Chapter 13: Coach

516 39 4
                                    

Huwag muna tayo kay Barbara. Sa mga lalaking mamahalin niya naman tayo ngayon

Don't forget to read, vote and comment!

Chapter 13: Coach

Hannah's POV

Naging mapusok ako sa gagawin kong plano kung paano ba magiging miserable ang buhay ng babaeng iyon.

Lintik lang talaga ang walang ganti. Sawa na ako sa pag-aalala, baka maalala niya ring hindi basta-basta at tinahak kong problema. At ayaw ko itong malaman nila Daddy at Mommy.

"Ate I'm going to practice again. Would you like to join me? Si Mommy kasi may inaasikaso, same as Daddy si Bet naman hindi makakasama nagtampo sakin kasi hindi ko siya pinahiram ng fidget spinner, kaya ikaw nalang." Aniya.

"Mga bata naman talaga. Sige wait for me Fred. Magpapalit lang si Ate." Sambit ko at dali-daling nagtungo sa kwarto ko.

Ayaw ko sanang sumama dahil gusto kong pag-isipan ang aking gagawing paghihiganti. Pero mas naisip kong hindi pa ngayon. Once kasi na ginawa mo na kailangan mo ng ipagpatuloy. Parang story lang iyan.

Iniisip ko kung ano ba ang sasabihin ni Victor sakin dahil bigla akong umalis kahapon. Hindi ko na siya kinausap pagkatapos ng bangayan namin ni Barbara.

"Ate, tara na." Pangyayaya ni Fred sa akin. Ako nama'y sumunod nalang at hindi na nagpatumpik tumpik pa.

Habang nasa biyahe kinausap ako ni Fred if kaya ko pa daw maglaro ng volleyball. I said, yes kako kaso hindi ko na ata kaya ang tumalon. Humalakhak siya at binaling ang pansin niya sa daan.

"Did you open the gift I gave?" Pagsisimula ni Coach Gio.

Yung regalo niya kasing binigay ay isang pendant. Napakagandang pendat na hugis pato.

"Yes, thank you." Malumanay kong sagot.

"Okay, boys. Get read na sa practice. I'll be back later." Sigaw ni Coach Gio sa mga batang tinuturuan niya, ang mga teamates ni Fred.

Bumalik siya sa pwesto ko. "Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakalabas, Hannah." Sambit niya. Hindi ko ulit maalala kong kailan ngunit ayaw ko siyang biguin at sabihing hindi maalala.

"Kaya nga, e." Sambit ko sakaniya.

Lalabas kami at kakain sa isang restaurant. Simula pa raw 'nong naging varsity player si Fred sa volleyball ay nakahiligan raw naming lumabas.

Tinanong niya ako kung bakit daw ako tumigil sa pagsali sa beauty contest, sabi ko naman nagcoconflict ang schedule ko at may problema rin pagdating sa pagsali ko kaya siguro ay hindi muna ako sasali ngayon, 'yan ang sabi ko sakaniya.

"Just call me if you want. Baka kasi kailangan mo ang tulong ko." Pag-aalala niya.

Nag-order na kami at nag-usap sa mga bagay-bagay.

"You used to call me Coach rather than Coach Gio, kasi sabi mo sa'kin ka natuto kung paano maglaro at maging matapang." Wika niya.

Hindi ko maalala na sinabi ko pala 'yun. Pero hindi naman masama ang loob ko kay Coach Gio dahil simula 'nong hindi pa ako masyadong nakakakilala. Naging parte na siya ng alaala ko.

"Masaya kasi ako nong nakilala kita. Naging malapit ang damdamin ko sa'yo at naging maganda ang pagtrato mo sa'kin." Sambit ko. Hindi ko naman kayang sabihin na hindi ko maalala. Ang kutoh ko ang siyang nagpapahiwatig na mabait siyang tao, na kaya ko siyang pagkatiwalaan.

"Coach." Malumanay kong saad.

"You're calling me now Coach. Hahahaha." May sakristong tonong saad niya.

"From now on Coach na kita. Hindi lang si Fred at mga batang tinuturuan mo. Maging ako rin." Maybuhay kong saad.

Isa siya sa kakailanganin kong tao. Isa siyang Coach. Isa siyang tagapayo. Isa siyang instrumento.

Coach. Coach Gio.

READ, VOTE AND COMMENT! ❤

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon