chapter 11

22 2 2
                                    

Uwian na. Sa wakas natapos din ang practice namin. Alam ko na pagod na pagod ang katawan ko, pero kahit ganon, I feel  invigorated. Nakaplaster na nga yata sa akin ang ngiti. Sina Faye at Chichi, abot abot ang pang aasar naman. At feel na feel ko din naman ang pangaasar nila. Ang landi ko!

Naghihintay ako ng ngayon dito sa my shed. Susunduin na lang ako ni Ron ron eh. Cheerers lang namin kasi natira sa school. Since year level competition naman ito, hindi man lang nageeffort si Ron. Kasi daw, malamang matatalo lang sila. Dalawa lang kasi sa sophomore ang varsity ng sepak takraw, mostly juniors and seniors na yung player nila.

Tinitext ko na yung loko kung pinsan na yun. Hindi ba naman magreply. Naiinis ako. Wala pa manding tricycle na dumadaan. Halos lahat kami may mga sundo. Dati naman nauuna pa sya dito, bakit kaya wala pa yun.

Maliwanag naman ang shed saka hindi naman ako natatakot dito. Safe na safe yung lugar namin. Mababait yung mga tao, kaya kahit halos malapit kami sa town proper, hindi ka matatakot talaga.

"Ehem."

Napabigla ako ng may tumikhim sa likod ko. Surprised is an understatement. Nakangiti sa akin si Keith. Actually, mas bagay na term ay grinning. 

"Uy!." acknowledged ako. Ang gwapo talaga ng isang tao, kaya ang puso ko, hindi maiwasang magpalpitate. Lalo at naalala ko na naman yung sinabi nya kanina.

"Hindi na dadating si Ron."

Ano daw? Hala, pano ako makakauwi nun. Loko talaga ang pinsan ko, hindi man lang ako nainform. Mas nasabihan pa tong lalaki to eh ako yung pinsan nya.

"Nagtext sa yo?" tanong ko. Tumango lang sya. "Naku lagot sa akin yun. Bakit hindi man lang sinabi, ni hindi man lang nagtext. Ah, pano na ako uuwi nito. Dont tell me maglalakad ako. Oh my, ang layo nun. Wala na yatang tricycle na nadaan. Hala, aabutin pa yata ako ng-"

Hindi natuloy ang susunodkong sasabihin kasi nilagay ni Keith yung hintuturo nya sa labi ko.

Napatingin ako sa kanya. 

He chuckled. Mukhang aliw aliw sya sa pagrarant ko. I pouted at lalong nagpatawa sa kanya.

"I hate you. Inaasar mo ako."

"Ang kulit mo kasi, ang ingay mo eh."

"Eh kasi nga si Ron-"

"Ihahatid kita." putol nya sa akin.

"Ihahatid mo ako?" Ngumiti na naman sya. Bakit ganun, everytime na ngingitian nya ako, parang matatanggal sa ribcage ang puso ko.

"That's what I said."

"But why?"

"Isnt it obvious?"

"Is this about earlier?"

My Strange GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon