This chapter is dedicated to: ModernCupid --- Read her stories, magaganda silaa ♡.
Chapter 5: Hello
Hannah's POV
Pagkabalik ko sa bahay, dali-dali akong bumaba. Nakita ko ang dalawang maliliit na batang lalaki.
"Hi ate!"
"Ate where did you go?"
"Ate, we haven't seen you these past few days."Hindi ko maalala ang kanilang pangalan. Ayoko namang malungkot sila dahil di ko sila tinawag sa kanilang pangalan.
Yung isa ay maliit na medyo mataba. Yung isa nama'y katam-taman ang katawan at may hawak na bola.
Nag-isip ako ng paraan para hindi nila mahalatang nakalimutan ko ang kanilang pangalan. Dahil nabanggit na ni Mommy kani-kanina na kambal sila. Pero ang pangalan nila ay nakalimutan kona.
"Mga kapatid, nanggaling ako sa kompanya kaya ngayon niyo lang ako nakita. Kagabi kasi nakatulog na kayo 'non." Sambit ko sakanila.
Lumapit ang batang may katabaan, "saan kaba galing kagabi, ate?" Tanong nito.
"Fred! Ano? Tapos naba kayo sa laro niyong volleyball?" Lumapit si Mommy sa batang may katam-taman ang pangangatawan. Lumapit naman ito kay Mommy at niyakap. Siya nga pala si Fred.
"Ikaw, Bet. Sinamahan mo ba si Fred?" Ang atensyon ng batang may katabaan ay napunta kay Mommy. "Ang galing nga po humabol ng bola ni Fred Ma, e." Sabi niya habang nag thumbs-up kay Fred na nasa tabi na ni Mommy. "Tapos, 'yon ang galing niya. Nanuod nga ako, e."
Siya pala si Bet, ang may katabaan kong kapatid. Si Fred naman ay ang batang may katam-taman ang pangangatawan at naglalaro ito ng volleyball.
"Ate, you want to join us? Sa volleyball court? Bukas dahil may practice kami. Watch kayo ni Bet." Sambit ni Fred. This kid is an athlete.
---
Nakapaghilamos na ako, handa na ako para matulog. Napapaisip ako sa nangyari kanina, mismong pangalan ng aking kapatid hindi ko man lang maalala. Pero ang mga kilos, naalala ko. Mga pangalan ba ang tinanggal niya o pati naman memorya? Maaring oo, siguro pero pipilitin ko itong ibalik ng paunti-unti at unti-unting maghihiganti.
May cellphone pala ako at ngayon ay gamit ko ito. Alam ko naman kung paano ito gamitin. May wifi, alam ko ang tawag rito. May mga apps, naalala ko rin ang ngalan nito. Binuksan ko ang aking facebook account, naalala ko pa naman. Siguro'y pangalan nga lang ang tinanggal niya. Makakapaghiganti rin ako.
Nagbabasa ako ng kung ano-ano sa newsfeed ko. Newsfeed talaga ang tawag dun. Naalala ko rin.
Hanggang tumunog ora-mismo ang telepono, huni ng isang nahulog na tansan.
Victor Cruz: Hi, Mam!
Alam ko naman ang magbasa. Ang makapag-type. Malinaw ang aking memorya dito.
Hannah Hidalgo: Yes? Hello.
Hindi ako masyadong talkative sa chat ayon sa nababasa ko kanina. Nabasa ko ang nakaraang paguusap namin ni Travon, kamaikailan bago ako mawalan ng malay.
Victor Cruz: Oy si Maam nagreply.
Hannah Hidalgo: Bakit hindi kita rereplyan? Scammer kaba?
Victor Cruz: Siyempre busy ganon kasi may pinagkakaabalahan. Nagulat nga ako bigla kayong nagHELLO. Napakahumble niyo po pala.
I ended the conversation with seen. Hindi ko naman alam kung bakit ganon kagalak akong makausap ni Victor? Baka ganon nga, kahit naman sa building kanina ay napakamabait niya.
BINABASA MO ANG
Her Revenge | ✔
RomanceSiya na ay nawalan. Patuloy parin ba siyang mawawalan? O hahanap ng tyempo upang lumaban? Makikilala mo Si Hannah bilang isang beauty queen, isang title holder, pero mawawala ang lahat ng dahil kay Barbara. Hanggang sa darating ang tatlong lalaking...