Rayne's POV
Maaga akong pumasok nga. Si Mama kasi. Aga aga ginising ako. Nanakot pa, pag hindi daw ako tumayo agad, bubuhusan ako ng malamig na tubig.
Waaah, wala akong choice, bumangon talaga ko. Gagawin nya kasi yun. Antok na antok pa mandin ako. Masama ang loob ko kagabi, napagalitan ako.
Talagang sinumbong ako ni Ron, lage na lang daw kasi akong nambubully. Ako pa yung lumabas na masama.
Nagtry ako mag paliwanag, with paawa effect..tsss..di man lang umobra...humihina na ba ang convincing powers ko?
flashback:
Lulugo lugong akong umuwi. Nakasimangot talaga ako. Pagbaba namin ng traysikel di ko pinansin si Ron.
Hmf, di kita igagawa ng assignment. Bulong bulong ako.
"Ano un?"
Napatingin ako kay Ron. Nakapamulsa sya. Nakasandal sa gate ng bahay namin. Magkapitbahay lang kami. Mgkapatid ang mama namin at parehong kaming iisang anak. Mga tatay namin, magbestfriend, parehong ngtratrabaho sa Qatar. Engineer. Di lang kami mgpinsan, parang magkapatid na din kami.
"Wala.." sabi ko. Mahina lang, masama loob ko, wala akong cake eh. 3 days ng wala, naubos agad. Di pa naggrocery si Mama, wala pang napadala si Papa eh. Super kuripot pa mandin nun. Ayaw ako bigyan ng allowance pang ice cream and cake. Baka daw kasi magkadiabetes ako.
Pero si Papa, kunsintidor yun, may allowance talaga akong pang ice cream and cake.
"Masama loob ng isang bata jan.." kinikiliti ako ni Ron.
"Tsss!" Lumalayo ako, binuksan ko ung gate at pumasok ako sa loob.
"Ren ren, uy tatawa na yan!" panunukso pa nito.
Hmf.
" Kasi naman, nakakasakit ka na. Buti nga gentleman si Carl at di ka pinatulan. Hindi lahat ng lalake ganun noh. "
Gentleman, my ass!
Wala ngang puso yun eh, pero infairness, nakakagulat naman talaga ung pagtatakip nun.
"Ren ren kasi, di porke may alam ka sa self defense, yung mga tipong ganun, wag mo ng patulan. Binibiro ka lang siguro. Chillax lang!"
"Chillax, inakbayan nya ko Ron!"
"Sus, para akbay lang eh, ayaw mo nun, bka magkaroon ka ng manliligaw."
"Eeew, kung si Froggie din lang no thanks!. Saka, akbay un, reserved yun para sa first boyfriend ko!"
Hahahahah! Hahahahaha! Haahahahhah!
Kung makatawa wagas..
Hahahahah! Hahahahaha! Haahahahhah!
Nakakunot na noo ko, hay naku, baliw din.
"Tawa pa!" asar na sabi ko.
"Kasi naman Ren ren, ung akbay na sinasabi mo, weird eh, kiss..maiintindihan ko, pero akbay lang un.!"
Tumatawa pa din to.
"Wala pakialaman naman trip, un gusto ko bakit ba?" asar na talaga ako.
"Hehe, ikaw talaga, sige ba,bati na tau!"
"Wala kang cake eh..wla kang ice cream.."
"Sus, kelangan pa ba un"
Hindi ako ngsalita. Kung walang ice cream, wala din cake, di ko sya kakausapin.
BINABASA MO ANG
My Strange Girl
JugendliteraturRayne is what you can call a typical teenage girl.. Addict sa pocketbook, sa angry bird and her celebrity crushes. Being romantic, she has some rules if she would fall in love. She wanted it to be like the heroes so pocketbook na nababasa nya. And s...