chapter 6

25 2 0
                                    

The Date

Saturday..ngayon kami magkikita ni Froggie. Date na daw ito sabi nina Faye. Hmf, assuming yung lalaking yun. Kung di ako natalo sa dare..nunca.

Alam ni mommy at ni Ron ron yung tungkol dito. Pinagpaalam pa pala ako ng mokong. Akalain mo, may pagkagentleman din pala yun. Kung siguro normal na date to, I would be very proud. Kahit may pagka gago sya..marunong din palang rumispeto ng babae. Good shot nga sa kay Mommy. At mas excited pa ha, take note.

Nagheart to heart talk nga kami kagabi. Kinwento ko naman sa kanya ang terms and condition ng date na to, pero kinikilig pa din sya. Sabi nya, baka daw it is destiny working. Destiny my ass! Haha, sorry for the bad word but di ko lang talaga maimagine.

Sabi pa ni mommy..at least magenjoy ako sa kung ano mang gagawin namin. She trusted me naman daw and likewise for Carl.

As if naman may gagawin kaming kakaiba. Ron also visited last night. Sinabi nya na any sign na kalokohang gagawin ni Carl..call him agad. Super na over protected. And nakatouch kaya..pero halatang excited din. For pete's sake, hindi naman to date. Pinaulit ulit ko na nga sa kanila ang explanation, still..they considered this as a date.

"Anak," tawag ng mommy ko.

Biblower ko abg buhok ko para matuyo agad. Hindi ko nagpapaganda, sinasabi ko lang. Gusto ko lang maayos ang hair ko. Sobrang casual lang naman ng suot ko. Apple green na short paired with a statement shirt that says 'BACK OFF!'. Tapos simpleng flat shoes.

" Dalaga na talaga ang anak ko." Mangiyak ngiyak nitong sabi habang kinuha nya ang suklay at inaayos ang hati ng buhok ko.

Seriously. Sobrang OA na.

" Ma,heto na naman ba tayo." I rolled my eyes at her. Kasi naman..pag di pa to tumigil malamang we will having some conversation with the same topic as yesterday.

" Kasi naman anak, natutuwa lang ako na may social life ka na. Hay, excited na akong ikwento to sa daddy mo. Magpicture kayo ng madami ha."

"Mommy!" Grabeh na talaga to. Ganyan din ba ang mommy nyo.

Nagsmile lang si mommy sa reaction ko. Magsasalita pa sana sya ng may ng doorbell.

" Ayan na yata sya anak, bpapaskin ko lang ha!"

At ayon, daig pang sya ang pupuntahan. Nagmamadaling bumaba. Sumunod na lang ko  and yes..ayon si Carl, ngiting ngiti na kausap ni mommy.

Infairness ha, ang gwapo ni Froggie.. Ang linis nyang tingnan. Nakamint green sya na shirt at short with rubber shoes.  Lalo pang lumuwang ang ngiti ng makita nya ako.

" Ganda mo naman Rayne. Pinaghandaan mo talaga to anoh?"

I rolled my eyes. And snorted at him. Masyadong feeling.

" Mommy, alis na kami."

"Oo nga Tita..isama ko muna po ang dalaga nyo. Promise po, iingatan ko to." Singit din ng lalaking ito.

" I know Carl. Rayne baby..be good ha.. enjoy your date!"

Hay naku, paulit ulit na lang. Pinanlakihan ko na lang ng mata si mommy at lumabas na. Sumunod na lang si Carl na nagwave pa kay mommy.

"Baliw ka na ba..bakit mo ako isasama sa wedding anniversary ng parents mo, e family affair yun!"

" Eh nagkataon ngayon yun eh, alangan naman hindi ko siputin yun."

" Dapat kasi ibang sched na lang, bakit ngayon pa tayo nagkita!"

" Hello, ikaw kaya ngsabi ngayon..kasi sabi mo may gagawin ka last time!"

" E di dapat niresched mo din!"

"Eh nalimutan ko nga eh. Anong problema mo bakit ayaw mo sumama. Usapan natin to di ba. Natalo ka di ba!"

Grrr...asar na asar ako. Nagiisip siguro kayo kung bakit kami nagsisigawan dito sa may sakayan ng jeep.  Pinagtitinginan na yata kami ng mga tao pero wala akong pakialam. Sobrang naiinis ako.

Akalain niyo, pinipilit niya akong isama sa party sa kanila. Party na halos lahat malamang ng kamaganak nya ay dadalo. Nakakahiya kaya yun. Wala nan ako kakilala so ano, op lang ako. Mukhangtanga lang? Eh itong si froggie ilang ko, ano pa kaya sa kamaganak nya.

Alam nyo kasi, may pagkamahiyain ako. Hindi lang halata talaga pero takot ako sa crowd. Sa mga barkada at family ko lang ako madaldal, pero sa ibang tao, tahimik ako. At I hate attention na syang malamang na mangyayari mamaya.

Iisa lang naman usually ang nangyayari sa ganyang family affair eh everytime ba may sinama yung mga youngster. Uusisain nila kung sino ang kasama at ginagawan ng issue. I have seen that happen so many times sa family gathering namin.

Huminga ako ng malalim. Wala din naman ako choice eh. I know Carl was not gonna let it go.

"Fine..sasama ako, pero any awkward moment, Im out!"

Carl's

"Fine..sasama ako, pero any awkward moment, Im out!

Alam kong asar na asar si Rayne kasi halata naman. Haha, pulang pula yung mukha nya sa inis eh. Pero di naman ako papayag na di ko sya masasama sa bahay. Excited sina mommy na makilala si Rayne. Sa totoo lang, di ko nalimutan na ngayon ang anniversary nina mommy. Pwede ba yun.eh napakaimportanteng date yun sa amin. Lagi ko naman kinikwento si Rayne. Sobrang close kami at alam na alam nila ang pagaintang pururot ko kay Raynie.

Habang sakay kami sa jeep di ko talaga mapigilang ngumiti. Success. Ipapakita ko kay Rayne na hindi ako kasing gago ng inaakala nya.

Magkatapat kami sa upuan at everytime na magtatama ang tingin namin, nagiismile ako sa kanya. Siya, hayun, wagas makairap. Nakakatuwa

At last nakarating din kami sa bahay. Bago kami pumasok sa gate, hinigit ko ang kamay nya para hawakan.

"Hoy Froggie, wala sa usapan natin ang hawakan ang kamay ko ha, kaya bitawan mo yan!"

Pinipilit nyang higitin pero hindi ko naman binibitawan.

Para kamay lang ang arte, gusto ko lang bigyan ka ng lakas ng loob." Palusot ko pero totoo, gusto ko lang talaga hawakan ang kamay nya.

Tinaasan nya ako ng kilay. Halata naman kasi na kinakabahan sya.

" Hindi yun parang bluetooth na natatransfer kaya bitawan mo kamay ko!"

"Hindi nga, pero syempre moral support."

"Pinagsasabi mo, kaya ko to noh! Bitawan mo na!"

Umiiling iling ako. Nakakatuwa sya. Namumula pisngi nya pag naaasar.

"Ayoko nga!" I keep my hands firm.

"Isa!"

" Kahit up to 100 pa yab..halika na!"

Hihilahin ko sana sya pero ayon at ginawan na naman ko ng karate moves nya. Pinilipit na naman kamay ko. Aray!

" Masakit, ang kulit mo eh" nakangisi pa nyang sabi.

"Oh, you're here na. Come!" Nagulat ako sa nagsalita. My little sis na si Avery.

Kasunod nito si Lola na nakangiti sa amin.

" Lola, akala ko di makakapunta!" Sabi ko sa kanya."

" I thought so apo. Buti nagawan ko ng paraan. " Tumingin sya kay Rayne. " Ang who is this beautiful girl na kasama mo?" Nakangiti nyang tanong.

An idea pop in my head. Inakbayan ko si Rayne.

" Lola, this is my beautiful girlfriend, Rayne!"

What the F???!!!!!!!!

Laglag ang panga sa sinabi ng kumag na to. GF? Hello, as if naman na papatulan ko to. Susme..ano ba tong napasukan to. Ang sarap mangbugbog..nakakagigil..

"Girlfriend? So this is the girl you were telling me about? Napasagot mo na pala" natutuwang bumaling sa akin ang Lola ni carl.

"Nice to meet you Rayne..ako ang Lola ni carl..sa mother side."

My Strange GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon