Chapter 11: Overnight Training

258 14 0
                                    

"Hey, gabi na.. Di pa ba tayo tapos mag training?" Sinundot ko pa yung likod nitong taong puno sa harap ko habang naglalakad kami kung saan.

Kanina kasi nung biglang dumaan yung babaeng yun at bumulong sa tenga ko, di ko alam ginawa ko. Basta ang alam ko, nagising ko si Tristan.. Naalala ko tuloy.

Flashback
Bumangon siya sa pagkakahiga, kinusot ang mata at ginulo ang buhok. I am really confused right now.. Gusto kong tulungan ako ni Tristan na habulin yung babae pero mukhang wrong move.

Tumingin siya sa relo niya at sinuot ang hoodie niya. Habang ako ay bangag pa rin dun sa sinabi nung babae. Para kasing may kilabot na dala yung sinabi niya. Isa pa tong parang galit si Tristan. Tiningnan niya lang ako ng blangko. Lagi naman eh. Pero kinakabahan ako baka bigla na lang niya kong sigawan dito.

"Let's go." Rinig kong sabi ni Tristan kaya tumayo na ko. Ganun din siya. Di ko masabi sa kaniya yung tungkol doon kaya nanahimik na lang ako. Akala ko magagalit na siya sakin.

End of the flashback

Kanina ko pa siya tinatanong kung san kami pupunta pero ayaw niyang sumagot.. Nagalit nga siguro. Baka pag push-upin niya ko o kaya patakbuhin ako ng 5 kilometro. O kaya naman.. Eh bat ba kasi tinulugan niya ko? Di ko na kasalanan kung nagising ko siya.

"I told you, I'm going to train you to avoid sleeping during quiz time." Sabi niya habang nakatalikod pa rin sakin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"What?" Tanong ko habang sinilip ko pa yung mukha niya kung seryoso ba siya. He gave me a soft glance.

So... Kung seryoso nga siya.. Edi..

"No way. Kailangan ko ding matulog. Saka--"

"Shut up." Purki sinabi na itetrain mo ko, shinashut up shut up mo ko ah! Suntukin kita diyan eh. Nawala tuloy yung guilt ko kanina.

"I'm tired."

Tiningnan niya lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Aish. I just want to think about the woman in red kanina. Ano nanaman bang kailangan niya sakin? Kailangan kong pumunta sa room para mainform ko si Mr. R about dun sa babae. Baka may alam siya.

Pero kung ano pa man ang pakay niya dito, I know that makakasagabal siya sa task ko. Kaya kailangan kong malaman kung anong pakay nung babaeng yun. Pero di ko naman alam kung dito siya nag aaral. Di ko alam kung kailan ko ulit siya makikita. At para makagawa ako ng plano at mainform si Mr. R tungkol dito, kailangan kong pumunta sa room ko at matawagan siya.

And this guy, walking in front of me is like a strict parent. Gabi na, di pa tapos yung training? I think kailangan ko nang gamitin ang acting skills ko. Tsk, gumana ka..

"Tristan.. Ipagpabukas na natin tong training.. I'm really tired." Nagpuppy eyes pa ko dito. Jusko. Nandidiri ako sa pinag gagagawa ko. Mukha kong batang nakikiusap sa kuya niya.

Siya naman ayun.. Nakatingin lang sakin ng blangko. Tsk, gumana ka sana. Napakurap kurap naman siya at naglakad ulit. Napabuntong hinga na lang ako. Ano pa nga ba? Ice king yan eh. Walang makakapag palambot diyan.

"Go to your room." Pagkasabi niya doon ay napangiti ako bigla. Nag bow ako sa kaniya at nagtatakbo papunta sa girl's dorm. Yes! Gumana. Galing mo talaga Alysson! Pagpasok ko sa room ko ay nadatnan ko namang nagluluto si Ash.

Lady in DisguiseWhere stories live. Discover now