Chapter 2: Her past

633 13 0
                                    


Alysson

Nagising ako dahil sa tahol ni jakie. Dinilaan ako nito sa mukha ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama. I checked the time. It's 9:34 PM. Nakatulog ako. I hugged Jackie. Nanatili ako sa ganong posisyon hanggang sa maramdama ako ng uhaw.

Tiningnan ko si Jackie. Oh! He fell asleep. Nilagay ko siya sa kama at bumaba ako ng hagdan para pumunta sa kusina. Habang pababa ako ay naaaninag ko na bukas ang ilaw sa kusina kaya naman binilisan ko ang pagbaba. Baka may pumasok na kung sino dito.

I heard something na parang may hinahalungkat. Kinuha ko ang kutsilyo ko na nakatago sa shorts ko. Yeah. Lahat ng shorts ko ay may place for daggers.

Dahan dahan akong bamaba hanggang sa makita ko ang kusina. Luminga ako. I looked around pero wala naman akong nakita. Lalakad na sana ko ng may tumakip sa bibig ko.

Nanlaki ang mata ko dahil ang bilis niyang gumalaw. Di ko nga siya halos naramdaman kanina.

"Kung ako ang magnanakaw kanina ka pa patay. Bagal mo insan." -napaface palm na lang ako. Siya lang pala.

"What are you doing here in the kitchen? It's late na. Dapat tulog ka na ah?" -kunot noo kong tanong.

"Kumuha ng pagkain"-halata naman eh. Nasalikod niya. Binaba niya siguro kanina nung tinakpan niya yung bibig ko. Ang dami niyang dalang popcorn at kung ano ano pang snacks. San niya ba dadalhin yun?

"Saan mo ba dadalhin yan? Napakadami"-sabi ko habang kumukuha ng tubig. Ngumiti siya sakin at hinila ko papuntang sala. Wala naman na kong lakas para pigilan pa siya kaya nagpahila na lang din ako.

Napailing na lang ako ng nakita ko sina mom at Dad na parang mga teen agers lang na barkadang nagkukulitan. Nagmomovie marathon sila? Tapos ako di inaya? Tss.

"Oh nak, lika dito nood tayo?"

Umupo ako sa pagitan nila. Muli ay pumasok nanaman sa isip ko yung task. Can I quit this shit? Of course not. I can't. Pano ko ba sasabihin sa kanila? Aish. Bahala na.

"Dad-"

Pagtawag ko ngunit pinutol na agad ni Dad.

"Alam na namin anak. Don't worry, pumayag na kami ng Mom mo. Para din naman yan sa ikabubuti mo para makuha mo na yung gusto mong ranggo."

Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Tiningnan ko sila ni Mom. Nakangiti sila. Pero sa likod ng ngiti ay kita ko pa rin ang lungkot at takot nila. Takot na dahil sa oras ng pag alis ko sa kanila. Alam ko. Nakakatakot na baka may masamang mangyare. Nag-aalala lamang sila. Maski ako ay nalulungkot din. Sino bang hindi?

"Thank you Mom, Dad"-sabay nito ay ang pagyakap ko sa kanilang dalawa. Di ko alam kung ano na ba ang mangyayari pero ang alam ko lang napakasaya ko ngayon-

*Sniff sniff* "Huhuhu Nakakaiyak naman"-sabi ng pinsan ko habang nagpupunas kunwari ng luha habang kumakain ng popcorn. Binatukan ko siya kahit na sa kabilang sofa siya. Narinig ko naman ang mahinang tawanan nila Mom.

Umakyat na ko sa taas upang matulig ulit. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. I'll make sure that I will finish this task no matter what.

Tuloy tuloy akong humiga sa kama ko. Naramdaman ko si Jackie na tumabi sakin. Ano kayang mangyayare sa mga susunod pang mga araw?

Umaga na agad? Ang bilis naman..
Tumayo ako sa kama ko at naglakad lakad. Binuksan ko ang pinto ng kwarto upang lumabas.

Pero para akong nasa isang paraiso ng nakalabas ako ng pintuan. May ilog, mga maliliit na damo, mga paru-paro malinis na hangin at malinaw na tubig.

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now