Chapter 7: Lolo's Memory

636 54 5
                                    

This story is dedicated to fayemoon thank you for making my bc hihihi ^^

Chapter 7: Lolo's Memory

Hannah's POV

"Anak, gisingin mo na ang lolo mo." Utos ni Daddy.

Nagtungo ako sa kwarto ni Lolo at gigisingin na. Tahimik siya, walang hilik.

"Lo, gising na daw!" Yinuyogyog ko ang butihin kong lolo sa pagkakatulog.

Hindi siya dumilat maging gumalaw. At nagtungo ako kay papa at sinabing natutulog lang ng mahimbing ito.

"Ha?" Singhal ni Daddy.

"Wake him up." Nataranta na si Dad.
Nagtungo lahat maging ang matandang babae sa kwartong pinagtunguhan kanina.

Bumagal na parang isang segundo ay mas tumagal pa. Hindi na ako mapakali. Nakita kong umiiyak ang kambal kong kapatid. Si Bet iyon.



"Wake up, ate!" Nararamdaman ko ang ingay mula sa aking tenga. Ang pag-ugoy nila sa'kin at ang sigaw.

Agad-agad bumukas ang aking mata at nakita ko si Bet na mangiyak-ngiyak.

"Mommy hindi ko magising si Ate!" Patuloy parin siya sa pag-atungal.

Humalakhak naman ako, "Ano kaba Bet, gising na ako. Haha masyadong malalim lang kasi ang linakbay ng aking panaginip. Napaiyak pa ata kita? Pasensya, mahal kong kapatid." Niyak ko siya kahit mataba pa siya. Ang fluffy niya pala. Ngumisi ako at idinampi ang labi sa kaniyang cheeks. "Oh, wala ng iiyak ha? Gising na si Ate."

Bumaba na ako at nadatnan kong masayang kumakain ang aking mga magulang kasama si Fred. Si Bet ay nakasunod lang sa'kin habang pinupunasan ang luha niya gamit ang kamay.

"Akala ko kasi ate hindi kana gigising." May kaba sa kaniyang boses nang sinambit niya ito.

"Like lolo. You used to wake him up he didn't move like he's dead, but he's tottally dead due to his heart attack." Malumanay ang pagkwento ni Bet. Hindi pa kami nakakababa sa hagdan ay maraming katanungan ang umuukit sa aking isipan.

Sino si lolo? Bat niya naihalintulad ang pagising niya sakin tsaka ang pagising ko kay lolo? Hindi ko tanda ito. Hindi nalang ako sumagot para ipagwalang bahala ang sinabi ni Bet.

Nasa hapag na kaming magkakapamilya. Ang gandang makitang buo ang pamilya. Masaya habang kumakain, masayang nagkwekwentuhan kahit andyan pa ang kambal. Nasa 7th grade na kasi sila kaya bukas na ang kanilang isipan. Marahil hindi ko man maalala bakas parin sa aking isipan kung paano maging bukas ang isa't-isa samin. Ako lang ata hindi. Kailangan ko itong itago muna. Kami lang ni Travon ang nakakaalam.

"Tulala ka nanaman ate, e." Narinig ko si Fred ngayon naman ay seryoso na siya.

"Bakit umiiyak si Bet kanina?" Tanong naman ni Mommy.

"May iniisip lang." Ani ko.

"Si Bet kasi hindi ako magising, Mommy. Naalimpungatan ako sa lakas ng kanyang boses." Nginitian ko si Bet at si Mommy naman ay tumango bilang sagot.

"Baka naalala niya lang ang lolo niyo, dahil 'nong ginising mo ang lolo niyo hindi mo siya magising 'non kaya sabi mo inaantok lang ata, pero hindi na siya 'non humihinga." Taimtim ang lahat sa pakikinig dahil sa pagkwento ni Papa.

Kaya pala, konektado sa akin ang pag-iyak ni Bet kanina. Dahil pala kay Lolo. Nabanggit din ang pangalan ni Lolo sa'min. Nabubuo ko na ang pagkakakilanlan ng aming pamilya.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon