Chapter 13
Intramurals.
Maaga kaming pumasok ngayon kasi may parade kami sa umaga. Tinatamad nga akong pumasok ng umaga kaso attendance is a must. Suot-suot na din namin ang cheerleading uniform namin. Required kasi na isuot yung mga uniforms. Sa pila kasi, una yung muse and escort na magcocompete sa Ms. and Mr. Intramurals, then yung mga kasali sa cheerleading. Next yung mga sasali sa games with their respective uniforms. Then yung walang sinalihan, nakaPE uniform lang. Kasali nga pala kaming tatlo later as part of deal pero dahil mauuna ang cheering competition, yun na suot namin. Pinagmamakeup na nga din kami para mamaya, retouching na lang. Kaasar nga, papawisan ka sa paglalakad tapos nakamake up. Hindi naman masyado mainit ang parade kasi sisimulan ng 6:30 ang maikli lang naman iikutan namin, pero kahit pa. After kasi nun, competition so nakakastress.
" Rayne, pikit pa para malagyan ko ng foundation yung eyelid mo."
Parang make up class ngayon dito. Since ilan lang naman talaga sa amin marunong make up at para parepareho ang makeup, ang ginawa ni Diane kanya kanyang designation. Yung isa tagalagay ng based make up, yung isa sa eyes, yung isa sa lips and cheeks, yung isa naman sa hair. Medyo madaming nakaassign sa hair kasi ititirintas nila yung hair. Matrabaho nga naman.
"Oh, tapos na, dun ka kay Chloe para sa mata mo." Punta nga naman ako kay Chloe. And kung kani kanino pa hangang matapos. Ang galing galing nga nila magmakeup kasi halos di mo na makilala mga classmate namin. Para talagang magkakamukha kami. Pero kahit ganun gusto kung kuskusin ang mukha. Since hindi ako sanay sa make up, feeling ko tuloy ang kapal kapal ng mukha ko.
" Uy, uy, Ulan, selfie muna tau..gaganda natin oh." lapit sa akin ng bruhan si Faye. Syempre maiiwan ba naman si Chichi.
"Say cheese." Iba ibang pang pose yung ginawa namin. Ang cucute namin.
"Girls, ano ok na ba lahat?"
Sumilip sa amin ang teacher namin sa PE. " Wow, good job, so hurry na. pila na kau, pila na."
"Start na, maam?" tanong ng classmate ko.
"Oo, kaya bilisan nyo na. Baka tanghaliin tayo, kayo din, ang init pa naman."
Kanya kanya tuloy check yung mga classmate ko.
Nakatingin lang ako. Wala naman ako dadalhin. Tubig lang. Syempre nakakauhaw kaya yun.
Nagjojog mostly yung mga classmate ko at excited na excited na pumila. Pahuli kaming tatlo, hehe, pasaway talaga.
Ang sequence ng parade, from freshmen to seniors. Natutuwa ako kasi super lively ng lahat. Tapos ang gaganda pa ng kulay ng mga cheering outfit nila. Sa Freshmen, white and green, sa Sophomores, Blue, royal and powder blue mix, sa amin juniors, purple and black, tapos sa Seniors naman, mostly white pero yung edges my black.
Suot na din ng mga athletes yung uniform. Bale sa formation ng lahat ng years, nasa una ang representative para sa Mr. & Ms. Intramurals, tapos mga cheerers, tapos sa likod yung mga varsity and then rest of the students, na nakaPE uniform. Gray nga pala ang PE uniform namin.
Nagstart na ang parade. Syempre, una muna ang mga first years. Ang kukulit nila kasi ang liliit. Halatang halata sa mukha nila ang excitement. Ganun din naman ako ng first year ako. Dati inaasar asar ko pa ang pinsan ko kasi mas matangkad ako sa kanya, pero ngayon, naku, ang tangkad tangkad na ni Ron.
Turn na namin, yung mga klasmate ko pa, nakikipagasaran sa ibang year. Kanya kanyang yell, di ako nakikipagparticipate, may hinahanap kasi ako. Hindi kasi sumali sa parade si Keith. Yung barkada nya lang ang andun pero kanina, pasimple kong sinilip, wala sya.
Asan kaya yun?
Alam naman nya requirements to, naku tiyak, may ipapagawa na naman sa kanya yung teacher nila. Pero pagtingin ko sa una, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Andun yung sasakyan nya, nakatigil sa tabi. Malamang nalate yun. Hindi na tuloy sya makadaan dahil sa parade.
Medyo malapit na ako, nakakagulat lang. Bukas ang ang bintana sa driver at passenger seat? May kasama sya? Ovious naman kasi na super OC ni Keith sa kotse nya. Ang bango kaya ng loob tapos ang linis linis. Nakakahiya nga itapak dati yung shoes ko kasi baka maalikabokan yung loob.
Nasa kabilang lane yung sasakyan at talagang nagulat ako ng matanaw ko ang sakay sa loob. May driver! Bukod dun, may kasama syang babae. Is she his mother? Hindi nanonood ng parade si Keith, at sa halip, parang bored na bored na may pinipindot sa cellphone nya. Nagtitext siguro pero ang nakakapagtaka, ang pagtitig sa akin ng babaeng kasama nya.
Alam ko sa akin, kasi nagkasalubong mata namin. I don’t know why, pero nakakapangilabot yung tingin nya. Para bang may alam syang sikreto ko na di ko alam. Yung ganun, magulo. Who is she? Hindi ko mahulaan yung age nya. Sya yung tipo ng babae na ang ganda is ethereal. Think about Chin Chin Gutierez, pero mas maganda, at mas sophisticated. This woman certainly has a very intimidating and commanding aura. As if na lahat ng gusto nya, kelangang makuha nya. Come what may.
Nakalampas at nakalampas na lang ako ako pero di man lang tumingin si Keith. Yung babae lang. Nilingon ko pa sila at nagtama na man yung tingin namin nung babae. Then, she smiled. At me. Call it insctinct, pero nagkagoosebumps ako,
BINABASA MO ANG
My Strange Girl
Teen FictionRayne is what you can call a typical teenage girl.. Addict sa pocketbook, sa angry bird and her celebrity crushes. Being romantic, she has some rules if she would fall in love. She wanted it to be like the heroes so pocketbook na nababasa nya. And s...