Chapter 2: Korona

1.6K 77 8
                                    

This chapter is dedicated to: ColdHeartedMe_14 :) mabait yan, pakibasa nalang ng mga story niya --- SALAMAT SA FLOODVOTES ♡

Chapter 2: Korona.

Hannah's POV

Patuloy sa pagkwento si Travon. Unti-unting sumasagi sa isip ko na isa palang mamahaling kotse at sinasakyan ko ngayon.

"Hindi ako makapaniwalang naging magkaibigan tayo dati, bakit? E, hindi ko kasi maalala." Amnesia, yan daw ang problemang kinakaharap ko.

Ngunit parang di ko na maintindihan ang nangyayari. Bakit nangyare sa akin ito?

May sinabi sa akin ang babae kanina, Barbara daw?

"Yung korona. Iba na yong suot mong korona." Pagsasaad nito.
"May halong taktika iyon ng pampawala ng pag-iisip." Dagdag nito.

Korona? Naguguluhan na ako.

Hindi ako mapakali habang nakaupo. Patuloy parin akong naguguluhan dahil sa korona, anong korona iyon?

Anong korona ang siyang nakapagpawala nang aking pag-iisip?

Binabaybay parin namin kalaunan ang aming destinasyon-bahay nina Travon.

Nagkuwento siya tungkol kay Barbara. Siya daw ang mortal kong kaaway sa bawat beauty contest kong sinasamahan. Siya daw ang balak makapagsuot nang koronang aking sinusuot sa aking ulunan at agawin sa akin ang aking pagkapanalo.

"Mukhang nagtagumpay siya. Ang misyon niya ay na-accomplish na niya." Saad ko.

"Hindi pa. Baka isa sa dalawampung misyon niya ang tanggalan ka ng memoriya." Saad nito habang nagmamaneho.

Nakapagtataka, misyon? Ako? Ano naman ang naging kasalanan ko bakit galit na galit siya? Sino ba ako sa buhay niya? Ano ba ako bakit ganoon na lamang siya kung gumamit ng taktika?

Taktika.

Yan ang nais niya.

Korona.

Nakapagsuot na siya.

Tumigil kami sa tapat ng bahay.
"Dito ka muna sa bahay magpagabi at matulog at kinabukasan ay iuuwi kita sa bahay niyo." Pag-aalok niya.

I slowly nodded.

"Akin na yang korona! Akin to, lagi mo nalang akong inaagawan ng pwesto."

Unti-unti akong namulat at nakita ko kung bakit korona ang nais niyang kunin sakin, dahil iyon ang inaasam-asam at pakay nito.

Alaala. Hindi ko pero maalala kung sino ang aking mga butihing magulang. May kapatid ba ako? Nanay tsaka itay?

Tumayo ako sa kama at nagtungo sa gilid ng bintana, ang sarap ng ihip ng hangin, ang presko ng hangin, kita ko ang mga ilaw sa ibaba. Ganito pala ang bahay ni Travon. Ganito pala mamuhay ang isang mayaman. Mayaman rin ba ako?

"Gising kapa pala." Narinig ko ang boses ni Travon sa aking likuran at agad akong napatingin sa kaniyang pwesto.

"Naalimpungatan lang siguro ako at gusto kong makaamoy ng hangin." Sambit ko.

"Siguro namiss mo na bahay niyo no?" Tanong niya.

Kaya pala ganito ko nalang titigan ang mga ilaw sa ibaba, ganito pala ang estilo ng aking pagkagusto sa ilaw sa ibaba dahil kitang-kita ang ganda nito. Ilaw.

"Korona ba talaga?" Pag-iiba ng topic ni Travon.

"Iyon ang mga katagang narinig ko kanina sa panaginip ko."

"Baka iyon din ang susi baka sakaling makaganti ako."

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon