"Ate, sa susunod ko na lang sayo ipapakilala si Barney at Kuya. Bye bye!" sabay kaladkad sa lalaki. Naiwan tuloy kami ni Mr. Cold Guy dito sa labas ng CR. Napatingin ako sa kaniya pero nagsimula na itong maglakad palayo ng hindi man lang ako pinapansin. Hawak hawak pa rin nito ang biniling napkin. Sumunod na lang ako sa kaniya.
Kahit na gustong gusto kong tumakbo palayo dahil sa kilabot sa kaniya ay parang may nagpigil sakin at sinabing sundan ko siya. Tiniis ko ang cold aura. Tahimik pa rin siyang naglalakad habang ako naman ay parang asong nakasunod. Napansin ko namang pinagtitinginan na siya ng tao. Ang iba ay tunatawa at nagbubulungan.
Dahil siguro sa hawak niyang napkin. Pero parang wala pa rin siyang pakielam kaya naman inagaw ko na sa kaniya ang hawak at-
"Thanks!" malakas na sabi ko. Natigil naman sa pagbubulungan ang mga taong chismoso at chismosa. Di ko alam sa sarili ko kung bakit nasabi at nagawa ko iyon. Di ko naman alam na kusang gagalaw ang katawan ko. Di ko maintindihan.
Unti unti akong tumingin sa mukha ng nasa harapan ko ngayon. Nagtataka ang mukha nitong nakatingin sa akin. What to do? What to do? ah alam ko na. Tinaas ko ang napkin sa harap ng mukha niya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya pero bumalik lang din sa dating ekspresyon. Poker face siyempre. Ngumiti ako ng awkward. Di ko na alam gagawin ko.
Nagulat naman ako ng may dumamping malamig na kamay sa braso ko. Sinimulan na kong kaladkarin ng yelong lalaking toh. Di ko alam gagawin ko. Basta ay nagpatangay na lang ako sa kaniya kung saan man kami pupunta. Para na rin matakasan ang nakakahiyang scene kanina. Kahit di ako nakatingin ay ramdam ko ang mga matang nakasubaybay sa amin. Maya maya ay napansin kong ang landas na tinatahak namin ay di papunta sa building namin.
Tiningnan ko siya ng parang nagtataka pero di niya ko pinansin. Dirediretso pa rin siya sa paglalakad. Parang mas lumalamig naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nawala din ang malamig na aurang nakapalibot sa kaniya. At di ko na rin maramdaman iyon. Parang bigla iyong naglaho ng parang bula at napalitan ng nanlalamig na kahihiyan. Dahil siguro siya nagkakaganito dahil sa kahihiyan.
"Why did you do that?" ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya. Napaka manly. Napakurap kurap naman na tumingin sa kaniya pero di siya nakatingin. Nakafocus siya sa daan na pinaglalakaran namin.
"Why? Dapat nga magpasalamat ka sakin eh. Niligtas kita sa kahihiyan." nasabi ko na lang. Di naman siya kumibo at nag 'tss' lang. Maya maya lang ay naramdaman ko na ulit ang aura niyang kinaayawan ko. Bumalik na ulit ang cold aura niya. At natanaw ko ang building namin. Anong trip neto?! Umikot lang kami ganon?!
"Bakit parang umikot lang tayo? Anong trip mo?" pero parang nag sisi ako sa sinabi ko kase ramdam na ramdam ko na talaga ang malamig na malamig niyang aura na nakakapangilabot. Tumingin siya sakin saglit pero bumalik din ulit sa daan. Great, nakipagusap ako sa hangin. Ng makarating kami sa harap ng pinto ng room namin ay binitawan na niya ko at humarap sa akin.
"Thank you." A-ano daw? Natulala ako sa sinabi niya. Marunong pala siyang magthank you. Take note, sincere pa yan ah. Di ko namalayan na binuksan na niya pala ang glass door kaya napasunod na lang ako na wala sa sarili. Tss. Marunong palang magthank you ang lalaking toh? Ha! Kala mo makukuha mo ko sa thank you thank you mo na yan? Ano ko? Timang? Tss, yelo ka parin! Hin-
"What the?" muntik na kong masubsob sa biglaang paghila niya sakin. Ano bang problema ng lalaking toh? Mukha ba kong laruan na basta basta na lang hihilahin? Tiningnan ko siya ng nagtataka. Pero iniwas niya lang din ang tingin niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatulala naman ako sa gilid ko kung saan may nakaturok na blade. Tss. Yelo ka pa rin!
YOU ARE READING
Lady in Disguise
Teen FictionMeet Alysson an assassin that was given a mission by Lim's Org. Part of her mission is for her to disguise as a pale and weak woman who's good at computer hacking. Pinadala siya sa Campus which is totally different from any other Campuses. At doon...