The day has passed ng walang masyadong pangyayari. Hindi ko na nakita si Keith or kahit ang barkada nya. Cutting perhaps? I have no idea. Pagbalik kasi namin from the parade, wala na din ang kotse. Wala ni anino nito sa kahit saan parking lot sa school. Medyo madaming outsiders naman, so maybe I've missed his car, or maybe hinatid lang sya. Pero, no, wala din sya. Akala ko pa mandin manonood sya ng cheering pero yung barkada nya lang nakita ko. After nun, nawala na sila lahat. Hay.
Para tuloy nawalan ako ng energy noon. Nageexpect pa mandin ako na makita ko, yung may inspiration lang ba. Ganyang talaga ang buhay. Hehe. Dahil contributor ako sa school paper, kelangan kong magtake down ng mga notes para sa gagawin kong story. Yun na lang ang pinagkakaabalahan ko. Buti bukas pa yung para sa table tennins. Remember the dare? Good luck sa kahihiyan ko.
Currently, nanonood kami ng basketball. Senior vs. Junior. Nasa bleachers kami. Katabi yung mga classmate ko na nakacheering uniform pa din. Kinareer talaga nila. Well, ako din naman. Gaya-gaya lang. Although sila, nakikipagasaran talaga sa cheerers ng Senior. Dikit ang laban. Dont ask me about the game, dahil wala akong alam sa basketball. Takot nga kasi ako bola. Ayokong tamaan nun. Nakakatrauma.
"Defense! Defense! Defense!"
"Wala yan! Boo!"
"Ishoot mo na yan!"
Ang ingay no. Iba-iba ang sinasabi nila, nakakarindi tuloy. Si Chi-chi at Faye, busy sa panood. Pero ako, nabobored! Sobra. Wala talaga akong naiintindihan sa nagyayari.
Magfacebook na lang kaya ako?
Tutal nasa 2nd quarter pa lang, whatever that means, magfafacebook na lang ako. Or maglalaro ng clash of clan. Makapagloot! Bigla tuloy ako naexcite. Mukhang mas enjoy pa kasi yun eh. Nagboost ako ng training sa troops tapos magfafacebook na lang ako.
Facebook Log in.
Nagulat ako sa bumungad sa news feed ko.
Keith Powell: Plans ruined. F$ck! -posted 6 hours ago.
Keith Powell: I am sorry, I wont be able to watch you. Be good. Be safe. --posted 6 hours ago.
What happened to you?!
Nagpost din tuloy ako.
I am Rayne: Bored.
Pagkatapos magpost, at magbrowse sa newsfeed, klinosed ko muna si Facebook para maglaro ng COC. Tamang taman naman na ready ang mga troops ko. Naexcite tuloy akong umatake. Nanakawan ako ng tig300K ng elixir and gold eh, so kailangang kong bumawi. Hanap muna ako ng malaki laking mananakawan para ok. Maguupgrade ako ng wizard tower eh. level 8 pa lang ang townhall ko pero gusto ko kasi imaximize lahat bago magupgrade ng town hall. Aha! may nakita din ako maloloot. 400k plus ang gold and elixir, tapos ang dark elixir nasa 1200+. Town hall 8 din lang sya at kayang kaya ko ang depensa.
Sinisimulan ko ng umatake ng nagvibrate ang phone ko. May text siguro. Anyway, bahala sya kasi busy ako. Nagbaba muna ako ng 3 archers sa townhall nya. Buti nasa labas lang yun. Tapos nilure ko baka sakaling may laman clan castle niya. Mahirap na. Dun kasi ako lagi natatalo. Nababa ko na lahat ng troops ko tapos yun pala may lamang troops ang clan castle, kaya kahit gumamit ako ng healing spell, nauubos pa din troops ko. Buti na lang walang laman kaya binaba ko na lahat ng troops ko. Voila! Three stars!
Nagtrain muna ulit ako ng troops ko para balikan ko yung notification. Kumabog ang dibdib ko. May message. At galing kay Keith.
Keith Powell: Bored? Why?
Nakaoffline yung status nya pero nagmessage sya akin. Something is off.
Ngreply ako sa message nya.
BINABASA MO ANG
My Strange Girl
Teen FictionRayne is what you can call a typical teenage girl.. Addict sa pocketbook, sa angry bird and her celebrity crushes. Being romantic, she has some rules if she would fall in love. She wanted it to be like the heroes so pocketbook na nababasa nya. And s...