Chapter 14: Panaginip

677 61 7
                                    

Sa ilalim ng silong na tulugan, mahimbing ang tulog nina Manolo at Kenji

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ilalim ng silong na tulugan, mahimbing ang tulog nina Manolo at Kenji. Naka-baluktot ng higa sa masarap na lamig ng simoy ng hanging dagat. Ang banayad na alon ay masarap sa pandinig, at nagsisilbing panabla sa kanilang malalakas na mga hilik. Sa kanilang ulohan, pinapaypayan sila ng mga dahon ng niyog na winawasiwas ng hangin.

Nagising si Kenji. Naiihi. Tumayo siya at nagtungo sa paanan ng dagat para magparaos. Mapungay ang kanyang mga mata habang naiilawan ng buwan ang mukha. Sa tilamsik ng kanyang ihi ay nagising niya ang maliliit na mga talangka mula sa kanilang kuweba sa buhangin.

Payapa ang gabi.

Pagbalik ni Kenji sa higaan ay hindi pa man siya nakakahiga't nakakapikit nang marinig niya ang malakas na ungol ng kaibigan at siya'y nagitla.

Nananaginip si Manolo. Mga mata'y nagrorolyo. Isang masamang panaginip. Umungol pang muli, mas malakas. Bigla nagising si Manolo na humihingal.

"Manolo, are you okay?" tanong ni Kenji.

Kumakalabog pa ang dibdib ni Manolo.

"You have bad dream?"

"Y-yes," marahang tango ni Manolo. Tigatig pa siya. "N...nightmare."

"What kind of bad dream?" tanong ni Kenji habang naupo sa malapit.

Saglit na nag-isip si Manolo, inalala ang kakatapos lamang na panaginip. Isang imahen na hindi niya mabigyan agad ng saysay.

"Cloud. Giant cloud. Like smoke."

Nanlaki mata ni Kenji.

"Bad omen" sabi ng Hapon. "It is bad omen when you dream of smoke."

"No...no...not smoke," iling ng Pilipino.

"Not smoke?"

At pumalo sa isip ni Manolo, ang kakaibang usok sa panaginip na noon lamang niya nakita ay hindi pangkaraniwan. Sa kanyang palagay, wala pa ring ibang taong nakakasaksi ng ganoon. Isang higanteng usok na mataas pa sa bundok. Nakakagimbal at sa pag-alala ay tumatalon ang kanyang puso. Sa kanyang hula, ay isa itong...

"Bomb."

Iyon ang nasabi ni Manolo, at hindi rin siya sigurado. Nguni't iyon ang lumabas mula sa kanyang bibig.

Nanlaki ang mga mata ni Kenji.

August, 1945.

#

Mataas ang sikat ng araw. Nakaupo ang dalawa sa batuhan—sa rock formation na naghihiwalay sa dalawang aplaya. Doon kung saan sila nagtutungo upang manghuli ng isda, pagka't sa lugar na ito, sa ilalim ng dagat ay mga corals kung saan maraming mga isdang nagtatago. May mga nahuli na sila, ang mga isda na hindi naman kalakihan ay nakabilad sa bato. Ang makeshift speargun at goggles ni Kenji na pampiloto ay nasa kanilang tabi. Ilang oras na silang nangingisda at ngayo'y nagpapahinga.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon