Chapter 26: Biglaan

395 33 0
                                    

Chapter 26: Biglaan

Hannah's POV

Minsan din sa buhay mas pipiliin mong maging ikaw nalang, kaso saan mo makukuha iyon kung nakuha ito ng iba na ang sanhi ay ang pagkawala ng iyong memorya, lahat ng masasayang araw na meron ka ay nawaglit sa iyong pag-iisip. Mahirap magpanggap, mahirap.

"Kamusta ka?" Tanong ko kay Victor sa kabilang linya.

Masyado ng gabi para tumawag matapos ang pag-uusap namin ni Travon kanina. Hindi ko nga maramdaman ang kaniyang kinikilos pero feeling ko may halong selos ito.

"Maayos naman, ikaw ang kamusta? Ayos ka lang ba kanina kay Travon? Sinabi mo naba ang tungkol sa ating dalawa?" Mahinahon niyang sambit.

Sinabi ko sakaniya na ayos lang kahit malaman niya ang mahala naman ay mahal mo yung tao.

Inilapat ko ang katawan ko sa aking higaan at kinumutan ito. Dinalaw ako ng antok at oras na para magpahinga.

Barbara's POV

Mahirap kalimutan ang nakaraan, ang mga taong nakaraan na parang walang sakit kaya ko nagawang lasunin ang kaniyang utak---iwinala ko lahat ng kaniyang alaala pero ito'y unti-unti ng bumabalik. Maghihiganti parin ako, Hannah.

Umaga nang gumising ako mula sa pagkakatulog ng mahimbing, minabuti ko munang tignan ang aking telepono kung may tawag ba galing kay Gio.

Ang lalaking minamahal ko ngayon.

Ayokong magtungo sa kompanya baka andun si Hannah. Kaya mas minabuti ko nalang munang magmuni-muni sa tabi.

Tumigil ang aking mata at napansin ko ang karatulang may nakalagay na beauty contest.

"Ako ay magbabalik." Sambit ko.

Agad akong nagtungo sa palistahan at nagpalista na ako'y sasali.

Hannah's POV

"Ayos to," panguna ko sa aking sasabihin "biglaan 'to."

Nakatitig ako ngayon sa karatula na kung saan ay may mangyayaring beauty contest. Maaring magbabalik ako pero hindi kagaya ng dati, pero gusto ko 'to biglaan.

Ipinarada ko muna ang aking sasakyan upang maipalista ang aking sarili at ngalan.

Ibang lugar ito ng palistaan at malayo ito sa lugar nila Barbara.

Sumagi na naman sa isip ang kaniyang ngalan. Kalma, Hannah! Kalma.

"Miss, Hidalgo? Welcome back!" Bati ng staff.

"Salamat. Biglaan nga ito, e." Agarang sambit ko sakaniya.

Natipuhan kong sumali dahil laging sumasagi sa panaginip ko ang lahat ng kaganapan tungkol sa beauty contest.

Umuwi naman ako at ikwinento ko ito kila Mommy at Daddy pati na rin sa kambal. They are amused.

Niyakap nila akong lahat at icrinongratulate.

"Thank you."

Saka ko rin sila niyakapa ng napakahigpit.

Nagkaroon kami ng salu-salo at may kaunting pinag-usapan. Masaya nga daw sila para sa akin.

----

Araw ng patimpalak at kitang-kita ko naman ang aking mga kalaban na binabati ako isa-isa, mga familiar na mukha.

"Salamat, namiss ka ng beauty contest Hannah."

"Welcome back to the world of beauties."

Ang ilan ay bineso ko dahil pakiramdam kong naging kaibigan ko sila dahil sa pagsali ko rito.

Naririnig ko na ang hiyawan. Ang mga hiyawan ng mga umiidolo sa kapwa ko kandidata.

"Welcome to the Queen of All Queen 2017." Pagsambit ng host.

Ipinakilala na niya ang lahat lahat at ito ang oras namin para lumabas at makilala.

Huminto ang paningin ko dahil kitang-kita ko mula rito sa kanang bahagi ng entablado ang ngiting-ngiting mukha ni Barbara. Hell, mukhang sabong na to.

Napairap nalang ako sa kawalan.

Hindi ko ininda ang takot dahil lang sa babaeng iyan, ngayon alam ko na ang gagawin ko wala ng maamnesia pa.

Tapos na ang pagpapakilala sa top 8 mula top 12 ay hindi kami natanggal ni Barbara. Malakas din ang kapit ni Barbara. In fairness.

Ngayon ay ang pinakahihintay ng lahat, maski ako. Ang pagsagot sa mga katanungan.

Naunang tinawag si Barabra kaysa sa akin. Narinig ko ang tanong niya mula sa binunot niya.

"Define queen."

"I'll grab the oppurtunity to answer that. I, all of us is queen-not because were aren't wearing crown because we live in the world full of symphaty. Gorgeous ladies and gentlemen, a lady is not all about title and greatness despite all the things felt you down you always stand up. Thats the real queen."

Tinapos niya ang lahat ng may palakpak galing sa mga tao.

Ako na ang susunod.

"What is the essence of real queen."

"Some of us not knowing what a real queen is-I as a girl I also experienced how to live without knowing people around you. I stand up againts all matters, cause I believe real queens not living in one path. And I thank you."

Narinig ko ulit ang hiyaw nila.

Pero ngayon hindi na ako kinabahan. Alam ko ang susunod dito.

"The Queen of Queen 2017 please step forward Barbara Compuz."

She deserve it!

Biglaan ang lahat.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon