This week na ang intramurals. Pusposan na kami ng practice. 6pm na nga halos kami nakakauwi dahil sa cheering. Simula two weeks ago pa kami nagsimula magpractice, pero ngayong last two days, 7pm na yata kami uuwi.
Buti safe naman itong lugar namin kaya okey lang. Wala naman masyadong nangyari nitong nakaraan. Siguro yung mga pangaasar lang ni Froggie pag nagkita kami. Medyo hindi nga papansin yun kasi everytime na lalapit sya sa amin, lalapitan din sya ni Diane. Ewan ko dun, medyo naging aggressive din ata. Sinunod yata payo ko. Haha, kasi parang obvious na yung pagkagusto nya dun.
Water break namin. Nakasandal ako ngayun sa bench. Nakataaas pa nga paa ko. Sina Faye na lang bumili ng tubig. Medyo hilo pa kasi ako. Ako ba naman ang ipaikot ikot sa taas. Eh hindi naman ako talaga cheerer eh. Flexible kasi daw ako.
"Tired much?"
Napaangat ako ng tingin.
Ngumiti ako kay Keith. Ang gwapo. Nakangiti sya sa akin. Effective pala syang pampatanggal ng pagod kasi promise, bigla naging inspired ako. Siguro kahit i360 spin nila ako, maggogo ako.
Tumango lang ako sa kanya. "Wanna drink?"
May dala kasi syang gatorade, pero bukas na. Nainuman nya na, tapos iaalok sa akin?
"C'mon, we already kissed." playful na sabi nya sa kin.
Inirapan ko sya dahil dun at lalong nagpatawa sa kanya. He looks so happy. Bihira ko syang makita na tumatawa at Im proud kahit papano ako nagpatawa sa kanya, albeit the fact na dahil yun sa pangiirap ko.
"Just to clarify, you kissed me, hindi we!. "Kinuha ko ang gatorade at ininom yum. Hmnmm, bakit parang ang sarap ng gatorade na to. Nakakalahati nga agad ako.
"Masarap?" tanong nya, Pero parang hindi gatorade ang tinutukoy nya.
"Oo, masarap yung gatorade. At tumigil ka sa pangaasar ha, kita mo tong bote ng gatorade, ipupokpok ko talaga to sayo."
Tinawanan nya lang ako.
"So what if its your first kiss. I can give you naman second, third and so forth kiss."
"Baliw ka talaga." Kahit pa sa tema ng usapan namin, kinikilig ako. I never imagined maguusap kami ng ganito. Akala ko tahimik sya. Makulit din pala. "It should be reserved for my first boyfriend."
"Why first, are you planning to have multiple boyfriend?"
Napaisip ako..oo nga no. Why did I say first.
"I don't want that. Kasi having a lot of bf's means lot of heartache as well. As much as possible, ayoko maranasan yun."
"Those who fell in love should know pain as well. Kasi you'll appreciate happiness more if you experienced ache."
"I never thought it. Pero siguro nga tama ka. Naranasan mo na ba yun?" curious kong tanong.
"Not from the romantic kind of love, but a pain nonetheless."
When he said that, I wonder kind of love made him feel that. He is hurting. Sino nga ba si Keith, kahit may pagkamakulit sya, misteryoso pa din. Remember the info gathered, wala man lang info tungkol sa favorite food nya.
I held his hand and smiled. Ngumiti din sya sa akin. It seems na narelieve din sya. "Anytime you need someone, Im just here." I am still holding his hand pero hinila nya yung kamay ko, and this time, sya na ang nakahawak. He was playing with my fingers.
"Im counting on that Rayne."
Dug dug dug.
This is the first that I heard him say my name. And it feels good.
Tinitigan nya ako sa mata. I and I swear I see something in his eyes. Some emotion na di ko alam kung pano ipapaliwanag.
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
Napatulala ako sa kanya. He looks serious. Does he really want to be my boyfriend? For a moment, speechless ako, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.
"Ah-eh!" tinikom ko bibig ko. Im a blushing profusely. Nakanganga lang tuloy ako sa kanya.
"Oy, practice practice ulit! " narinig kong sabi ng ni Crystal.
Napatingin ako sa kanila. Hindi ko alam kung pupunta na ako dun o sasagutin ko pa yung tanong nya.
Pag sinabi ko bang Okey, ibig sabihin nun kami na agad. Help me, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Rayne!" tinawag na nila ako. Ako na lang kasi wala sa formation. Lahat sila nakatutok na ang atensyon sa amin.
Hinigit ko ang kamay ko na nung ko lang napansing hawak pa rin pala nya.
Nilampasan ko sya, pero tumigil ako at lumingon. "W-will you ask me again? Kasi ngayon, namental block ako sa sinabi mo."
He chucked tapos ininom ang gatorade na natira ko. "Don't worry, you'll hear it again. Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
Pulang pula talaga akong bumalik sa formation namin. Nangaasar ang tingin nung dalawa sa akin, habang ako wala sa sarili. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi nya.
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
'....Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
Kahit nga pinapractice namin yung mga mahihirap ng routine, hindi ko pansin.
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
'....Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
'....Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
'....Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
"I can be your boyfriend Rayne. Not your first, but your only boyfriend."
'....Until you said yes,Rayne, until you said yes ."
Natapos ang practice at bahagya kinwento ko kina Faye at pinagusapan namin. Yung dalawang loka na yun. Nakita pala nila na magkausap kami kaya hindi nila nilapitan. Kilig na kilig sila simula pa ng hinawakan ni Keith ang kamay ko. Lalo na yung tanungin ako. Cant blame them, kasi kahit ako. Kinikilig. Sobra.
BINABASA MO ANG
My Strange Girl
Ficțiune adolescențiRayne is what you can call a typical teenage girl.. Addict sa pocketbook, sa angry bird and her celebrity crushes. Being romantic, she has some rules if she would fall in love. She wanted it to be like the heroes so pocketbook na nababasa nya. And s...