Gumapang ang maliit na kulisap sa tangkay ng dahon at sinumulang kainin ito. Napahinto siya nang tila may maramdaman. Mabilis ang atake ng butiki at ang munting insekto ay nilamon nang buo. Pumitik ang mga mata ng butiki bago mabilis na gumapang paakyat ng sanga ng puno upang maghanap muli ng makakain, nguni't bigla na lamang siyang sinunggaban ng mahabang dila at diretso siya sa bunganga ng naghihintay na bayawak. Hindi niya namanmanan, pagka't ang berdeng katawan ng bayawak ay humalo sa kulay ng lumot, isang natural na camouflage dito sa gubat ng isla. Nguni't, lingid sa kaalaman naman ng hayop, sa kanya pala'y may nagmamasid din. At bigla na lamang may pumulupot sa leeg niya at siya'y nabihag.
Gamit ang mahabang kahoy na may tali ng sapatos bilang noose, nahuli ni Kenji ang bayawak. Nanlaban pa ang bayawak nguni't agad niyang pinukol ito sa ulo ng bato. Nagtatatalon sa saya ang Hapon at kanyang kinaladkad paalis ang magiging tanghalian nila ni Manolo.
May naitayo silang matibay na silong sa taas ng aplaya na tanaw ang dagat, gamit ang pawid bilang bubong at bamboo sticks na kanilang itinirik sa lupa. Kawayan din ang ginawa nilang hapag-tulugan. Nakasampay ang ilang mga damit sa sanga ng puno, pinapatuyo sa araw at hangin matapos na malabhan sa dagat noong umaga.
Hawak ni Kenji ang bayawak pagdating sa aplaya at nagtaka nang hindi makita si Manolo sa paligid.
"Manolo!" sigaw ng Hapon na nagpalingon-lingon.
Nagulat siya nang bigla na lamang may bumagsak na buko malapit sa kanyang paanan. Tumingala si Kenji at nakita na si Manolo pala'y nasa itaas ng puno ng niyog at nagtatabas ng buko gamit ang kanyang samurai.
"Look!" masayang tinuro ni Kenji ang dala-dala. "I caught a lizard!"
May kasunod pa na ilang buko ang mahuhulog sa buhangin bago bumaba ng puno ng niyog si Manolo at lumapit sa kasama.
"We call that bayawak," sabi ng Pilipino.
"Ba...ya...wak," ulit ni Kenji. "In Japan, it is called Tokage!"
"To...ka...ge..." ulit naman ni Manolo. Kapuwa nila tila tinatandaan ang mga salitang nalaman.
Naupo sila sa beachpara gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkaskas ng dalawang biyak na kawayan.Maya-maya'y may maliit na apoy na sumindi na kanilang maingat na hinipan atbinudburan ng maliliit na piraso ng tuyong kahoy at damo hanggang sa lumaki angsiga. Dinala ni Kenji ang bayawak patungo sa dagat kung saan niya tinanggal angulo't matatalas na mga kuko nito gamit ang samurai. At kanya ring nilinis angmga laman-loob sa tubig. Kapuwa unang beses nilang makakakain ng karne ngkasama simula nang mapadpad sa isla kung kaya't ganoon na lang ang kanyangpagkasabik. Sa tuwa'y napakanta pa siya. Napangiti si Manolo na makita angHapon. Sa isipan ng Pinoy, ang hindi pagaakala na naroon siya ngayon sasitwasyon na kinalulugaran—kasama ang Hapon na natural niyang kaaway sa digmaannguni't heto't kasama niya na magsasalo sa tanghalian—na kung tutuusin aykamuntikan na niyang patayin.
#
4 months earlier.
Wumawagayway ang mga dahon ng mga puno ng niyog sa palo ng hangin. Maririnig ang huni ng mga ibon sa gubat ng isla. Nakataas ang kamay ni Kenji sa kanyang ulo na naglalakad, kasunod si Manolo sa kanyang likuran at nakatutok ang pistol at hawak ang samurai. Patungo sila sa looban ng gubat.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pagsuko
Historical FictionDalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forward to 1984, at ang Japanese na holdout ay nadiskubreng buhay pa at susuko lamang sa kaibigan niyang...