Nakatuhog sa bamboo stick ang bayawak at ito'y nakapatong sa dalawa pang mga kawayan na nakatusok sa buhangin. Sa gitna ang sigang apoy at nagmamantika na ang bayawak sa pagkakaluto. Minamanmanan ni Manolo ang pagluto at iniikot ang stick habang si Kenji ay nakaupo sa may tabi at nagbabalat ng buko.
Nang maluto na'y pinagsaluhan nila ang bayawak.
"Sarap nito a. This is very good," sabi ni Manolo habang kumakain.
Banayad ang alon sa dagat. Maliwanag ang horizon. May lungkot sa dibdib ni Kenji dahil sa nakita kanina nguni't pilit niyang tinatago ito sa kasama.
"Kenji, do you think war will be over soon?" tanong ni Manolo.
"I do not know," kibit-balikat ng Hapon.
"When war is over. I will help you to surrender," sabi ng Pilipino. "You can go back to Japan. To your wife and son."
Tumingin sa kanya si Kenji, nagaalangan.
"In Japan. You will be a hero," dagdag pa ni Manolo.
Natigilan sa pagkain ng bayawak si Kenji.
"I am not a hero," aniya
"Not a hero?" pagtataka ni Manolo.
Napatayo si Kenji, nais iwasan ang paksa ng usapan.
"You are a hero!" patuloy ng Pilipino.
Gumilid ng tindig si Kenji at yumuko.
"I...I am not a good pilot."
"You are a good pilot! You are an ace pilot!" sabi ni Manolo, at siya'y nagtataka sa inaasal ng kasama.
"No. I am not an ace pilot," tutol ni Kenji. "I am not like Lieutenant Hiroyoshi Nishizawa. He is an ace pilot. He is greatest Japanese pilot."
"Have you met him?" tanong ni Manolo habang kakagat ng bayawak.
"Yes, in Toyohashi, Japan," amin ni Kenji. "We have the same plane—Mitsubishi A6M Reisen fighter. Americans call it "Zero Fighter."
"Zero Fighter," ulit ni Manolo na may paghanga. Ilang beses na niyang narinig ang kataga, alam niya ang reputasyon ng eroplanong pandigma na kinatatakutan ng marami. "Where is Nishizawa now?" tanong niya.
Lumuhod si Kenji para kumpunihin ang siga ng apoy.
"He is dead. He was on a transport plane. It was shot down by Americans," malungkot na sabi ng Hapon, at tinuro ng ulo ang dagat. "He died in Mindoro."
Pansin ni Manolo na malungkot ang kaibigan. Sa isip, marahil ito ang dahilan sa inaakto ng kaibigan.
"Then you are very lucky," pagkunsuwelo niya. "Because you are alive!"
Nguni't sa kanyang pagtataka ay lalo pang nalungkot si Kenji sa sinabi niya at nagulat sa sumunod na reaksyon ng Hapon.
"No! You do not understand!" sigaw ni Kenji. Napatayo siya na tila naiiyak na tumakbo papalayo at tumukod sa may puno kung saan nakasabit ang samurai at pistol sa sanga. Nagtatakang sumunod si Manolo.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pagsuko
Ficción históricaDalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forward to 1984, at ang Japanese na holdout ay nadiskubreng buhay pa at susuko lamang sa kaibigan niyang...