Chapter 13: Parade

496 16 6
                                    

Alysson

"Are you sure na kaya mo?" Ulit na tanong pa ni Ash. Tumango naman ako sa kaniya. It's already 6 AM at dito na natulog yung mga boys. Isa sa sofa, dalawa sa baba. Babantayan daw kasi nila ko. OA nila noh?

"Anong oras nga pala yung parade?" Tanong ko sa kanila.

"Mamayang 7 ng gabi." This time si Aldrin naman ang sumagot.

*TOK TOK TOK*

Agad kong sinenyasan ang tatlong lalaki na magtago. Nag unahan pa si Jeff at Aldrin sa cr. Pero nauna si Jeff kaya sa ilalim ng kama nagtago yung dalawa. Si Tristan at Aldrin.

Nang masigurado ni Ash na nakapagtago na, saka niya pa lang binuksan yung pinto.

"Ano po iyon? Miss Laura?" Tanong ni Ash. Oh, it's Miss Laura. Sinilip pa niya ko.

"Hi Ashley. Oh Hi Alysson. Pinapahatid ito ni Mr. R sa lahat. Design your clothes for the parade later okay?" Iniabot ni Miss Laura ang isang tablet? No. Mas malaki ito sa natural na tablet. Sinara naman ni Ash ang pinto at agad naman lumabas yung tatlong lalaki.

"Okay so, tara na magdesign." Sabi ni Aldrin habang pinapagpagan yung damit niya. So dun kami sa tablet na yun mag dedesign? Hmm.

Binigay naman ni Ash ang tablet kay Tristan. Binuksan niya iyon at bumungad samin ang iba't ibang klase ng kulay ng tela, sizes, styles and whatsoever. Nagsimula na silang sabihin ang mga gusto nilang styles while me? Bahala na si Ash sakin. Kahit ano naman pwede wag lang bikini. Puro pasa na nga ko eh. Bikini pa? Psh.

"Pano yung trabaho natin dun sa cafeteria?" Tanong ko sa kanila habang nagdedesign.

"Shems. Oo nga pala. Ash sabihin mo na kay Tristan kung anong style yung sayo pati na rin yung kay Aly. Mauna na kami ni Aldrin dun." Sabi ni Jeff sabay talon sa bintana. Ganun din ang ginawa ni Aldrin. Hays. Sanay na sanay sila dun hano? Good thing, di sila nahuhuli.

Natapos ng sabihin ni Ash ang style ng damit namin at isinubmit na ito ni Tristan sa AA office.

"Prepare lang ako. Kailangan pa nating magtrabaho. Our clothes are too expensive." Nakangiting sabi ni Ash samin.

Tatayo na rin sana ko para gumayak upang magtrabaho ng bigla akong harangan ni Tristan.

"Stop forcing yourself human." Inirapan ko siya.

"Para namang di tao toh kung maka-human sakin." I answered in a bored tone.

Kaya ko naman magtrabaho eh. Sila lang tong makulit. Nawala na din naman ang mga side effects at nagamot na din naman ang nga sugat ko. So what?

"Tabi, maghahanda lang ako. May trabaho pa remember?" Bored kong Sabi ulit sa kaniya. Pero nakatitig lang ito ng blangko sakin. Tch. Ayan nanaman siya. Kailangan ko nanaman bang mag puppy eyes? That nakakapandiring puppy eyes?

"Don't dare to do that puppy eyes of yours." Para namang nabasa niya ang nasa utak ko kaya napabusangot na lang ako. He's a mind reader indeed.

"I really want to work. Ayokong maging pabigat sa inyo." I know, I'm being a little drama queen here but that's the truth.

Di siya kumibo. Nagiging parang strict parent nanaman siya. Ano pa nga ba? Tristan yan eh. Lagi siyang ganiyan tuwing training namin. Ilang minuto ang lumipas at di kami nagkikibuan. Then I heard him sighed.

"Fine. But don't blame me if something bad happens." Sabi niya saka tumayo at pumunta sa bintana saka tumalon.

Tingnan mo, ang gulo din ng isip niya minsan eh.  Ewan ko diyan. Pipigilan ako tas papayag din naman. Tss. I really hate the feeling na nagiging pabigat ako. Pero kahit papano napangiti naman ako.

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now