Chapter 12: Mistaken

315 14 3
                                    

Alysson

"Aly, overtime tayo. We really need to do this. Bukas na ang last day ng preparation." Praning na sabi ni Ash habang nagpupunas ng mga table. 3 days ang preparation at last na bukas. Kasama doon ang parade.

Hapon na at nandito kami ngayon sa cafeteria. Group namin ang nauna sa pagpili ng lugar na ito dahil sabi nila, madali lang naman daw. Well, I guess not. Napakadaming studyanteng nagkakalat dito tuwing break time, lunch time and even sa uwian kaya eto kami. Feeling ko nga sinasadya nila eh. Pero whatever. Buti na lang at walang klase dahil preparation nga.

"Handa na yung mop. Pre iligpit na natin yung mga paninda. Wala naman na sigurong bibili." Sabi ni Jeff na may hawak hawak na mop at nilagay muna sa tabi dahil di pa ko tapos mag walis. Tumango naman si Aldrin sa kaniya.

Narating ko na ang kitchen kung saan naabutan ko si Tristan na naghuhugas ng mga utensils na ginamit sa pagluluto ni Ash ng ibang dish kanina. Kumpara samin na praning na, siya ay parang chill na chill mag hugas ng mga kagamitan.

"Don't waste time by just staring at me. Go sweep the floor." Napairap ako sa sinabi niya.

He's always like that kaya medyo nasanay na rin ako. Sa araw araw na training na ginawa namin nun. Masasabi ko naman na somehow ay naging close naman kami di nga lang ganun kaclose sa tatlo. I saw two sides of him already. Bored. As always and the rarest one which is a smiling and laughing Tristan.

That's when he trained me on girl's dorm. Mula nun ay di ko na ulit siya nakitang ngumiti.. That's the last time. Naalala ko nanaman tuloy yung kahihiyan na yun. Hanggang nagyon ay inaasar pa rin nila kami but I already told them na I have no romantic feelings toward Tristan. Lahat kasi ng bagay binibigyan nila ng malisya.

Lagi pa ring nakamasid sakin yung babaeng creepy pero di naman niya ko kinakausap. Ngumingiti lang ito saka aalis na. Minsan nga ay kinikilabutan na talaga ko sa babaeng iyon kaya napapaiwas na lang ako ng tingin.

Natapos na kong magwalis kaya't sinimulan na ni Aldrin maglampaso. I can feel the sweat on my forehead. Maski sila ay ganun din. Thanks to the aircon dahil nababawasan naman nito kahit kaunti ang init.

"Saan nga pala tayo kukuha ng costumes natin?" Basag ko sa katahimikan nila. They're very focused sa mga ginagawa nila.

"We'll make it." Sabi ni Ash sabay ngiti sakin. Nangunot naman ang noo ko.

"You'll see." Sabi naman ni Jeff. Kumuha naman ako ng tubig at binigyan sila isa isa.

"That's enough. Now rest. We still have work to do tomorrow." Napalingon kami kay Tristan na ngayon ay nagpupunas ng pawis. Siya ang ginawa naming leader dahil alam naming kaya niya kaming patinuin.

"Tara na Aly." Rinig kong sabi ni Ash saka sumabit sa braso ko. Unggoy na bibe.

"Hatid pa ba namin kayo?" Tanong ni Aldrin. Umiling naman ako.

"No thanks, kaya na namin ang sarili namin." Sabi ko

"Ingat boys." Sabi naman ni Ash bago kami tuluyang umalis ng cafeteria.

"It's so tiring. Gusto ko na tuloy matulog." Sabi ni Ash habang papunta kami sa dorm. I was about to answer her statement nang may bigla akong maisip.. This is the time. Kailangan ko nang kausapin si Mr. Lim. Ngayon na lang ang magiging free time ko.

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now