chapter 7

21 2 0
                                    

Monday morning.

Late ako.. Hahaha!

Nagmarathon kasi ako sa panonood ng Naruto, ayan tuloy, late na ako nagising. Hulaan nya ko kung anong oras na.

Babala wag gagayahin. Hindi gawain ng matinong estudyante. Kasi naman, recess na po. Sige, tawanan nyo ako. Syempre, nakakahiya naman pumasok habang nasa gitna ng klase di ba. Wala din naman tatambayan na hindi halatang late ako. Past 8 na ako nagising, si Mama kasi, may pinuntahan kanina, wala tuloy gumising sa akin.

Kung sakali man na gayahin nyo technique ko, gawin nyo na din to ha. Wag kayo magdala ng bag. Reason, para hindi mahalata late. O Ha. I am so brilliant! Syempre, katulad nito, habang papasok ako sa gate, ni hindi man lang ako pinansin ni Manong. Walang bag eh, malamang inisip nun, galing lang ako sa labas. Sa amin kasi, pag late, may violation. Pinaglilinis. Eh tamad kaya ako. So dapat, madami ako palusot. Ngingisi ngisi pa ako paglampas. Ngiting tagumpay!

Pero nafreeze yata na makita ko kung sino makakasalubong ko sa pathway. 

Dub dub dub.

Dub dub dub dub dub dub.

Dub dub dub dub dub dub dub dub dub.

dub dub dub dub dub dub dub dub dub dub dub dub.

Palapit ng palapit si Mr Gray, pabilis na pabilis ang heartbeat ko.

Mentally, inutusan ko si Mr. Heart. Uso pong kumalma. Pero, dang, I cant! His eyes is set on me. Maybe because magkakasalubong kami, but no. Dapat no reaction sya, dapat nakatingin lang. Dapat ganun. Hindi yang ganito na his smirking. Hindi ganitong his eyes are twinkling. Hindi ganitong parang alam nya naisahan nya ako. Hindi ganitong parang inaalala nya ang nangyari sa beach. Hindi ganitong parang alam nya apektadong apektado ako. Di ba? Di ba?

8 feet away, 7, 5..3.. hangang sa magtapat kami. Kahit kabado ako, dedmahin ko na lang sya. Keber, kunyari wala akong naalala, kunyari hindi ako affected.

Lalampas na sana ako ng bigla sya tumigil at tumingin sa akin. For a few seconds, nagdebate pa ako kung titigil din. Pero, hmf, dahil baka mangaasar lang sya, nilampasan ko sya.

" I' m glad you're here. Kala ko aabsent ka." He whispered, sapat lang para marinig ko.

Eh?

Napatigil talaga ako sa sinabi nya. And my heart folks, nagwawala!

Nilingon ko sya pero ngumiti lang sya sa akin at pinat nya ulo ko. Then he walked away!

What the, is he looking for me at alam nya na wala ako?

Assuming na kung assuming, pero boy, kinikilig ako!

Ngiting ngiti pa din ako hangang pagpasok ko sa classroom namin. Good vibes ako ngayon. Walang makakapagpasimangot sa akin, I swear.

As usual, kagulo sa classroom. 

"Good morning people!" masayang bati ako. Hyper ba? Haha, masaya lang.

Napatigil sila sa kung anong ginagawa nila, at tumingin sa akin. Lumapit ako kina Faye and Chichi.

"Good morning your face, anong petsa na noh, pumasok ka pa!" sita sa akin ni Faye.

"Oo nga, halika dito tulungan mo kami, may activity tayo sa Filipino. Kuha ang gunting at gupitin mo tong mga lettering." utos ni Chichi.

Lagi kasi kami magkakagroup tatlo.

"Tsk, recess nagagawa kayo nyan. Hindi ba dapat, kumakain tayo. Kain tayo, gutom na ako," 

"Late ka na ganyan ka pa. Kung gutom ka, kumain ka hindi yang pati kami ginugulo. Wag mo kami igaya sa yong irresponsible!" singhal ni Diane sa akin sabay walked out.

Napanganga kaming lahat.  Medyo namula din ako kasi napahiya ako dun ha. Sigawan ba naman ako sa harap ng mga classmate namin. Anong problema nun. Nilingon ko sya pero ng magtama ang tingin namin inirapan nya lang ko.

Nagkatinginan kami tatlo nina Faye. "Problema nun?" si Chichi.

"Malay ko", nakapout na sagot ko. Pero naiinis din ako sa totoo lang. Sinigawan na nya ako, sinabihan pang irresponsible. So far naman, kahit tamad ako, lagi naman umaabot sa deadline projects and assignments ako. Wala pa akong namimiss. Kahit sa tingin ng iba, cramming na ako, normal lang yun, astig time management ko eh. Mas naprepressure ako, mas nakakachallenge. Mas okey tuloy gawa ko. Nakakaproud kasi kapag maayos ang gawa ko kahit I did it for a short period of time. Dyan ako expert, eh after lunch pa naman ang Filipino, so we still have ample time.

"Kanina pa sya ganyan, " say ni Faye, "mainit ang ulo, hinanap ka nga nya kanina eh."

"Oh, bakit ako, malay ko bang magkakaactivity pala  tayo mamaya." sanay na kasi sa teacher namin sa Filipino. Lagi may surprised activity. Sasabihin sa morning tapos sa class nya kelangan gawin namin. 

"First time ko sya nakita sumigaw." singit ng isa classmate namin, "at nabulls eye ka nya Rayne." tinatawanan nila ako.

"Bad kayo, napahiya na nga ako. Nawala tuloy gutom ko."

Tinawanan nila ako. Ramdam ko may nakatingin sa akin kaya luminga linga ako. At nakita ko sina Diane na nakatingin sa akin habang naguusap. Inirapan na naman ako.

Seriously, dahil lang sa late ko ginaganyan na ako. Sobra na ha. Nabawasan tuloy ang good vibes ko.

Kumunot na noo ko. Mukha mag oon na ang maldita mode ko ah. Napansin din siguro na dalawa yun kasi nagreact na si Faye.

" Is it seem overboard na?" si Faye, "I mean dahil lang dun, kanina pa masama ang tingin nya sa yo?"

Oh? Kanina pa.

"Hayaan nyo na guys, baka PMS lang." Binibiro ko pa sila.  Ayaw ko din kasi magmaldita ngayon..hanggat maari, be good.

Narinig yata ako ni Diane dahil nagsalita sya.

"Hindi to PMS lang Rayne. Ang hirap sa yo, masyado kang clueless, no..wala kang pakialam. Okey lang sa yo kung may matamaan ka man. "

The H????

Yung kanina pa din ba tinutukoy nito, bakit parang iba na.

Nagkatinginan kaming tatlo.

Parang nagkaroon ng light bulb sa ulo at malamang sa kanila din dahil sabay sabay na nanlaki mata namin,

"No way!" si Faye ang unang nagsalita. "Don't tell me this is about the your quoute-unquote day with Carl?!"

Yun nga, yung lang ang naisip ko. May crush nga daw si Diane kay Carl di ba. Eh, dinala nya ako sa bahay nila.

Mukhang nagkainteres naman yung classmate namin sa narinig. Lahat ngayon ng attention nasa amin.

"But its just a dare!"singit ni Chichi.

"A dare?" sagot naman ni Lala. "Everyone knows how much Diane likes Carl. I mean, she's very vocal about it. At least man lang nagbigay ng warning si Rayne na interested din pala sya Carl. Para naman hindi nabigla at hindi nabroken hearted si Diane when she learnt that item na sila!"

Napatingin sila lahat sa akin. Iisang reaction. Nakanganga. 

"Sila na?" someone asked.

"Yes, " Lala answered. "Pinakilala na ni Carl si Rayne sa buong family nila as her girlfriend."

My Strange GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon