Chapter 28: If

434 30 0
                                    

Chapter 28: If




Hannah's POV

Ayos na ako. Okay na ako. Alam ko na ang totoo. Sa ngayon, ang dapat kong gawin maging malakas. Sa desisyon ko.

"We're leaving. We're going to your Uncle Constantino's Death Anniversarry."

Nakapagbihis naman ako ng presentable. Kaya kong harapin si Barbara ng ganito.

Nagtext ako kay Victor.

Me: Victor, lalabas kami. Pupunta kami sa anniversarry ng Itay ni Barbara. Kamusta ka? Take care.

Sent.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse. Si Bet at Fred ay busy sa kani-kanilang cellphone.

"Siguro may mga girlfriend na kayo, 'no?," tanong ko sakanila.

Agad naman bumaling sakin si Bet, "Si Fred baka meron."

Nagtawanan kaming lahat. Family bonding kung tawagin.

Huminto ang sasakyan at tumapat naman kami sa bahay nina Barbara.

"Hi!" Bati ni Mommy kay tita Carmina. Nagyakapan naman sila at nagkamustahan.

Memoryado ko na ang bahay nila. Dahil nga dati dito kami minsan nagtatagu-taguan.

Sumama bigla ang pakiramdam ko at agad kong hinanap ang banyo. Nababawas lang ata ko.

Nagtungo muna ako sa malaking salamin, "If she does it. I will kill her." Sambit ko sa aking sarili.

"If she can clear memories. Me too."

"If breaking my heart is the key. I will not let her do that."

"May tao ba diyan?" Tanong ng boses na nasa labas. Ako naman ay hindi sumagot. Ni-lock ko ang pinto para walang makapasok. Alam na ngang nakalock tinatanong kung may tao. Napaismid nalang ako ng tuluyan.

"Bubuksan ko 'to ng tuluyan kapag hindi mo binuksan." Sambit niya.

"Edi buksan mo."

"May tao pala."

Agad naman niyang binuksan ang pinto at iniluwal siya. Si Barbara.

"Andito ka pala." Mainit na tonong sambit niya.

"Anino ko 'to." Pampipilosopo ko.

"Ang pamilyang sumira sa buhay ko. Ay nagsama-sama ngayon. Welcome to hell." Buong pamamalaki niya sakin.

"Hell mo mukha mo."

Kumukulo ang dugo ko. Mabuti nalang ang napipigilan ko pa baka mamaya kung magsalita pa siya hindi lang kalmot ang matatamasa niya sa akin.

Naramdaman ko ang paghablot niya sa aking buhok agad akong dumaing at umaray.

"Hindi ka pa rin nasasaktan? Eto para sayo." Nangingilid na sambit niya sakin. Ako naman ay hindi nagpatalo pwinersa ko para madakma ko ang kaniyang pagmumukha paraan para makalmot ko siya.

Ang sakit sa bunbunan. Mahapdi!

Ang ingay sa banyo ay ang nakakuha ng atensyon ng mga taong nasa labasan kanina. Nakita ko ang paglapit ni Mommy at Daddy kasama si Carmina.

"Anong nangyayare dito?" Bumuntong hininga si Daddy sa kaniyang sinambit.

Sasabihin ko na ang totoo.

"Kayo! Kayo ang may kasalanan ng lahat." Protesta ni Barbara at idinuduro si Daddy.


"Mga mamamatay tao. Mabuti nalang at hindi ko pinatay nong una kong nadakip ang anak niyong 'yan." Ako ang tinutukoy niya.

"Wala kayong kwenta!"

"Hoy, ako nga dapat ang magalit. Dahil ako ang mas nakaranas ng hirap. Yung pagkawala ng memorya ko, tiniis ko. Yung mga pangalang hindi ko maalala, pilit kong inintindi iyon." Sambit ko sakaniya habang hinaharap siya't nangingilid na pumatak ang tubig sa aking mata.

"What?" Gulat na reaksyon ni Bet at Fred. Ang mga mukha naman nila Mommy at Daddy ay puno ng kwestyon.

"Ikaw din ang dahilan kung bakit biglang isinugod si Daddy sa hospital."

Hindi agad siya kumibo.

"Dahil gusto kong ipaghiganti si Itay!" Sigaw niya at idinuro niya si Daddy.

Umalis siya at tumabi naman ang mga taong nakikisosyo.

"Kaya mo bang mapanatag ang sarili mo? Yung papeles ibalik mo!" Sigaw ko sakaniya.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon