Japanese Stragglers o Japanese Holdouts. Ito ang tawag sa mga sundalong Hapon ng World War Dos na nagtago sa mga bulubundukin ng Pilipinas nang mag-opensiba ang magkahalong puwersa ng mga Amerikano at Pilipino sa pagtatapos ng digmaan. Ito'y para hindi sila magapi sa kautusan din ng kanilang mga pinuno na nangakong babalikan sila. Nguni't, hindi iyon nangyari. Ang mga naiwang sundalong Hapon ay kinalimutan at hinayaang makipagsapalaran sa marahas na kundisyon.
Mga sundalong Hapon na tulad nila Sakae Oba, Bunzo Minagawa, Shoichi Yokoi at Hiroo Onoda. Probably ang pinakasikat sa kanila, si Onoda ay nagtago sa gubat ng Lubang Island sa Mindoro mula Disyembre 1944 hanggang Marso 1974. Sa span ng mga taon na iyon, nakipagbakbakan siya sa lokal na pulisya at nabuhay sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga hayop at pagkain sa karatig na mga sakahan. Noong sumuko si Onoda, mismong si President Marcos ay naroon para harapin siya.
Nguni't, Ang Huling Pagsuko ay hindi tungkol sa iisang tao lang. Isa itong survival story and most importantly, istorya ng matalik na pagkakaibigan. At upang mabuting maisalaysay ito, ang istorya ay tatawid ng panahon—back and forth from 1940s to 1980s. Isa itong experience na hindi n'yo malilimutan. Tayo nang maglakbay sa panahon at nawa'y magustuhan ninyo ang istoryang ito.
Copyright © 2017 All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pagsuko
Historical FictionDalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forward to 1984, at ang Japanese na holdout ay nadiskubreng buhay pa at susuko lamang sa kaibigan niyang...