Chapter 1:Mission

1K 26 1
                                    



Alysson

"Anak gising na anak! Bumangon ka na diyan! Tanghali na! Ano ba?"

Unti unti kong dinilat ang mata ko para makita ang oras sa aking phone. Napabuntong hininga na lang ako habang kinukusot ang aking mata.

"Mom, you're over acting again. It's 7:00 pa lang oh."

Yeah. May pagka OA ang Mom ko. Minsan ang kulit kulit pa.

"Eh nak, tumawag kanina si Mr. Lim eh. May meeting daw kayo?"

Meeting? Tungkol naman saan?

"Sige po. Gagayak na po ako."
Inaantok na tugon ko habang tinutulak ang nanay ko palabas ng kwarto.

"Sige anak. Ano ba gusto mong baon?"

"Mom-"

"Cheese cake? Chuckie? Zest-o?"

"Mom-"

"Marie? Fita? Cerelac? Oh ano?"

What?! Cerelac? Baby ba ko?

"Mom! No need. I can go to restaurants out there. Okay? So better go down and help Dad on cooking your breakfast."

"Pero nak-"

Sinarado ko na lang ang pinto ng kwarto ko. Baka kase kung ano pang maisipan ni mom eh. Minsan nga napapaisip ako. Nanay ko ba talaga siya?

Agad agad akong naligo at nagbihis. Bumaba na ako at naabutan ko sina Mom at Dad na kumakain. Pero may kasama.

Pababa pa lang ako sa hagdanan ay kitang kita ko na ang pinaka makulit na tao na kilala ko. Rinig na rinig ko na rin ang mala megaphone niyang boses. Naiinis ako sa kaniya minsan.

Maya maya lang ay napalingon na ang loko. And as expected.

"Pin pin!!!!!!"

-_-

Nag pintig ang tenga ko noong narinig ko ang Pangalan na iyon.

"Pwede ba Jeff. Tigil tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng pin pin. Ang sakit sa tenga eh."

"Ayy ganon ba Pin pin? Ay sige Pin pin samahan mo muna kami sa pagkain Pin pin. Hano pin pin?" -malokong saad ng maloko kong pinsan.

*Bog*

"Y-you know i-insan,di kakalat ang lahi kong gwapo nito.. A-ang sakit!!!! I-I'm just kidding insan. Wag ganon." -namamalipit na sabi ng pamuset na Jeff. Buti nga sayo. Nakatikim ka ng tadyak ng isang Alysson.

Di ko na lang siya pinansin.

"Dad, Mom, alis na po ako-"

"Wait lang anak!" -tumatakbong habol sakin ni Mom. Nagulat ako ng may binigay siya saking topper ware. Binuksan ko yun at laking gulat ko.

"CERELAC?! Mom!"

"Wow! Tita akin na lang?!" -singit ni Jeff. Aba't parang di man lang nasaktan sa ginawa ko kung umasta ah.

Di ko alam kung sino ba ang tunay na anak ni Mom samin eh. Halos mag kamukha sila ng ugali ni mom. Then, pareho ding OA. At minsan isip bata. -_-

Tumakbo na lang ako papunta sa garahe para makaalis na. Habang paalis ako, rinig na rinig ko pa rin ang boses nila. Grabe para silang nasa bundok kung magusap.

Hindi naman masyadong malayo ang meeting place namin. Katunayan kaya ko naman yatang lakarin eh. Pero para mas maingat better gumamit ng bulletproof na kotse. Mahirap na.

Natatanaw ko na ang lumang building kung saan lahat kami ay nagpupulong. Di kalayuan ay naaninag ko si Alvin.

Si Alvin ay isa sa amin. Isa sa pinakamalakas na miyembro. Kaya maraming inuutos sa kaniya si Mr. Lim.

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now