Chapter 29: Wounds

452 32 0
                                    

Chapter 29: Wounds

Hannah's POV

"Anak, anong kaguluhan ang naganap kanina. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin ng Mommy mo ang nangyari sayo? Kaya ba minsan nauutal ka kasi may mga bagay na hindi mo naalala? O baka ayaw mo lang na madismaya kami?" Si papa.

Lahat ng tanong ay kaya kong sagutin, pero naisiwalat ko na iyon kani-kanina lang.

"Ate, you're a fighter." Ani Bet. Niyakap niya ako at ang kaniyang mga bisig ay pumulupot sa aking leeg. Halos magkaheight lang kaming magkakapatid, ako kasi mukhang pang 4th year high school ang taas. Napangisi nalang ako ng maisip ko ito.

"Me too, ate. I admire you now. Samakalawa na pala ang volleyball tournament. See you there!" Nakipag-grouphug nalang ako.

"Bat kami ni Daddy, wala?" Si Mommy. Niyaya niya si Daddy at nakipagrouphug.

"Kinaya mo ang lahat ng iyon? Anong papeles ang tinutukoy mo kay Barbara?" Tanong ni Daddy. Bigla siyang nawala at pumunta sa kotse. "Eto ba?" Tanong niya at agad ko namang ineksamin ito. Napatango ako dahil magkamukhang magkamukha ang estilo ng papeles na iyon.

"Nakuha ko ito dahil isinuko ni Carmina kanina. Bago kayo nag-away ibinigay na niya sakin ito." Sambit ni Mommy. Nakalapat ang kanang kamay ni Daddy sa balikat ni Mommy paraan para kiligin ako.

"Ikaw na ngayon ang mamumuno ng kompanya." Masiglang sambit ni Daddy.

Tatanggapin ko o hindi? May malat pa para sa akin ang magtungo sa kompanya.

"Hindi ko alam Daddy kung tatanggapin ko agad-agad. Natatakot ako," mariing idiin ko ang salitang nakakatakot. Disesyon lang, Hannah. Desisyon!

"Kung hindi mo kaya. Hihintayin ko pa ang makatapos ang kambal bago isabak sa paghahawak ng kompanya." Nakangiting idinuro ang dalawang kambal na ngayon ay nagtuturuan kung sino nga ba.

"Bet. Mukhang ikaw ang natitipuhan ko." Sambit ni Daddy.

"Fred. Ikaw ang sporty ikaw ang maghahandle ng sports dahil gagawa tayo ng club team para sa tournament." Idinuro naman si Fred.

Kumalabog ang dibdib ko.

May narinig akong katok paraan para pagbuksan ko ito. Nakita ko si Victor na nakangiti sa akin. Ang gara ng ngiti niya. Abot tenga.

"Hi. Gusto ko sanang makausap ang Daddy mo. I want to know them kahit magtake ako ng risk makasama lang kita."

"Desidido ka. Andon sila, sabihan ko sila."

Niyaya kong pumasok si Victor at kinuha ko ang atensyon ng aking pamilya.

"Victor!" Sambit ni Daddy at nakipagkamay ito.

"Hijo." Sambit ni Mommy at nakipagbeso kay Victor.

"Are you guys knowing each other?" Sambit ko na naguguluhan.

"He's your mate. Yun bang magkakasugat ka muna tapos may biglang aakay sayo. Si Victor yun." Masiglang sambit ni Mommy. Ano na naman kayang pakulo 'tong naiisip nila.

"Nagkakamabutihan naba kayo?" Tanong ni Daddy sa amin. Ako naman ay tagong napangiti habang si Victor ay nakita kong mariin na kumikinang ang maputi niyang mukha.

"Ayos na pala ang lahat, e." Sambit ni Daddy.

"Edi kasalan na." Humalakhak naman si Mommy.

Tumingin ako sa gawi ng kambal. Nalulungkot sila dahil mawawala sila sakin. Alam ko namang masakit mawalan ng Ate. Yung magiging kasangga mo sa buhay, alam ko yun.

"Nanliligaw palang po siya." Sambit ko na may kilig.

"Nagkakamabutihan. Tapos nagliligawan. Magiging kayo rin." Sambit naman ni Mommy.

Supportive ng Mommy ko.

"Alagaan mo yang anak ko." Sambit ni Daddy kay Victor. Napatango naman si Victor.

Ang sugat ay humihilom na. Ang sugat ay unti-unting nawawala. Paalam, sugat.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon