Chapter 4: Sa Kuwarto ng Mga Heneral

771 71 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Suot ni Manolo ang kanyang uniporme habang nakaupo sa Mitsubishi Cimarron. Nguni't imbes na kanyang fedora ang ka-terno nito'y ang tinatawag na side cap o garrison cap na kulay asul, kuwadrado ang hugis at natutupi. Kapag isinuot ay korte itong trianggulo. Sa gilid ng sumbrero ay may patch na nagsasabing siya'y isang beterano. Bagama't mas gusto pang isuot ni Manolo ang kanyang fedora, sa okasyon na ito'y ni-require siyang isuot ang kanyang vetaran's cap. Gayunpaman, ay dala pa rin niya ang kanyang fedora at balak na isuot iyon pagkatapos nila sa pupuntahan.

Camp Aguinaldo, Quezon City.

Malaki ang conference room na kanilang pagmimitingan. Carpeted at barnisado ang mga muwebles. May mahabang mesa na napapaligiran ng maraming mga upuan. Sa isang sulok ay may watawat ng Pilipinas, malapit sa naka-frame na litrato ni President Marcos sa pader. May malaking white board sa dulo kung saan gamit pagpresinta gamit ang slide projector o ng tinatawag na carousel. Doon din ay may malaking telebisyon na may nakakabit na Betamax player.

Nang pumasok sina Manolo at Lieutenant Laxamana sa kuwarto ay naroon na ang mga heneral na naghihintay sa kanila. Isa-isang kinamayan ni Manolo ang nagtataasang mga opisyal sa pangunguna ng 5-star general na nagngangalang Cunanan. Malaking tao ang mahigit singkwenta nang heneral at may malalim na boses. Plantsado ang kanyang buhok na alaga ng pomada at malakas ang amoy ng kanyang aftershave.

"Private Banlat," pagkamay ng heneral. "It is my honor to meet a war hero."

"Matagal na pong retired," sabi ni Manolo.

"Mukhang magbabalik ka muna sa pagiging sundalo for the meantime," sabi ng heneral. "Please, take a seat."

Naupo sina Manolo at Laxamana sa isang bahagi ng mahabang mesa, ang lahat ng mga heneral ay nakahilera sa kabila nila na para bang mga hurado. May iba pang mga sundalo na nakapuwesto sa bahagi ng white board, mga pawang private. Maya-maya'y dumating ang grupo nina Paula, Beth, at Robert pagka't imbitado rin sila sa meeting at naupo sa mga bakanteng upuan sa magkabila nila Manolo. Iba ang sinakyan nilang sasakyan na ka-convoy ng Cimarron at nataon sa pagpupula ng stoplight kung kaya't medyo nahuli. Nagpaumanhin sila na sila'y late bagama't iilang minuto lamang ito. Alam nilang istrikto ang mga sundalo, na kapag sinabing military time ay dapat saktong naroroon ka na sa tinakdang oras, o kaya'y mas maaga pa.

Nang sila'y kumpleto na ay sinimulan nila ang pagpupulong. Hawak ni General Cunanan ang folder na may mga papel na naka-fastener na kanyang tinitignan suot ang kanyang antipara, at kanyang binasa.

"Ayon sa records mo, nagserve ka under the 4th Infantry Division that saw action in the Battle of Leyte and Battle of Mindoro. 1944 and 1945. Awarded the Philippine Liberation Medal and the Service Star," umipisa ni Cunanan. Alam ng lahat kung sinong tinutukoy niya.

Kita ang paghanga sa mukha ng mga heneral nang marinig iyon. Sila na marami ring mga medal at commendations sa kanilang tungkulin, patunay sa mga makukulay na mga palamuti sa harap ng kanilang mga uniporme. Pero kakaiba pa rin ang parangal na nakamit ni Manolo noong siya'y nakidigma sapagka't iyo'y parte na ng kasaysayan. Ang Philippine Liberation Medal ay tampok lamang sa mga lumahok sa huling labing-isang buwan ng ikalawang digmaan, noong itinutulak na ng Allied forces ang mga Hapon palabas ng bansa.

Ang Huling PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon