ang nag-plano ng lahat ng ito. Nung dito pa nakikitira si Xandra, pinaplano na niya ang party mo. Gumawa siya ng listahan kung saan nakasulat lahat ng gusto mong mangyari sa party mo. She even invited Michael to your party kasi alam niyang mababaliw ka kapag nakita mo uli siya. She even picked the gown you’ll wear for tonight’s party. She even handed me something to give to you. You should be happy. It’s your birthday! Malulungkot si Xandra kapag malungkot ka. Kahit na wala siya sa event, she’ll always be the heart of this party,” sabi ni Chris.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon