This chapter is dedicated to: heydazzlinggirl ♡
Chapter 3: Hannah's House
Hannah's POV
At hindi na ako nag-atubiling sumakay pa sa kotse ni Travon, uwing-uwi na talaga ako. Uwing-uwi na!
"I wonder if kilala mo sila. Siguro hindi kasi miski ako hindi mo maalala. But, I will try to make things up." Sambit ni Travon na ngayon ay nasa front seat at nagda-drive.
Unti-unting bumabalik ang aking pag-iisip.
"Sino ito?" Sambit ko nang makita ko kung sino ba yung nasa harap ng kotse, isang larawan ng babae.
"Si Mommy 'yan." Pagsagot niya sa tanong ko. Agad naman akong tumango para maging response ko.
Maaliwalas ang panahon, hindi alintana ang init dahil tahimik ang biyahe, tanging ang tunog lang ng sasakyan ni Travon ang maririnig.
"Dito ba ang daan?" Inusisa ko ang daan... ang headlights ang signs, ang mga traffic symbols, ang establishementong nakapaligid sa lugar.
Bago pa man siya sumagot, ay bumaba na kami. Nakita ko ang taas ng bahay.
Ganito pala ang hitsura ng aming bahay. May second floor. Kaya pala parang hindi mawala sakin na mapalapit sa ganda ng ilaw kapag gabi.
"Anak!" Tumatakbong matandang babae ang sumambit 'non, at agad naman akong napatingin sa likod. Eto ba si Mama?
"Hannah, anak." Niyakap niya ako at hinigpitan ko nalang para maging sagot.
"Saan ka nangaling matapos ng iyong contest?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, kung ano ang sasabihin ko. Na naframe-up lang ako o sadyang sinadya ng lahat ang mawala ang memorya ko.
"Nagpalipas muna siya ng gabi sa amin Tita, pagod kasi siya." Pagsisinungaling naman ni Travon.
Alam kong mali, pero atleast hindi na maisasantabi ang pag-aalinlangan nila dahil ang pagkakaalam nila nasagot na ang katanungan.
Ngunit hindi, hindi pa panahon para sabihin ang katotohanan, maghihintay at may darating na pagdurusang mas mabigat pa sa inaakala niya.
----
Umagang-umaga narinig ko ang tunog ng pagprito, naaamoy ko ang bango ng sinangag. Bigla-bigla nalang atang bumabalik ang memorya sa aking isipan. Ganito pala kaganda sa bahay.
"Gising kana pala anak." Namiss ko yung tunog ng pagsambit ni Mommy ng anak.
Dali-dali naman akong umupo sa dining area.
"Tatawagin ko lang ang daddy mo, tsaka tayo mag-aalmusal. Sila Bet at Fred nauna nang mag-almusal may practice kasi daw sila sa labasan." Pag-eexplain ni Mommy.
Tumango naman na ako at nagsimulang mag isip-isip, bakit niya nagawa ang ganoon? E hindi ko naman siya balak agawan ng trono.
Si Barbara ang tinutukoy ko.
Sa kabilang banda, nakita ko na ang daddy ko. Will I hug him or beso nalang? Diko mapigilan sarili ko kaya makikipag-beso at yakap nalang.
Unti-unti na talagang bumabalik ang ilang mga nawalang memorya. Dahil sa simoy ng bahay hindi parin masyadong nag-iba ang tungo ko sakanila, buti nalang hindi masyadong umepekto sakin ang lason. Hindi nga ba?
"Good Morning, Hannah! Good Morning, Mama!" Bati ni Daddy sa'kin at kay Mommy, they seem so sweet. Walang prinoproblema, chill lang talaga.
"Hannah, we are going to my office later. Wear your best dress, baby." Ani ni Daddy, namiss ko boses niya.
And I'm going to meet the company's nature.
BINABASA MO ANG
Her Revenge | ✔
Roman d'amourSiya na ay nawalan. Patuloy parin ba siyang mawawalan? O hahanap ng tyempo upang lumaban? Makikilala mo Si Hannah bilang isang beauty queen, isang title holder, pero mawawala ang lahat ng dahil kay Barbara. Hanggang sa darating ang tatlong lalaking...