Chapter Seventeen

143 5 0
                                    

Hey!

First off, salamat sa mga readers neto at naka-abot pa ayo ng 10k! Yehey! Thank you po talaga! Kaya in return, eto ang isa pang update! At hopefully, isa uling bagong character.

This story is going to be twisted. Haha!

And also, please be aware na irerevise ko po ang part one. Dadagdagan ko ng scenes at marami pang iba! And syempre, tatanggalin ko na ang mga A/N ko. :(

Basahin Nyo! <3

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter Seventeen

Yasmin's Point of View

Nung nakarating ako sa classroom, walang tigil ang kanilang pagtatanng sa akin kung kaynino galing ang bouquet ng flowers na dala-dala ko.

Nayayamot na nga ako sa kanila eh. Mga uzi. Sa sobrang inis ko, baka pagabalang na ang sasagutin  sa kanila.

Gusto ko na sanang sagutin ng "Ano ba ang problema niyo?" or "Wala kayo pake." Pero ayaw ko talaga.

"Bigay eto ni S~" hindi na natuloy ang sasabihin ko nung biglang dumating si Xandra.

"Ipinadala yan ni Adrian sa kanya kaya wag na kayong mangulit," sabi niya.

Hinatak ko siya papunta sa gilid ng classroom.

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo bang malaman nila ang tungkol sa inyo ni Sir?" pabulong niyang tanong.

"Bakit kailangan mo pang gamitin yung pangalan nung lalaking yun?"

"Ganun ba kalaki ang galit mo sa kanya?"

Di ko na siya sinagot. Tinalikuran ko na lang siya. Naramdaman ko na umalis na si Xandra sa harap ko. Galit siyang lumabas ng classroom. Bakit naman niya kasi kailangang gamitin yung pangalan ng CA na yun? Alam naman niyang galit ako sa kanya, bakit pa niya kailangang gamitin, diba?

Pilit ni PJ na sundan si Xandra pero pinipigilan siya nina Nick at Maisha. Lumapit si Fiona sa akin. Mukha siyang concerned na may halong pagtataka. Naku, Fiona. Ang inosente mo talaga.

Hindi nagsasalita si Fiona nung lumapit siya sakin. Umupo lang talaga siya sa tabi ng upuan ko. Umupo na rin ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

Stalker (a love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon