Chapter 14: Ipapaalala
Hannah's POV
Natapos ang pag-uusap namin ni Coach. Nakauwi na kami ni Fred matapos ang nagyaring paglabas namin ni Coach.
"Saan ka nagpunta Ate?" Tanong ni Fred.
Sinabi ko naman ang totoo at sumang-ayon naman siya, sinabi niya na matagal na raw kaming lumalabas kahit nagte-training sila. Kaya pala feeling ko hindi na rin ako bago sa nagyari kanina.
Pumasok na kami sa bahay at nadatnan ko si Bet na kasama si Travon. Anong ginagawa niya rito?
"Ate, you're here." Niyakap niya ako. Binalingan ni Bet si Fred at inirapan. Bata nga naman.
Kinuha niya ang aking braso at iginuyod papunta sa kinauupuan ni Travon at pinaupo.
"Kanina kapa hinahanap sa'kin ni Kuya Travon, boring na boring na ata siya sa'kin." Bulong niya. Binalingan ko ng sulyap si Travon at nahuli niya ako at napangiti.
"Iwan ko na kayo." Pagpapaalam ni Bet.
Mag-isa siyang nagtungo sa taas habang si Fred ay naiwan mag-isa at tinititigan si Bet papuntang itaas.
"Suyuin mo nagtatampo sa'yo 'yun." Utos ko sakaniya.
Agad naman siyang nagtungo sa kwarto nilang dal'wa at iniwan kaming dalawa ni Travon na nakaupo.
"Saan ka galing kanina Hannah?" Tanong nito.
"Nagpunta ako sa training ni Fred. Ngayon lang kami nakarating, hindi pa naman magagabi, e. Niyaya akong lumabas ni Coach." Sambit ko sakaniya. Binalingan ko siya ang tumatango-tango naman ito.
"Pwede kaba bukas? May magaganap kasing despidida. Si kuya aalis na papuntang Canada." Paanyaya niya. Ako naman nag-isip pa kung sasama.
"Kung gusto mo hintayin natin sila Tito at Tita para pormal kitang ipaalam." Saad niya. Ganito pala ako kamahal ni Travon bilang kaibigan. Mahal niya ako bilang Hannah.
Makalipas ang ilang oras naming paghihintay, nakarating na rin sila Mommy at Daddy. Naghintay talaga siya ng matagal kahit abutin ng gabi. Magawa niya lang ang Pormal na Paanyaya.
"Mommy, Dadday si Travon nandirito." Saad ko. Agad naman silang nilapitan ni Travon at nagmanoat beso kay Mommy at Daddy.
Ako din naman nagmano at beso sakanilang dalawa.
"Tita, Tito. Pwede po bang imbitahan si Hannah. Aalis napo kasi si Kuya Tyron papuntang Canada." Sambit niya. Pinayagan naman ako ni Mommy maging si Daddy ay pumayag din.
Iniwan kaming dalawa at umalis na sila Mommy at Daddy.
"Alam naba nila ang ginawa sa'yo ni Barbara?" Tanong nito.
Ako naman ay sumagot, "Hindi pa nila alam. At ayaw kong iba ang makaalam. Malalaman rin nila kung sasabihin ko. Ikaw lang sa ngayon ang makakagtago at mapagkakatiwalaan ko."
"Ikaw naman kasi bigla ka agad umalis 'nong panahong iyon. Alam kong limot ko na at ipapaalala ko sa'yo ang nangyari." Paninimula niya.
"Pagkatapos ng pagkatapos ng pagka-announce dali-dali kang pumunta sa likod upang magpalit. Alam ko yun ngunit hindi kita agad nahagilap dahil nasa likod ka nga. Nakita kong sumunod naman si Barbara at tumakbo." Pabulong niyang saad.
"Nakita kong hindi kana nakalabas mula sa iyong pinangalingan, agad akong tumakbo ang sabi ko pupunta ako sayo dahil tinanong ako nila Tito at Tita." Aniya.
Patuloy parin ako sa pakikinig. Ipinapaalala niya talaga ang hindi ko maalala. Unti-unti kong isinasakabisado ang lahat.
"Kaya nung nakauwi kana sinabi ko kila Tito at Tita na sa akin ka muna natulog para di sila mag-alala." Tinitigan niya ako at tinitigan ko siya. Nagtitigan kami at nakita kong kuminang ang kaniyang mapupungay na mata.
BINABASA MO ANG
Her Revenge | ✔
RomanceSiya na ay nawalan. Patuloy parin ba siyang mawawalan? O hahanap ng tyempo upang lumaban? Makikilala mo Si Hannah bilang isang beauty queen, isang title holder, pero mawawala ang lahat ng dahil kay Barbara. Hanggang sa darating ang tatlong lalaking...