Alysson
"Dark. That's right. He is the ultimate."
Napatulala ako sa sinabi ni Ash. He is Dark? Parang petiks petiks lang itong naglalakad at tinutulungan ang mga studyanteng sugatan.
"Tara na. Tulungan na natin sila." Sabi ni Ash sabay hila sa braso ko. Wala pa rin ako sa sarili ko habang hinihila niya ko. Basta ang alam ko lang gusto kong makapunta sa field.
Omg, anong nangyari? Natatakot ako bessy.
Nandun daw si babe Dark sa field.
Omaygad, nasira ang beauty rest ko dahil sa kung ano man yan. Kalerkii~
Tara sa field beshy, andun si honey bunch my loves poreber. DARK! Kyaaaaaa!
Tumakbo kami pababa ng centerhall at nadatnan namin ang pagkadami daming babaeng nagkukulumpunan sa gitna na nagchichismisan. Ang iba sa kanila ay takot at pinagpapantasyahan si Dark na animo'y walang pagsabog na nangyari. This women are unbelievable. Tsk. Derederetso naman kami ni Ash sa pinto palabas.
Maraming nakahiga at walang malay. Lumapit si Ash sa isang faculty habang ako ay nakatingin sa lalaking ngayon ay nag lalagay ng first aid sa mga studyanteng sugatan. Si Dark.
"Sir, ano pong nangyare?" Rinig kong tanong ni Ash.
"Hindi ko din alam, basta ang alam ko, nagchecheck ako ng papers then biglang may sumabog. May napulot na papel ang ultimate at agad na binigay iyon kay Mr. R na ngayon ay sinusuri ang papel. Ano nga palang ginagawa mo dito iha? Bumalik ka na sa iyong kwarto. Kami na ang bahala dito. Pero kung gusto mong tumulong. Sige." Nakita kong tinapik niya si Ash sa balikat.
Ngayon ay nakaluhod si Dark sa tabi ng isang studyante at nilalagyan nito ng tela ang mga dugong tumatagas sa braso nito. Matapos niyang lagyan iyon ay tumayo na ito at tiningnan ang lahat kung nalagyan na ito ng first aid. Ng masiguro ito ay naglakad ito papunta sa isang office na malapit sa akin kaya't nadaanan niya ko.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kaniyang paglalakad. Walang maririnig na yapak. Napakatahimik. Nakakapagtaka. Sinabayan ko ng tingin ang kaniyang paglalakad. Hanggang sa di inaasahan ay napatingin siya sa akin.
His dull eyes are scary. Kitang kita ang pagkablangko ng mata niya. Aalisin ko na sana ang tingin ko ng sa di inaasahan ay huminto ito.
Huminto ito sa harap ko at medyo yumuko. Nanlaki ang mata ko. Si Dark. Yung Ultimate na sinasabi nila, yumuko sa harap ko. Hindi bilang ako ay isang amo o kung ano, kundi bilang pag bati at pag galang.
Ilang sandali pa ay naglakad na muli ito papunta sa office. So this is Dark? From his name Dark di mo aakalaing ganon ang personality niya. You are really interesting Dark. I hope marami pa kong malaman tungkol sayo.
"Okay lang ba kayo? Ashley? Asan yung pinsan ko?" Napailing naman ako sa pagkakatulala at napatingin sa gawi ng pinanggalingan ng boses. Si Jeff.. Kasama si Aldrin..
"Ayun! Alysson! Are you okay?" Sabi nito habang tumatakbo papunta sakin.
"Yeah, yeah. I'm alright." Sagot ko sa kaniya. Mukha namang di ito nasiyahan sa sagot ko at chineck pa nito ang itsura ko kung may sugat o galos man. I only gave him a bored look. He's OA again.
YOU ARE READING
Lady in Disguise
Teen FictionMeet Alysson an assassin that was given a mission by Lim's Org. Part of her mission is for her to disguise as a pale and weak woman who's good at computer hacking. Pinadala siya sa Campus which is totally different from any other Campuses. At doon...