Chapter 5: Revealations

379 12 0
                                    

Alysson

Pinilit kong imulat ang mata ko. Nilibot ko ang paningin ko ng makitang nasa kwarto na ako. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang may benda ito. Ang huli ko lang na natandaan ay bumagsak ako sa sahig dahil may nakabunggo sakin. Tapos nakita ko sa likod ng ulo ko na may dugo. Then everything went black. Binalikan kya ako ni Ash nung mga oras na iyon? Nabigatan kaya siya sakin? Tss. Stop sumasakit lang ang ulo ko.

"Hey Ash, mas makakabuti siguro kung mag gawa ka ng cookies diba? pag gising ni insan may kakainin na siya." rinig kong boses ni Jeff sa bandang gilid lang.

"Samahan mo na rin ng juice para may panulak siya." rinig ko uling pang uuto ni Jeff. Sarap lang tadyakan eh.

"A-ah Sige." tugon naman ni Ash. Halatang nahihiya dahil sa garalgal ang boses nito at nanghihina. Teka?! Panong nakapasok ang mokong na yun dito?! Pinilit kong maupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Alysson, Gising ka na pala." lumitaw bigla si Jeff sa tabi ko. Pano nakapasok tong mokong na toh? Nagcrossarm lang ako saka inirapan siya.

"Nope, I am sleeping. I am just sleep talking." sarcastic kong sabi saka uli siya inirapan. Narinig ko namang tumawa siya.

"Pano ka nga pala nakapasok dito? Babae ka ba?" tinaasan naman ako nito ng kilay at nagcrossarms din. Para tuloy siyang baklang ang sarap tadyakan. Joke.

"FYI, dumaan ako sa bintana. And what? ako? babae? patawa ka? Halos papakin nga ako ng ibok sa punong pinagakyatan ko eh. " nakanguso pa nitong sabi. Naiinis ako sa itsura niya. Paki bigyan nga ako ng energy ng matadyakan ko tong lalaki na toh palabas ng kwarto namin.

"Di bagay Jeff. Para kang bakla." nakapikit kong sabi habang nakacrossarms. Totoo naman eh. Nakanguso pa. Parang cute na cute pa sa sarili. Tss. Ano ba namang.. Pagkagising na pagkagising ko, siya agad bubungad? Nakakabeast mode.

"Ano?! Ulitin mo nga yung sinabi mo!" Napadilat ako sa lakas ng boses niya. Tiningnan ko siya at ngumisi.

"Di bagay Jeff. Para kang bakla." para namang umuusok ang ilong niyang tumingin sakin. Pikon talo! Sabi kasi ulitin daw eh. Nginisihan ko lang siya hanggang sa siya na ang umiwas at napahinga ng malalim.

"Uyy! Aly! gising ka na pala. Eto cookies at juice oh. Kain ka muna. Baka kase gutom ka na. Grabe ang tagal mo ding natulog ah. 12 hrs straight." sunod sunod na sabi ni Ash na parang ratatatatat ang bibig. Nilapag niya ang tray na naglalaman ng cookies at juice. Napatingin naman ako kay Jeff na umayos bigla ng upo at nagniningning ang mga mata dahil pagkain niyang nakikita.

Sa totoo lang sarap niyong tadyakang dalawa.

********

"So ayun ngaaaaaaa, kyaaaaah! Omaygad Aly! you're so swerte talaga! Kyaaaaaa!" at napuno ng hiyaw niya ang buong kwarto. Oo Ash. Naintindihan ko yung sinabi mo. Nauna pa mga tili bago makapagsalita eh. Palibhasa umalis na si Jeff kaya ganito na siya magreact. Tss.

"YouknownapakaswertemoKungakoyunhihimatayintalagakoWellhinimataykanamanpalatalagaperonakakainggitkaAly!!" nawala nga si Jeff, napalitan naman ng Ash. Tss. Sarap niyong pasakan ng bulak sa ilong at bibig eh. Kung pwede lang Aly. Kung pwede lang.

"Ayusin mo Ash. Yung malinaw. Breathe." simple kong sabi sa kaniya dahilan para biglang matauhan at umayos. Huminga ito ng malalim pero di pa rin naaalis yung ngiti. What's with her?

"Noong nabitawan kita, sinubukan kitang hanapin pero masiyadong maraming students na natatakbuhan kaya hinintay ko na lang na humupa ang mga nagtatakbuhang studyante. Ilang minuto din akong naghihintay doon at di talaga ako mapakali. Ilang sandali ay onti na lang ang studyante pero kumabog ang dibdib ko ng makitang wala ka sa puwesto kung saan kita nabitawan." oh anong swerte dun? Aish!

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now