Malayo-layo na ang napuntahan nina Kenji at Paula sa bilis ng kanilang paglalakad, hanggang sa tumiklop na ang tuhod ng reporter sa pagod at siya'y napaluhod.
"I...I need to rest," pagmamakaawa ni Paula, hinihingal.
Hinayaan siya ni Kenji't binitawan. Naupo ang dalaga sa lupa, hinahabol ang kanyang hininga. Agad na nariyan naman ang samurai ni Kenji na nakatutok sa kanya...at sa unang pagkakataon, ay nagkaroon ang Hapon ng tyansa na mapag-aralan ang kanyang bihag. Naramdaman ni Paula na inaaligiran siya ng tingin.
"Ba't mo ko tinitignan?"
"Y-you are woman?" sabi ni Kenji, sinisigurado sa sarili sa kanyang nakikita.
Ang dating kay Paula'y para siyang nainsulto.
"Aba, oo naman. Mukha ba kong lalaki? Ganda kong ito. Hindi mo ba nakikita na me boobs ako?" simangot niya at sumenyas pa sa kanyang dibdib.
Napatingin tuloy si Kenji sa boobs niya at nanlaki ang mga mata. May kakaibang ngiti na lumabas sa kanyang mukha.
"Hoh! You are woman!" hudyat ni Kenji. "I have never seen woman in many years!"
Napataas ng kilay si Paula sa nakitang reaksyon mula sa Hapon, na itinaas ang kanyang mga palad na para bang may gustong gawin dito.
"And I...have never touched a woman in many, many, many years!"
Napalunok si Paula. Wari niya ang tingin na binibigay sa kanya ngayon ni Nishina, na may pupuntahan ang sabik na mga tingin na iyon. Takot siyang napayakap sa sarili at umiling.
"Oh, my God! 'Wag mo kong rape-in!"
Umakmang aabutin ni Kenji si Paula. Ang tutoo'y nais lang niyang maramdaman sa palad ang malambot na balat ng dalaga...sa pisngi. Isang bagay na matagal na niyang hinahanap-hanap. Nagsisigaw ang babaeng reporter.
"Huwag po! Huwag po!"
Pero, natigilan si Kenji bago pa magawa ang nais. Napatingin siya sa gawi na dinaanan nila. Parang may naririnig siya. Naramdaman niyang baka malapit na ang mga humahabol sa kanila, kaya't agad niyang kinuha ang braso ni Paula at hinatak ang dalaga patayo.
"WE GO! WE GO!"
At sila'y nagpatuloy sa paglalakad.
At ilang minutong lumipas ay naroon na ang pangkat nila Manolo. Kitang dinapuan na ng kapaguran ang lahat, pero nakakatakang tila mas may lakas pa si Manolo at mukha pang mas masigla kaysa sa iba. Nagkaroon siya ng kakaibang lakas nang makabalik sa pamilyar na lugar, at tulak-tulak din siya ng pagnanais na mailigtas si Paula't makausap si Kenji. Alam niyang malaki ang nakasalalay sa kanya. Tagaktak naman ang pawis ng bilugang si Hepe. Kinakaladkad na niyang mga paa.
"M-malayo pa ba tayo?" tanong ni Hepe.
"Malapit-lapit na," sagot ni Manolo. Lumingon siya at nakitang hapong-hapo na ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pagsuko
Historical FictionDalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forward to 1984, at ang Japanese na holdout ay nadiskubreng buhay pa at susuko lamang sa kaibigan niyang...